ED LUIE'S POV:
Mula public school nalipat akong private school, labag man sa loob kong lumipat ng skwelahan wala akong nagawa ng mag pasya ang buo kong pamilya na sa Santa Isabel na ako magpatuloy ng highschool. Sabagay ilang beses na ba akong bumagsak at pabalik balik ng senior high dahil napapabayaan ko ng pag aaral dahil sa barkada. Uys! hindi ko naman sinasabing bad influence sila sa'kin ha! Talaga lang mas madalas akong lumiliban sa klase dahil sa mga lakad namin.
Hindi naman kami gumagawa ng masama, mas masarap lang kasing gumala at tumambay kung saan saan, kwentuhan, asaran at yabangan lang naman ang ginagawa namin. Mas masaya kesa sa makinig kay teacher sa loob ng classroom, kakaantok lang kasi, ganun! Kaya mas nawiwili ako kapag nasa labas, Mangtitrip sa mga dumadaang chikababes, magpupustahan at mag aasaran kaming magkakaibigan. Ganyan lang umiikot ang buhay ko araw araw pag nasa labas na'ko ng aming tahanan.
Isang tricycle driver ang aking mapagbigay na Tatay Onyok, mahal na mahal ko'to kasi kahit anong hilingin ko binibigay nya, yun nga lang may kasamang sermon muna bago nya ako mapapasaya hahah...
Isang ofw naman sa Hongkong ang aking mapagmahal na Nanay Didi, kahit na milya milya ang layo nya sa'min hindi ko man lang naramdaman ang pangungulila sa kanya, dahil sa internet palagi namin syang nakakausap at nakikita, parang kasama ko na rin sya sa dalas ng aming pag uusap sa messenger.
Tatlo kaming magkakapatid na lalaki at ako ang bunso, isang manager sa Dizzy Vibe bar ang panganay kong Kuya Edmon at isang Supervisor sa District 21 hotel naman ang Kuya Edzel. Ako na lang ang nag aaral at heto nga di maka graduate ng high school dahil sa dami ng bagsak kong subjects. Kaya di na lang ako kumontra at nagreklamo ng ilipat nila ako ng ibang school at private pa. Mahal ang tuition kaya dapat na akong magtino sa'king pag aaral.
Dahil sa bagong skwelahan, bagong classmates at bagong kapaligiran, malaking pag aadjust ang aking ginawa makasabay lang sa lahat ng aking nakakasalamuha. Naging abala na'ko at dumalang ng pagkikita namin ng kasintahan kong si Shine. Dina rin nakaka bonding ang aking mga kabarkada sa dati kong pinapasukang skwelahan. Nakakabawas lang ng pressure na aking nararamdaman ang mga kaibigan kong sapa boys. Sila naman ang mga katropa kong kapitbahay.
"Pre, sama kaba bukas sa'min?"
"Saan?" Curious kong tanong kila Bimbo pagkababa kong tricycle ni Tatay.
"Guimaras tayo bukas Weng, ano sasama kaba samin?"
Nilingon ko muna si Tatay na abalang kinukuha ang pinamili nito sa loob ng tricycle bago bumaling kay Aldrin at nakangising sumagot ng...
"Sige, sige, sama ako! Anong oras ba tayo aalis?"
"Sabado naman bukas, ala kang pasok kaya maaga tayo lalarga."
"Gisingin mo na lang ako Ronel ha!"
"Yot! Ako pang gigising sa'yo? Si Lawlaw na lang, di kaya si Aldrin mas malapit bahay nila sa inyo eh!"
"Magpa alarm kana lang Weng.." Ani RR.
"Naku! Di tatalab ang alarm clock dyan kay Luie! Hahaha."
"Tumpak ka dyan sa sinabi mo Aldrin, hirap kayang gisingin nyan. Mamamaos ka lang kakatawag di magigising yan!"
"Eh di kalampagin nyung bintana nya, tutal maaga naman naalis Tatay nyan kaya walang problema." Suhestyon naman ni Bimbo.
"Panu kapag nasa bahay nila ang Kuya Edmon nya? Eh di nasinghalan pa'ko ng maagang maaga, Ayoko!" Sabi naman ni Lawlaw.
Natatawa na lang ako sa usapan nila, tila ba ke laki laki ng mga problema nila pagdating sa'kin. Nagtuturuan pa talaga silang anim. Hanggang may isang bumigay at sumuko na lang..
![](https://img.wattpad.com/cover/319761673-288-k915052.jpg)
BINABASA MO ANG
Tears in Heaven ✔💯
RomancePaano kung isang araw makita mo ang taong mahal na mahal mo ng sobra na nakahiga sa sahig, walang malay, hindi humihinga, hindi tumitibok ang puso... at patay na? Paano kung isang araw bigla na lang siyang maaksidente, masaksak at mamatay ng biglaan...