CHAPTER 19

3.1K 73 0
                                    

Maayos ang naging pamamaalam ni Jean bagamat nagmamadali ito. At ngayong dalawa na lamang sila sa mesang yun ay bigla namang nanahimik. No one dare to stare each other. Walang gumagalaw. At parang wala pa nga yatang humihinga sa kanila ng mga sandaling iyon. Waring hindi nila alam ang gagawin at sasabihin sa isa't isa. Pareho silang nakatitig sa ikebana-arranged sets of flowers na nasa ibabaw ng table na kinauupuan nila. Panay ang buntong at iling nila. At nang hindi na nakatagal si Liana, ay siya na ang bumasag sa nakabibinging katahimikan.

"I'm sorry about the way I behaved a while ago. I did not intend to do such thing." Kanda utal na pagpapaliwanag ni Liana hindi kasi niya alam kung nagustuhan ba ni Dunn ang ginawa niya kanina o ikinainis niya. Marahil ay hindi niya nagustuhan, kaya siguro hindi na nagsalita.na turn-off ata. Hay, wag naman sana!

Napakunot noo si Dunn. What? She's sorry about that? Sorry for the passionate touch? Sorry for the kiss? So... sorry me? Damn it! I feel like a jerk 'cause I thought okay na kami. What's this, a fuckin' play? A kid stuff with spaghetti stain?

Kung wala lang talagang mga tao sa paligid ay naisambulat na ni Dunn ang nararamdaman. Pakiramdam niya ay napakatanga kasi niya. Kanina lamang ay asang asa siya na totoo ang nadama niya, na miss na siya ng babaeng kaharap, na mahal na nila ang isa't isa...tapos ngayon sasabihin nitong sorry. Ibig sabihin hindi niya iyon sinasadya. Hindi pinlano. Hindi ginusto.

Bakit ba hindi na lamang siya diretsyahin ni Liana. 

Natakot si Liana sa nakitang reaksyon ni Dunn. Basang basa kasi sa kanyang mga mukha ang galit. At lalo pa siyang nangilabot ng makita nito ang ginawang pagkuyom ni Dunn sa sariling mga palad na para bang gusto ng manakit. Ano bang ginawa ko? May nasabi ba akong mali? My God!

Kabado na talaga si Liana nadagdagan pa iyon ng tawagin ni Dunn ang waiter at hingin ang kanilang bills kahit pa nga hindi pa sila kumakain. Halos manginig na pati ang pinaka- cell ng kanyang katawan sa labis na hilakbot.

"We're leavin'. We need to talk once and for all." Blangko ang ekspresyon na sabi ni Dunn matapos mabayaran ang kanilang bills.

Tumayo si Dunn. Hinawakan siya nito sa kanyang kamay, malumanay naman ang ginawa nitong paghawak ngunit alam niya na galit pa rin ito sapagkat ni hindi na siya tinanong kung sasama ba siya o hindi, basta na lamang syang dinala palabas ng restaurant, kinuha ang bag at isinakay sa kanyang kotse. Ni hindi na tinanong kung paano ang kanyang sariling sasakyan. Kung may driver ba siya sa labas o wala. Ganun ganun na lamang. Walang pasabi. Walang paki alam sa isasagot niya.

Hindi alam ni Liana kung saan sila pupunta. Basta ang alam niya lamang mahigit tatlumpung minuto nang nagmamaneho ng walang hintuan si Dunn. Walang imik. Walang reaksyon at para bang ni wala nang pakialam sa kanya. Natakot na talaga si Liana at hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

Napansin naman ni Dunn ang biglang pagpihit ni Liana sa gawi ng binatana ng sasakyan, tila pinagmamasdan nito ng mataman ang mga imahe sa labas. Noon din ay nagdesisyon na lamang si Dunn na ihatid na lang ito sa kanila at doon na lamang niya ito kakausapin nang masinsinan. Sa mansion ni Liana niya ito ihahatid hindi na sa condo, para makagawa man siya ng eksena ay siguradong sila lamang dalawa ang naroroon.

At matapos ang mahaba-haba ding pagmamaneho huminto ang sasakyan, at pagtapat ng sasakyan sa gate ng mansion ni Liana ay kusa ng bumaba ang babae, bagay na lalong nagpapatibay sa hinala ni Dunn na balewala lamang talaga siya para sa babae, gayung halos sambahin na nga niya ito.

Dali daling tinungo ni Liana ang loob ng mansion nang wala man lamang lingon-likod. Patakbo niyang tinahak ang kanyang kuwarto upang maitago ang pag-iyak at sama ng loob para sa inasal ni Dunn. Ngunit bago pa siya makapasok sa kanyang silid ay isang mabigat na kamay ang nagpahinto sa kanya.

HOT HEELS AND HOT WHEELS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon