Chapter 3

4.1K 75 1
                                    


 

LOOKING FOR A SECRETARY. Male 25-40 years old. College Graduate of any course. Stay in. Visit Porsche Philippines. Ayala, Ave., Makati City. Nakasulat ang artikulong ito sa classified ads ng diyaryong kasalukuyang binabasa ni Dunnhill.

          Male secretary? In a very big and well known company? Bago yata yun ah? Anong gimik to? And stay in? What a joke! Hindi ba nagkamali lamang ang printing nito? Mga tao nga naman oo, pati pagha-hire ng tao ay ginagawan na ng spice!

          Umiling na lamang si Dunnhill matapos makuha ang pansin niya ng portion na iyon ng diyaryo, pagkatapos ay itinuloy na ang pag-tsi-check ng Inventory report ng kanyang computer company. Meron man siyang mga tao na siyang gumagawa ng inventory report, idagdag pa ang tulong ng nakababatang kapatid na si Marriane; ngunit masusi pa ring ing do-double check ni Dunnhill ang lahat. Daig pa niya ang nananala ng ATOM, at namumulot ng asin sa buhanginan...ganoon siya kahigpit pag dating sa negosyo.

          Mga magulang ni Dunnhill ang nagsimula ng negosyong iyon, subalit ngayon ay siya na ang namamahala rito. Bagamat, tinutulungan siya ng kapatid na babae when it comes to managing this computer company, batid niya na napipilitan lamang ang kapatid, sapagkat mas gusto ni Marianne ang kanilang restaurant business na kasalukuyan namang mina-manage ng kanilang mga magulang.

That ZAHIR restaurant is the only resto in the Philippines who is cooking different kinds of cuisines from all over the world; be it Chinese, Russian, Japanese... you name it nga sabi nila. Makakain mo ang anumang pagkain ng kahit na saang bansa sa restaurant na yon. WORLD Travelling without using a plane, yun nga ang slogan ng resto nila. Tumatanggap rin sila ng personal request, lalo na kung wala ang hinihiling ng customer sa menu ng company. So, there chefs are in different variety rin anila. An Arabian Chef named Waseem is the best one for Dunnhill ayon sa kanyang obserbasyon sa mga luto nito. Waseem can also cook different foods like the others but he has this taste na talagang kakaiba.

          Eighteen years old pa lamang naman noon si Dunn nang simulan ang negosyo nila na computer related. At siya agad ang pinamahala ng mga magulang dito. Takot man siya sa umpisa, ngunit dahil sa gabay at tiwala na ibinigay ng mga magulang ay walang tutol niya itong tinanggap. Mabuti na ang matuto ng maaga kesa maghabol sa huli. Napakapalad na nga ninyong dalawa ni Marriane sapagkat natatamasa niyo ang ganitong klase ng pamumuhay. Madalas na sinasabi ng ama sa kanya at alam niyang tama ito.

          Isa pa sa dahilan ng pagtanggap niya sa negosyo ay ang pagiging lalake niya. Alam niyang in the near future, siya ay magkakaroon din ng sariling pamilya. Gusto niya bago pa siya umabot doon ay well prepared na siya, financially, emotionally and physically. Gusto niyang tularan ang kanyang ama na ayon sa madalas nitong ikuwento, ay ginawa muna ang lahat upang umangat sa sariling paraan, at ng makuha ang stable stage ayon sa kanyang sariling standards ay saka naghanap ng makakapareha.

Ayaw kasi nitong dumanas ng hirap ang bubuuing pamilya. Ang babae madaling hanapin, ngunit kawawa naman siya kung puro pag-ibig na lamang ang kanyang matatangggap buhat sa 'yo...kawawa naman siya kung wala ka ng mabibigay kundi isang platong I love you at kumukulong sikmura. if you truly love someone don't just fill her hearts with flowing emotions but also make her feel that she's more than a queen to be cared for. Yun umano ang katwiran ng ama niya sa pagbuo ng pamilya na talaga namang hinangaan ni Dunnhill. A man can love a woman in any way; but only a real man can thinks to where this love will possibly bring them – base on their status, age, financial stability and feelings.

          Twenty years old pa lamang noon si Dunnhill ng tuluyan ng namayagpag sa business world ang maliit na negosyong computer related hanggang sa lumaki ito ng lumaki. Now they have more than 100 branches nation wide. Sabihin pa nga na IT world na talaga ngayon. That's why sunud na sunod nga sila sa trend ng mundo.

Nang mga panahon na magsimula pa lamang umangat ang computer business nila ay 18 years old naman na ang kapatid niyang babae; kung kaya hiningi naman niya ang tulong nito. Simula noon ay dalawa na silang nagpatakbo ng nasabing negosyo. Super proud ang parents nila sa mga achievements nilang iyon. "Nasa dugo talaga natin ang galing sa negosyo." Naalala ni Dunn na pagyayabang ng mama niya ng dumami na ang branches ng QWERTY- ang pangalan ng computer company.

The main branch of the computer company is a ten-storey building, they have computer shop which rendered printing, scanning, typing and everything. They also sell computers and its parts, laptop, iphones, tablet, accessories, installer and anything about Information Technology. The building also has a repair shop and they also have on call computer technicians.

          "Kuya, I won't be staying around for so long ha? Once you have found a wife I'll be retiring here na. Kaya bilisan mo naman na please. I am really excited to be in the food business na e. kaya nga ako kumuha ng culinary arts. I really wanted the resto business rather than this techy world. So please let me use my profession na. kinakalawang na utak ko dito. Dapat ang hawak ko sandok at kutsilyo at hindi mga hubs, mouse, laptop and what not." Yun naman ang madalas na reklamo ni Marriane sa kanya. Kulang na nga lang ay tatakan siya nito ng HUSBAND FOR SALE upang mabilis lamang na maibenta sa merkado.

          "No worries sis, I am working on that."

          "Talaga lang ha? Eh, bakit ang dami daming babae na ang nang se-seduce sayo e wala ka pang pinapatulan? Napaka- choosy mo naman kasi kuya. Sexy, matalino rin naman ang mga nakikita ko, ewan kung bakit kasi mataas pa sa tore ni Babel ang standards mo. As if namang super ka-lebel mo si Brad Pitt at Tom Cruise?"

          "Hey, sa tingin mo ba hindi? Kahit saang anggulo mo ako tingnan e alam mo na I deserve more than a center fold shoot and a bill board noh? Look at this physique... kahit sino e magbabayad ng higit pa sa million makatabi lamang ako. Hahahaha."

          "Yabang! Talaga!" ngunit kahit na asaran lamang iyon batid ni Marianne na hindi nagsisinungaling ang kuya niya ng sabihin nitong daig pa nga niya ang modelo sa itsura pa lang.

          At this point in his thirties ay asawa na talaga ang hinahanap ni Dunn. He has five girl friends in the past pero wala siyang makitang pang wife material na babae. Ang gusto niya kasi ay iyong may pagka independent, marunong sa Gawaing bahay kahit na may kaya man o wala, and higit sa lahat a good cook. He also loves food kasi e. Hay sana dumating na iyon bago pa ako mag forty at uurin ng buhay.tsk.tsk.tsk. Ayaw ko yatang sa home for the aged pulutin.

          "Sis, wag ka naman masyado mainip. Kung alam mo lang I am more than willing to walk straight to  the right girl, ask her instantly to marry me...kaya lang hindi ko pa siya nakikita. I want a family as perfect as ours kaya ayaw ko magkamali. Sure, you too are wishing for something what mom and dad had built right?"

          "Yeah. Right."

          "Any girl can be a suitable girlfriend yet not all can be a perfect wife. Di ba?"

          "bull's eye! Love you kuya!"

          "Love you too, sis."

 

          "But please, make it fast. If you need to go to a manghuhula then go! I'll make sure, that i will be making sama with you pa. Or if you want I will announce pa yan sa diyaryo." Tawa na lamang ang isinagot ni Dunn sa pangungulit ng kapatid dahil alam niyang paikot ikot lamang ang magiging takbo ng usapang iyon.

HOT HEELS AND HOT WHEELS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon