Napangiti ako ng masulyapan ang tindang prutas na aming nadaanan ni Christine, niyaya ko syang sumaglit sa prutasan at baka me mura, magkasya ang isandaan kong pera sa'king bulsa.
"Sa susunod kong buhay gusto kong maging isang prutas." Wala sa sariling nasambit ko.
"Anong prutas?" Tanong nya sa'kin sabay tingin sa paligid. "Isang peras? haha"
"Hindi! Bakit peras?" Kunut nuo ko syang sinulyapan.
"Dahil mukha kang peras!! hahaha..: kaya mapapa-pear-ed ka pa rin sa akin syempre."
"Fair enough! pero hindi, gusto kong maging orange."
"Orange?" Taka nyang tanong sa'kin.
"Oo, para ma-orange ko ang kasal natin sa lalong madaling panahon."
"H- Ha!!"
Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi ni Pango, nagba blushed talaga sya dahil lang sa sinabi kong yun. Teka nga't mabawi.
"Joke lang! Hahaha." Sabi ko sabay pitik sa kanyang nuo.
"Aray!! "
Himas ang nasaktan nyang nuo, mas lalo pang namula ang pisngi nito, nakakaaliw pa sana syang pagmasdan kung hindi lang sumingit si manong vendor.
"Ilang peras at orange ang bibilhin nyo?"
"Tig isa lang po, Manong."
Hinugot kong isangdaang pera sa'king bulsa at iniabot kay Manong vendor.
"Keep the change na lang po Manong. Salamat" Matapos magpasalamat dito, binigay ko kay Christine ang isang piraso ng Peras.
"Uy! Tara na! Upo muna tayo sa plaza, maaga pa naman maya na tayo uwi."
"Cge!" Tipid nyang sagot at tila nahihiyang tumingin sa'kin.
Habang magkatabi kaming nakaupo, pamasid masid sa paligid at nilalantakan ang biniling prutas may bigla akong naisip na sabihin sa kanya.
"Kapag dumating ang araw na mawala ako..."
Bigla syang napabaling ng tingin sakin.
"Huh!! Anubang sinasabi mo dyan?"
"Pangako mo sa akin na hindi ka iiyak" Sagot ko ng di tumitingin sa kanya,
"Ayoko nga! Tigilan mo na yan!"
Di'ko na binigyang pansin ang gumagaralgal nyang boses.
"Mangako ka, Christine!!" Bahagya ko syang nilingon at seryosong tinitigan.
"Ayoko nga! Kulet nito!" Napapalabi pa nyang sagot sakin.
"Haayy.." Walang imik na tumayo ako sa pagkakaupo sa kanyang tabi at napabuntong hininga na tumingala sa langit.
"Hoy Weng! Anuba yung sinasabi mo?" Kinalabit nyang aking braso.
"Wala! Kalimutan mo na lang 'yun,, tara uwi na lang tayo!"
Nauna na'kong naglakad sa kanya.
"Eto naman, tampo kaagad... wag ka namang ganyan! Ayokong nagagalet ka sa'kin eh!"
Nahimigan kong lungkot sa kanyang boses. Napahinto ako saglit sa paghakbang ng mapansin kong wala sya saking tabi, saka ako lumingon sa'king likuran, nakita kong nakatayo lang sya dun at blanko ang mukhang nakatingin sa'kin, kunut nuo ko syang pinagmasdan, at nabaghan ako sa'king nakita. basa na ng kanyang mga luha ang magkabilang pisngi nito.
"Tsk.. tsk.. napakaiyakin talaga ng Pango na ito."
Napabalik tuloy ako sa kanya at tinapik tapik ang basa nyang pisngi.
BINABASA MO ANG
Tears in Heaven ✔💯
Lãng mạnPaano kung isang araw makita mo ang taong mahal na mahal mo ng sobra na nakahiga sa sahig, walang malay, hindi humihinga, hindi tumitibok ang puso... at patay na? Paano kung isang araw bigla na lang siyang maaksidente, masaksak at mamatay ng biglaan...