CHAPTER 17

3K 59 1
                                    

Umuwi si Dunn na sobrang lungkot. Pasipa niyang tinanggal ang mga sapatos. Hinubad niya ang Aeropostale blue shirt at saka pabagsak na humiga sa kanyang king size kama. The bed sheet is the crumpled-type one which is navy blue in color with prints just on the edges. Napaka-inviting ng dating nito. Talagang napakasarap higaan, idagdag mo pa ang napakaaliwalas na dating ng kabuuan ng silid ni Dunn. His bed is made up with narra. On the head board side is a floor-to-ceiling painting of a rainforest at sa kabilang dako nito ay ang floor-to-ceiling din na isang aquarium. The aquarium serves as a division papunta sa sala part ng kuwarto ni niya.

Patuloy na sanang ipipikit ni Dunn ang mga mata dahil sa labis na panlulumo sa mga bagay na nangyari ng nagdaang araw nang mapansing may diyaryo sa kanyang higaan. Lalo talaga siyang nainis. Hindi, mas tamang sabihin na galit na siya ngayon. Sobra! Istorbo! Anak ng nilalanggam na tipaklong naman, sinabing ayaw kung may diyaryo sa higaan ko eh. Galit na talaga siya – sa sarili. Buong lakas niyang itinapon ang diyaryo sa sahig. Naghiwa-hiwalay ang mga pahina nito sa lakas ng pagkakahagis. Napakamot siya sa ulo, dahil alam naman niyang sa kabila ng ginawang pagkakalat sa mga ito sa huli ay pupulitin niya rin ang dyaryo. Obcessive compulsive kasi siya kaya ayaw niya sa lahat ang makalat.

Kaya heto siya ngayon pinupulot ang nagkanda-hiwa-hiwalay na diyaryo. Nang matipon niya na ang lahat ng pahina muli siyang nagulat ng mapansing may isang fashion show na gaganapin sa Thailand. Binasa pang muli ni Dunn ang artikulo at hindi siya nagkamali na magiging parte noon si Liana. Kung kaya dali dali siyang humiga. I need to have a good night sleep, need to go there fresh and handsome as always. Hehehe. Natatawang wika ni Dunn. Buti nalang at malapit lamang iyon. Madali siyang makakapunta roon gamit ang kanilang private plane. Kahit na ako ang umalis di naman siguro masamang sumilip, mangumusta at mag stalk hindi ba?

Maaga pa ay nasa Thailand na si Dunnhill, smiling like a God! Kahit libo-libo pa ang tanong na ibinato ng kanyang pamilya sa pananabik sa kanyang kwento mula pa ng umuwi siya sa kanilang mansion ay hindi niya pinansin ang mga ito...basta ang alam niya, dapat siyang magmadali, kung pwede lamang maging kasing bilis ng pagpasok sa CR ang pagtapak sa Thailand ay gagawin niya.

*****

Nagsisimula na ang fashion show ng dumating si Dunn sa venue ng nasabing event. Natutuwa siyang malaman na hindi lamang puro damit ang nais na ipakita rito kundi maging ang hair trends haircuts and bags na din, kung magkagayun ay mangangahulugan na mas magtatagal ang programme at mas matagal din niyang masisilayan si Liana.

Panay kislap ng lente ng iba't ibang kamera ang makikita sa harapan, mabuti na lamang ay pinili niyang sa ikalawang palapag ng lugar pumwesto bukod sa makikita niya ng maayos si Liana mula rito ay makakaiwas din siya sa mga nagsisiksikang media man at photographer.

Ewan kung bakit tila nararamdaman na ni Dunn na naaaliw at minamahal na niya ang klase ng mundo na ito na noon kung tingnan niya ay parang pagtatapon lamang ng salapi ng mga walang magawang mayayaman sa lipunan para sa kanya. I guess it's just as simple as loving her. Kumbinsi niya sa sarili.

Nagulat si Dunn ng magsalita na ang tunay na host ng event. There standing is Richard Gere and Anne Hathaway. Hollywood star pala ang napiling mag-host. Richard is wearing a modern type tuxedo. It's black with silver lining matched with a white tie with a gold lining naman. Kahit may edad na ay napakalakas pa rin ng dating nito. And Anne is wearing a white sea-thru dress.

Pumailanlang na sa microphone ang baritonong boses ni Richard ng mga sandaling iyon. "Walking a new year brings an urgency of delight: out with the old, in with the new. Of course, we want to begin it into a beautiful one. The eras are ticking over more sluggishly than our calendars seem to, but still we're more than ready to swim into before we even get to the last guitar strung of the popular Incy Wency Spider and Happy birthday to you." Tawanan ang mga tao sa sinabing iyon ng lalaking host. American humor talaga ay ibang-iba.

HOT HEELS AND HOT WHEELS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon