Ang sarap gumising na may mga ngiti sa iyong mga labi. Na wari mo’y kinikilig ka at may halong saya. Diba, sa simpleng bagay na sinasabi niya mula sa text parang nasa langit ang feeling? Pakiramdam mo ang swerte mo sa taong yon. Minsan pa nga ito yung dahilan kung bakit ang sarap ng gising natin sa umaga. Kung bakit ang saya-saya ng gising natin. Simple lang ang dahilan, dahil alam mo sa sarili mo na pinapahalagahan ka nung taong yon. Pinaparamdam niya sa'yo yung mga bagay na gusto mong maramdaman. Iba talaga yung feeling na makakatanggap ka ng text sa umaga. Nakakakilig na masaya..
'Good morning Pango, gising kana ba?'
'Hindi! Tulog pa ako..' Nangingiti kong reply sa text message ni Weng. 'Na reply ako diba? Ibig sabihin nun, gising na'ko!'
'Sungit naman neto, para nagtanong lang naman ako eh!'
'Bakit, anubang ganap ngayon at ang aga mo yatang nagising?'
'Mag beach tayo!'
Napaismid akong bigla. 'Tong lalaking 'to, kung mag aya akala mo marunong lumangoy, eh di naman!
'Dika na nag reply, ayaw mo ba?'
'Aysus! Beach ba kamu? Sinong taya? Ala akong budget..'
Pagdadahilan ko, bakasakaling magbagong isip at tantanan na'ko sa pangungulet.
'Sa Villa beach lang naman tayo, malapit lang... Sige na, pumayag kana!'
'Kulet neto!' Ng biglang maisip ko si Jingjing, naku! gustong gusto nun mag swimming.
'Sinong kasama natin? Wag mong sabihin na tayo lang dalawa? pagpi pyestahan na naman tayo ng mga marites nyan!'
'Di ah! basta kung sinong sasama, isama natin.. Kaya mag ayos kana dyan, ako ng bahala dito sa mga katropa natin sa sapa!'
'Sige! titext ko na lang si Jingjing at Charity.'
So, buo na naman kaming magkakatropa na sumugod sa Villa beach.. Ang saya saya lang kapag nagkakasama sama na kaming lahat. Kahit konti lang ang baon naming pagkain... spaghetti at bihon na niluto ni Charity, tinapay at chichiria ambag namin ni Jingjing. Mga inumin naman ang dala dala nila Weng, Aldrin, Barbie, Ronel at iba pang mga bugoy na sapa boys.. Parang boracay ng narating namin dahil sa mga amazing experience namin.
Ang saya mabuhay! Sana palaging ganito nuh?! 'Yun bang kaligayahang nadarama mo ay walang makakapantay na kahit na anumang bagay.. Yun bang wala kang ibang iisipin kundi ang mga kaibigan mong nagsasaya ng todo bigay.. Yun bang sa pagsulyap mo kay crush kaylapad ng pagkakangiti nya sa'yo sabay kindat.. kaya tuloy si puso tuluyan ng nahimlay.
"Hmp!" Kunwaring pang snob ko sa kanya pero sa totoo lang, sa mga simpleng ginagawa nya, sa mga kilos na di man nya sinasadya.. mga nasasabi nyang para sa kanyay walang malisya... Ang impact naman nun sa'kin ay big time na talaga.
'Hay Weng, di man ako sweet, lagi man kitang binubully, masaya man ako na lagi kitang naaasar pero ipaparamdam ko sa'yo kung gano ka ka-special sa'kin. Di ko man madiretsong aminin sa'yo yung tunay na nararamdaman ko pero binibigyan na kita nang assurance na sa'yo ako base sa actions ko. Matagal na kitang gusto at habang tumatagal mas napapamahal ka na talaga sa'kin. At wala akong paki kung sabihin man nang iba na talo ako sa huli kasi yung fact palang na hinahayaan mo kong iexpress yung sarili ko sa'yo, panalo na ko dun. I could not ask for more, basta andyan ka, okay na'ko.'
Ng may pumutol sa pag iimagine ko..
"Hoy! Tama ng titig, baka malusaw!"
"Oh nga naman Bhe! Ikain mo na lang yan, gutom lang 'yan!"
"Eh bakit ba kasi,? para humahanga lang naman ako sa kanya, masama ba 'yun?" Kaagad na depensa ko sa panggigisa nila Charity at Jingjing sa'kin.
"Ang paghanga hindi! Pero san ba mauuwi yang paghanga mo ha?" Sabay subo ng tinapay at lagok ng coke na bumaling ng tingin sa'kin si Jingjing. "Tigilan mo na yan Bhe! Mahu hurt ka lang.."
BINABASA MO ANG
Tears in Heaven ✔💯
Roman d'amourPaano kung isang araw makita mo ang taong mahal na mahal mo ng sobra na nakahiga sa sahig, walang malay, hindi humihinga, hindi tumitibok ang puso... at patay na? Paano kung isang araw bigla na lang siyang maaksidente, masaksak at mamatay ng biglaan...