Chapter 7

3K 59 0
                                    


 

          Four in the morning ay gising na si Dunnhill. Inagahan niya talaga ang gising, baka kasi pag nahuli siya ay lalabas na namang siya ang amo, talagang malulubog na siya sa kahihiyan pag nagka ganoon. Wala kasing maid si Liana, ayaw niya, gusto niya daw ng privacy, kahit na magsasakripisyo pa siya sa mga gawaing bahay.


Pagbaba niya ng kitchen ay nakita niyang naroon na si Liana. Nakaidlip sa dining table. Napaliligiran siya ng makukulay at malilit na papel. Nilapitan niya ito upang ayusin sana ang pagkakahilig sa mesa sa tantiya niya kasi ay nakakangawit ang ganoong posisyon. Ngunit saglit siyang natigilan ng nabasa niya ang mga notes na nakapaligid dito.


          Makukulay ang papel na iyon, iba iba ang date, iba iba ang sinasabi. Ewan kung bakit nais niyang makialam, kung kaya isa isa niya iyong pinasadahan ng tingin. Mabilis. Baka kasi biglang magising ang kanyang prinsesa ay mahuli pa siya na nakikiusyuso. Bawas pogi points ang ganoon.nakakahiya. baka akusahan pa siya nitong tsismoso. Kahit pa nga medyo may bahid iyon ng katotohanan, ay ayaw pa rin niyang magkaganoon nga ang maganap.


          Nangungusap ang bawat salita na nakaukit sa mumunting mga papel. Sabi sa blue paper. "Today was just one of those days where the whole thing I did, reminded me of you, and every thing I heard somehow related to you. Nakakainis parang gusto ko ng mabingi.parang gusto ko ng maglaho.  I abhor moments like today, because they somewhat strike a chord in my heart, telling me of the one thing I don't have – YOU." You can simply have me.This super handsome Dunnhill can all be yours.


          Pink paper read: "I think its time I let you go... and that is hard to do, because part of me will be in love with you for the rest of my life." Ouch.ouch. Super ouch naman ang isang 'to.


          Orange paper naman ang isa: "I know I'm not completely over you. I can recognize this feeling. You still cross my mind several times a day, sana kung ang patuloy na pagsulpot mo sa isip ko ay makatulong ito upang makalimutan na kita, at umabot na ako sa puntong hindi na ako maapektuhan ng memorya mo o ng anumang may kinalaman sa 'yo.. When every memory will just be put in the past, when I can start again. Sana dumating na agad ang tagpong iyon."


          Yellow paper: "Ngingiti na lamang ako na para bang walang mali, na everything's is in it's place, like how a planet behave while on its axis. Pero heto ako nagigising at nabubuhay sa isang malagim na bangungot. How can I survive if both the nightmare and reality look like the same for me? Yet, I got the worst part of it."


          Green: "How can I stop my self from crying? Paano ba protektahan ang sarili sa sakit? May gamut ba para dito? May band-aid ba so that I can even just try to hide the wound if I can't remove it? may armor ba na pwedeng gawing panangggalang para lamang maitago, o maproktektahan ang sarili kong wag masaktan?"


          Cyan: "Yakapin mo naman ako kahit sa huling pagkakataon lamang, para maipaintindi ko sa aking sarili kung ano ba iyong bagay na nasayo na hindi ko mabitaw-bitawan. Ano bang hindi ko maiwan at malimot sa pagkatao mo? Anong meron ka na hindi ko na ulit mahahanap pa sa iba? So that when I already know what it is, I just hold it and throw it. Para makahinga na ulit ako. Para mabuhay na ulit ako."


          Shock si Dunnhill sa nabasa. Halos mayakap na talaga niya si Liana sa sobrang awa para dito. Ulila na nga siya ay ganito pa ang pinagdadaanan niya. Sapat na ang lahat ng nabasa ni Dunnhill para malaman kung ano ang talagang nangyari at nagkaganito si Liana. His instincts and the logic tells him so. Whoever you are man, I will surely kick your goddamn ass once we see each other. Hope you'll die! Die.Suffer. Makarma ka sana ng sobra sobra!

HOT HEELS AND HOT WHEELS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon