Chapter 1

214 3 0
                                    




***


 

"Bessy... tulala ka na naman, siya na naman ba?"

 

 

"Tss, back off Tim"

 

 

"Ikaw dapat mag back off, Ken, 2 years na nakalipas! Kinukulong mo na lang ba sarili mo sa nakaraan? Hanggang ka—

 

 

"Shut up! Can't you hear me? I said! Back off!"



 

"Haha! Naririnig kita! 'di ako bingi— pvtangina bessy! Isipin mo naman sarili mo, 2 years pre, hanggang ngayon mailap ka pa din sa tao...sa amin, nag-aalala na iba sa'yo,  akala ko ba ipaghihiganti mo siya, e' ano naman ginagawa mo? WALA! Kasi lagi kang nakakulong! Sobra na kaputian mo! Magpaaraw ka naman, at... sobra na kasalanan mo kay Boss, magpakita ka... bahala ka, mawalan ka ng pwesto sa Blood Organization, mapatay ka pa "

 

 

 

Pagkasabi pa lang nun' ni Timothy sa kanyang matalik na kaibigan ay sa wakas, tumingin na 'to sa kanya, pero may mga matatalim na ipinukol sa kanya. Alam naman ni Ken na 'di siya natatakot sa mga posible ngang pumatay sa kanya, isa kasi siya sa HD-8 kaya lapitan ng kamatayan. At ang ayaw niya lang mangyari ay mawalan ng pwesto sa Bloodd Organization, dahil pag natanggal siya doon, mawawalan siya ng koneksyon para maipaghiganti ang kasintahan.  Napasinghap naman si Timothy dahil iba si Ken magalit o kahit pa mainis, nawawala kasi ito sa sarili  nakakapatay. Sigurado si Timothy na pinag-iisipan na 'to ni Ken, lahat ng sinabi niya, at nagpapasalamat siya doon.

Sa dalawang taon na lumipas, nawalan na ng saysay ang buhay ni Ken. Nawalan kasi siya pinakamamahal niya, nawala ang taong pinakamahalaga sa kanya higitpa sa sariling buhay, at nawalan pa siya ng taong mas nakakaintindi sa kanya. Sa mga lumilipas na araw, mga 'yon ay tila isang walang-kwentang araw na lumilipas pero wala naman nangyayari, palaging may araw,hapon, gabi, pero, bakit kay Ken, araw-araw, bawat oras, at sa pagsapit ng gabi, naaalala niya ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya. Ang mawalan. Hindi naman natin maiiwasan ang mga pangyayaring 'yon, sadyang may mga taong dinadamdam ang mga ganoon. Hindi naman natin sila masisisi, buhay nila 'yan, at sila na mismo ang nakakaalam sa mga ginagawa nila.

Hindi lumalabas ng bahay si Ken, palagi siyang nasa kwarto nagmumuni-muni, tinatanaw ang malawak niyang kabahayan. Ang pinaghirapan niyang pinundar na pagtatrabaho sa Blood Organizatiion at sa Gang war. Pero, lahat ng ito ay parang basura na lang sa kanya, bakit? Dahil wala na ang babaeng dapat niyang pagbibigyan nito. Oo, ang pinagawa niyang Hacienda ay ireregalo niya dapat sa yumaong kasintahan. Para saan pa ba ang pinagawa niyang 'to, wala ng pakinabang sa kanya.

"Ken, 'di lahat ng segundo, minuto, at oras ay lagi kang ganyan, 'di ka talaga makakapag-move on—yes ! mahirap tanggapin 'yan, pero wala na tayo magagawa pa, kundi tanggapin na lamang 'yon, hindi lang naman siya ang babae sa mundo e' ... marami ka pang makikita at makikilala na higit mo pang mamahalin kaysa sa sakanya... hayaan mo lang muling buksan ang puso mong binaon mo sa nakaraan... walang mangyayari kung patuloy ka lang magpapakagago, pag-isipan mong mabuti Ken... 'di pa tapos ang buhay mo, para mawalan ka ng saysay sa mundo, itatak mo sa sarili mo na... Ikaw si Ken Park, the BLOODY SUN of Demon 8 and one of the most powerful man of the whole world... kaya, harapin mo ang mga taong may utang sa'yo, tutulungan kita bessy"  seryosong may bahid na lungkot ni Timothy sa matalik na kaibigan. Napaisip naman ito sa sinabi ng kanyang kaibigan, kung wala lang sila sa sitwasyon na 'to, pagtatawanan niya ang kanyang bestfriend, ngayon lang kasi ito nagseseryoso.

Break the Gangster's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon