CHAPTER 18

3.1K 64 0
                                    

Guwapong guwapo sa sarili si Dunn sa bago nitong hair doo. Nadagdagan tuloy ang confidence level niya. Hindi man buo ang kasiyahan niya dahil hindi pa rin sila nagkikita ni nagkakausap ni Liana matapos nitong manood ng fashion show nito sa Thailand ay pinilit niyang magpaka-pormal ayaw na kasi niyang makagawa ulit ng pagkakamali at madamay ang mga pobreng empleyado niya sa mga mood swings niya ngayon, which is so unfair on their part. Leave your personal life at home bilin pa nga nya sa sarili.

It's ten in the morning ayun sa digital clock sa labas ng kanilang building. 33 degree celcius dagdag pa ng information sa gilid ng dambuhalang digital thingy. After the make over, nagpasya muna siyang magmerienda sa isa sa kainan sa The Podium. After days of restless nights and small meals, ngayon nakaramdam ng gutom si Dunnhill. Parang ngayon lang ulit siya naging tao.

Umorder siya ng Shrimp and squid pasta, French bread, sukiyaki, leche flan at isang tropical fantasy smoothie. Masira na kung masira ang diet niya basta ang gusto niya lang ay idaan sa pagkain ang kalungkutan. Mas lalo pa siyang natauhan ng tumunog ang cellphone at mabasa ang mensahe ng unggoy na kaibigan. Ralph may be a womanizer but he is a true friend. Napangiti siya sa katotohanan na iyon at gumaan lalo ang pakiramdam.

Sabi kasi ng text message ni Ralph sa kanya:

I still smile inspite of pain.

I act like I am fine even if I am not.

And I seem to be strong

Even if inside I am melting and totally broken.

But, it does not mean that I am a "PRETENDER."

I just want to be POSITIVE,

While my world is negative.

Sa sulok ng restaurant kumain si Dunn. Hiding? Yeah. Pinili niya ang lugar na hindi masyadong pansinin ng sinuman, wala kasi siya sa mood upang makipag-kuwentuhan sa ibang kakilala. Baka kasi magmukha siyang robot...gumagalaw nga pero wala namang facial expression. He is not in the right mood to tell a story or listen to one.

Nagbasa siya ng diyaryo habang hinihintay ang kaniyang order. Bahala na kung maintindihan niya ang babasahin o hindi, ang importante he can kill the time. Ngunit, hindi pa niya natatapos basahin ang column ay biglang may umupo sa kanyang table na talagang ikinabigla niya.

"Can I Join you?" tanong nito. Habang bahagyang iwinawasiwas ang Hermes na purse.Whoow at least alam ko ng kumilala ng brand ng gamit ng babae ngayon. Nice!

Gusto sanang tumanggi ni Dunn dahil naiinis siya sa babaeng ito. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na matagal na siyang gusto ni Jean ngunit ewan ba kung bakit hindi niya ito magawang hangaan man lamang. Maganda naman ang half-Portugese na babae, seksi at matalino din naman. Pero ayaw talaga niya rito, para siyang laging naaalibadbaran sa presensiya nito.

"Can I join you?" ulit na tanong ni Jean kay Dunn ng mapansing hindi agad ito nakasagot. Iniisip pa nga niya na nagandahan ng sobra sa super mini dress niyang suot ang kaharap kaya hindi agad ito nag-react. She was wearing a dress matched with a super high heeled shoes na ka- color code ng kanyang bangles. She is stunning, she knows. The eyes of the people around staring at her confirmed that fact.

"Sure.Sure." dalawang ulit na sagot ni Dunn dito. Napipilitan si Dunn ngunit hindi niya iyon dapat ipahalata upang kahit papano ay hindi mapahiya ang babae. Gentleman pa rin naman kasi siya kahit na sa mga babaeg nakakabigay ng iritasyon sa kanya, at sa mga babaeng ayaw talaga niya. Jean may not be his type pero hindi niya kakalimutan na babae pa rin ito na kailangang tratuhin ng tama.

HOT HEELS AND HOT WHEELS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon