K A I B I G A N

45 10 0
                                    

Minsan ba sa buhay mo naranasan mo na bang makaramdam ng inggit at sabihin sa sarili mong..

Buti pa sila may bf/gf. Ano bang problema sa'kin bakit parang walang may lakas ng loob para magustuhan ako? Panget ba ako? Gusto ko din maramdamn ang mahalin.! Wala ba talagang nakatakda para sakin? Bakit yung iba meron, ako wala?

"Haayy..."

Panay ang buntong hininga ko sa harap ng salamin. Marahil kung nakakapag salita lang ito, malamang nasupalpal na ako, haha. Panu ba naman, sa kakasalamin ko maya't maya di sinasadyang natabig ko ito at nahulog sa sahig, mabuti na lang at hindi tuluyang nabasag, konting pingas lang, kundi nalentikan na naman ako kay Mama.

So, balik tayo sa eksina ng madrama kong love story ngayon..

Yun na nga, medyo nakaka sad ang walang jowa, haayy... buti pa si Jingging may Ronald na! Eh! Ako? Waleeyy pa rin! Tsk tsk.,

Nakakalungkot noh? at higit sa lahat nakakaiyak, pero may mga klase naman ng tao na okay lang sa kanila yun. Para daw walang heartaches, pero diba nila naisip na kahit wala kang love life masakit padin sa puso? Pero, sabi naman ng iba, wag mawalan ng pag asa. Okay lang yan! Maaaring wala pa yung karapat dapat para sa'kin. pero siguradong may darating. Dapat daw wag inggit ang pairalin dahil kung magmamadali ka dahil lang sa karamihan eh meron na. Aba baka mas masaktan ka at magsisi ng sobra.

Tama naman talaga yun. Kumbaga, may mga bagay na pwedeng wala muna sa buhay. Dahil, nakakapag hintay naman yan.

"Christina! Matagal kapa dyan sa harap ng salamin ha? Abay kanina pa naghihintay ang kaibigan mo sa labas!"

'Kaibigan! Sino?' Napapihit akong paharap kay Mama.

"Tama na yang pagpapaganda mo! Bata kapa, bawal pang magka syota!"

"Si Mama talaga! Para nagsusuklay lang ng buhok eh! Syota agad ang naiisip.. "

"Bakit hindi? Eh halos mag iisang oras kana dyan sa harap ng salamin, oh ano! May nabago ba sa hitsura mo?"

Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba si Mama o naiinis na sya sa'kin, dahil nasira kong antique nyang salamin?

"Anuna naman yang ikinagagalit mo Jasmine? Lakas lakas ng boses mo, nakakahiya, dinig hanggang kalsada."

"Hay naku! Topher, ito kasing anak mo, napaka pasaway."

Dahan dahan akong umexit palabas ng bahay namin ng makita kong nilapitan ni Papa si Mama. Mahirap na pag nag join forces ang dalawa, baka mabingi bingi na'ko sa mga sermon nila.. Ahuhuuyy...

"Hay salamat naman at lumabas ng prinsesa! Tagal mo magpaganda ah! San lakad mo?"

"Weng?" Nagulat talaga ako ng makita syang naghihintay sa kalsada, as usual dala na naman nyang tricycle ng Tatay nya. "Anong kelangan mo?"

"Bakit? lagi naman akong pumupunta dito ah? Me kelangan man ako o wala."

Pasuplado nyang sagot sa'kin, mukhang bad mood, at bakit naman kaya sa anong dahilan?

"Halika na pango! Sama ka sa'kin!"

"San naman?"

"Basta!.sumakay kana lang kasi, dami pang tanong eh!"

'Aba't demanding pa!' Dali dali naman akong sumakay sa tricycle at kaagad napakapit pagkaupo ng humarorot itong bigla. Ngani nganing singhalan ko pa sya ng mauntog ako sa bilis ng pagpapatakbo nya.

"Nagmamadali? Anubang meron dun sa pupuntahan natin?"

Siguro di nya ako narinig kasi di man lang sya umimik. Sa bilis nyang magpatakbo malamang puro hangin ang nasasagap ng pandinig nito. Saglit lang naman ang byahe namin, huminto ang tricycle nya sa harap ng kulay maroon na gate. Dalawang palapag na bahay at malawak na garden ang nasilip ko.

"Kaninong bahay 'to?"

"Sa Lolo't Lola ko, baba kana dyan! Pasok tayo."

Akma na'kong bababa ng tricycle ng biglang may nagsalita na parang galit.

"Sino na naman yang kasama mo, Luie? Girlfriend mo?"

Napatuwid ako sa pagkaka upo sa loob ng tricycle ng marinig ko ang mabagsik na boses babaeng sumalubong kay Weng.

"Kaibigan ko lang, Tita." Sagot nito sabay baling sakin at pinababa na naman ako. "Halika sa loob!"

"Wag na! Dito na lang ako!" Sabay sulyap sa Tita nyang masungit ang hitsura. "Hintayin na lang kita dito."

"Bat ayaw mong pumasok?"

"Basta! Hintayin na lang kita dito!"

Kahit na anupang pilit nya sa'kin, hindi talaga ako bumaba ng tricycle nya. Tatawa tawa itong naglakad papasok ng gate.

'Hmp! bahala sya sa buhay nya, basta dito lang ako maghihintay.'

Saglit lang naman sya sa loob, ni hindi nga ako nainip sa paghihintay, at sa kanyang paglabas ng gate, kaylapad ng pagkakangiti nya ng lumapit sa'kin at inabot ang chichiria saka juice.

"Oh! Meryenda mo, bigay ng Tita ko!"

"Sinong Tita mo? Yung mukhang masungit na sumalubong sa'yo kanina?"

"Hahaha ganun talaga mukha nun, kala mo suplada pero pag 'yung nakilala masasabi mong... di naman pala!"

Napatango tango na lang ako. Sabagay gasgas na ngang kasabihan na 'don't judge the book by its cover'.

"Lam mo sa dami ng mga kapatid ng Nanay ko, hindi ko sila masyadong kilala, di'ko nakakasama eh, di kagaya ng mga kapatid ni Tatay nakakasama ko pa minsan. Lalo na kapag may okasyon, lahat sila nagtitipon tipon."

"Bakit naman?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya. Dahil sa totoo lang, wala akong alam sa family history ni Weng, ang kilala ko lang ay ang Tatay Onyok nya na nagta tricycle driver. yung Nanay Didi nya na isang ofw, at ang dalawa nyang kuya na parehong nagtatrabaho na. Tatlo lang silang magkakapatid at puro lalaki pa, sya ang bunso kaya medyo spoiled sya sa pamilya. At saka pala 'yung Lolo at Lola nya at pinsan na si Shanelle.. Sila lang ang nakilala kong pamilya nya. Kagaya ni Weng, tatlo lang din kaming magkakapatid, pangalawa ako at nag iisang babae..

"Malalayo sila eh! Pero ayos lang din naman yun sa'kin, kasi palagi akong may blessing galing sa kanila."

Nahimigan ko pang pagkagalak sa boses nya habang nagkukwento sya sa'kin. Napangiti na rin tuloy ako habang nakikinig sa kanyang mga kwento. Sadyang mababaw lang talaga ang kanyang kaligayahan. Simpleng tao, maloko man minsan pero napakabait nyang kaibigan.

'Kaibigan...' Malungkot akong napangiti 'Oo, kaibigan nya lang ako!!

✞✞✞

K A I B I G A N

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

K A I B I G A N. . .

Siya yung taong pinagkakatiwalaan mo.
Siya yung umiitindi sayo.
Siya yung nagsisilbing tenga para makinig sa lahat ng problema mo.
Siya yung parating nandyan pag kailangan mo.
Siya yung karamay mo sa lahat ng bagay.
Siya yung taong gagawin ang lahat mapasaya ka lang.

Pero paano kung mainlove ka sa kaibigan mo?

Handa ka na bang ipagpalit ang pagkakaibigan niyo sa nararamdaman mo para sa kaniya?
Handa ka bang ipaglaban siya?
Handa ka bang masaktan?

o

Itatago mo na lang lahat ng nararamdaman mo kapalit nito ay ang pananatili nyo bilang magkaibigan?

💃MahikaNiAyana

Tears in Heaven ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon