"Pango!!"
Bakit parang naririnig kong boses nya? Bakit parang nasa tabi ko lang sya?
"Luie..." Sambit kong nakapikit pa rin ang aking mga mata. Naisin ko mang dumilat para tiyakin kong sya ngang tumatawag sa'king pangalan, pero hindi ko magawa, tila may glue ang talukap ng aking mga mata at hindi ako makadilat.
"Hoy! Pango, Gisiiinggg!!!!!"
Ilang pagtapik sa'king pisngi pa ang aking naramdaman bago bumalik ang aking diwa sa kasalukuyan.
"Anuba naman 'tong babaeng ito, kahirap gisingin, tsk tsk!!"
"Meow.."
"Sige nga, Aldos kalmutin mong ilong nyang si Pango, dali!!!"
"Meow.."
Naramdaman kong matatalim na kuku ni Aldos na dumampi sa'king pisngi..
"Aray!"
Napadilat akong bigla, malabo ang nakikita ng aking mga mata kaya napapikit ako saglit at kinusot kusot ang aking mga mata.
"Weng!!!" Napamulagat aking mga mata ng sya'y aking makita. "Buhay ka!!" Napatayo akong bigla at wala sa sariling napayakap sa kanya.
"Hoy Pango! Chansing kana ha! Distansya at naiipit si Aldos!!"
"Meow.. Meow.."
Marahil dala sa bugso ng aking damdamin, mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap ko kay Luie. Sa ligayang nararamdaman wala sa'king sariling nasambit ko ang katagang...
"Mahal na mahal kita...."
"Hoy! Pango! Hindi tayo talo, friends lang tayo baka nakakalimutan mo!?" Sabay distansya konti saka pinitik nya ako sa nuo.
"Oo naman nuh! Alam na alam ko 'yun!" Napapahiyang bahagya akong bumitaw saka dumistansya sa kanya. "Ang ibig kong sabihin... mahal na mahal kita kasi kaibigan kita.. Ganun lang yun!"
"Mabuti na yung malinaw."
"Ba't kaba nandito? Gabing gabi na pakalat kalat pa kayo."
"Nandito lang naman kami ni Aldos para magpasalamat sa binigay mo."
Tinitigan ko sya mula ulo hanggang paa ng may pagkagalak. Napapailing na lang ako ng maalala ang masama kong panaginip.
"Buhay ka nga! Buhay na buhay..." Mahinang nasambit ko sabay sa'king pagbuntong hininga, diko inakalang maririnig pa nya.
"Alangan!! Bakit anuba sa akala mo?"
"Kasi...." Alanganin akong sumagot sa kanya, kakamot kamot pa ng aking leeg ng muling magsalita. "Napanaginipan kasi kita.."
"Nak ng tinapa! Sabi ko na nga ba't patay na patay ka sa'kin eh!... O anuna, pinagsamantalahan mo bang kahinaan ko ha at paulit ulit mong sinasambit ang pangalan ko habang tulog ka?"
"Hoy hindi ah! Iba yung napanaginipan ko, masamang panaginip, ay hindi yun panaginip lang kundi isang bangungot.."
"Bangungot? Sigurado ka?"
Tumango naman ako.
"Anubang napanaginipan mo?"
"Wag na!! Wala lang yun... kalimutan mo na!!"
"Kita mong pag uugali nito! Pag iisipin pa'ko."
Naiinis na ginulo nitong nakatirintas na buhok. Ewan ko ba sa lalakeng 'to, kung hindi naka tirintas ang medyo may kahabaang buhok, nagpapakulot naman.
"Sasabihin mo ba o hindi?"
Nanatili lang akong nakatitig sa kanya, nakakatuwa kasing pagmasdan ang mukha nitong mabilis mag palit ng expression.
BINABASA MO ANG
Tears in Heaven ✔💯
RomantikPaano kung isang araw makita mo ang taong mahal na mahal mo ng sobra na nakahiga sa sahig, walang malay, hindi humihinga, hindi tumitibok ang puso... at patay na? Paano kung isang araw bigla na lang siyang maaksidente, masaksak at mamatay ng biglaan...