Chapter 5

3.6K 85 2
                                    

Nasa opisina ngayon si Dunnhill. May naisip siyang bagong marketing strategy at pinag-aaralan niya itong mabuti. Kailangan niyang mapataas pa ang kita ng kompanya para mas marami siyang maitabing pera para sa magiging family in the future.


Tapos na ang dream house na ipinagawa niya para sa magiging pamilya. Everything's ready. Lahat ng kinikita niya ngayon ay savings na lamang for the future. Kahit nga sabihing sobra sobra na ito ay patuloy pa rin sa pagsisiskap si Dunnhill na madagdagan ito hanggat hindi pa niya natatagpuan ang future wife niya.

Nang mapagod sa pagtatrabah,o ay nagpasyang mag internet ni Dunnhill. Pampa relax ba. Pagbukas niya ng internet nakita na naman niya ang artikulo tungkol sa paghahanap ng isang male secretary.

Why is this simple thing keep on bothering me? Bakit ito laging nagpapakita sa akin? Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi sa omen na ito. Kapag tinamaan ka nga naman ng lintik.

Aha...Let's see... sino kaya ang may-ari ng CARS FOR D' ELITE. For sure this is a he. Alangan naman babae, usually lalake ang nasa ganitong linya ng negosyo e. Kailangan kong malaman kung this ad is true, para matahimik na ang kung anong gumugulo sa utak ko sa tuwing makikita ko ang ad na ito.ayaw ko ung feeling na hated nito.

Ing type ni Dunnhill sa search engine ng Yahoo ang CARS FOR D' ELITE. Nagsilabasan naman agad ang mga search results. Binasa niya ang history ng company. Napag-alaman niyang namatay na ang mag-asawang siyang nagpundar nito at naiwan sa kaisa isa nilang anak ang negosyo. Ngunit bitin ang article, hindi nabanggit kung sino ang anak nila. Napilitan siyang hanapin ulit ito. Out of curiosity sabi nga niya.

Pigura ng isang magandang babae, slim, nasa mga mid twenties marahil ito, matangkad with super gandang skin tone. kahit sa photo pa lamang ay kita na ang ganda ng balat nito, much more sa personal aniya at mas hindi nakatakas kay Dunnhil ang mga mata nito na pale brown. Is this really their only child? Ito ba ang naulilang anak ng may ari ng CARS FOR D' ELITE? Maybe yes or maybe no. Most of the time, company owners hide their identity and decided to use someone else's photo for the profile picture. Just to be safe. Mahirap na kasi sa dami ng masasamang loob sa paligid, napakalaking risks kung magiging open sa public ang ganoong klaseng information. Pagpapakamatay ang tawag ganoong desisyon!


Wala na sa tamang kaisipan si Dunnhill para sa trabaho, tuluyan ng inukupahan ng magandang babaeng nakita niya sa internet ang kanyang isipan. At para matahimik na ang naghuhuramentado na niyang utak ay ginamit niya ang kanyang kaalaman bilang hacker, cracker and computer enthusiast sa paggalugad ng impormasyon tungol sa Porsche Philippines owner, kahit pa sabihing bawal ito. Wala na siyang pakialam. Damn this feeling! Tinuturuan akong gumawa ng bawal! Anak ng putakti nga naman oo!

Medyo natagalan si Dunnhill sa pagpasok sa system ng nasabing company. Mataas kasi ang encryption ng system nito. Wise company. They also hired a good programmer. Why not? Eh, they all have the means to hire naman a good one e!


Nakita ni Dunn na may progress sa percentage tab na naka-display sa kanyang laptop screen. 95%...97%...98...%...100%. There you go. Come on baby...give it to me... Bull's eye! Hahaha...I am a total genius.hahaha. 100% kala mo ha, I am much a better cracker than you are.


Naka-ready na ang mga kamay ni Dunnhill sa pagpindot sa kanyang keyboard upang maituloy ang binabalak, ng walang anu-ano ay napalitan ng isang simangot ang napakaganda na sana niyang ngiti. Sayang ang ganda ng ngiti na iyon, pang toothpaste commercial na sana naudlot pa!

HOT HEELS AND HOT WHEELS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon