Chapter 12

75 3 0
                                    



Sorry sa matagal na paghihintay. Malapit na bakasyon kaya makakabawi ako hihihi!


***


-2 week passed-


"Hays... ano na kaya ang nangyari sa lalaking 'yun?" napatingin sa'kin ang katabi kong lalaki na kanina pa usog ng usog papalayo sa'kin. Ano bang problema ng panget na 'to at kanina pa parang matatae na nakatabi sa'kin? Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong nag-iiwas ng tingin ang mga kapwa kong initiates kapag magtatama ang mga mata namin. Ano bang meron at parang ilag ang lahat sa'kin? May mali ba sa mukha ko? May nakakatakot ba sa'kin? Naguguluhan ako.

Pagkatapos ng huling pag-uusap namin ni Ken noong huli na sinusuotan niya ako ng pajama ay hindi na naulit pa 'yon. Hindi ko alam kung bakit. Hindi niya na ako dinalaw sa room glasswall na tinuluyan ko. Hindi na siya ang nagbantay at nag-alaga sa'kin. Basta, hindi siya nagpapakita sa'kin. Lumipas ang dalawang linggo na hindi ko parin siya nakikita maging ang anino man lang niya ay hindi ko napapansin. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Bakit parang ang lungkot ko? Aish! Ano ba naman to, parang hindi na ako sanay na hindi nakikita ang lalaking 'yun.

Mabuti na lamang at nakakalakad na ako ng maayos. Nakakainis nga eh. Ang akala ko siya ang maggagabay sa'kin para makapaglakad muli ako ng maayos kahit na hindi naman ako totally na nalumpo, basta pinangako niya na siya ang mag-aalaga sa'kin at wala sino man ang gagawa non. Basta, kapag nakita ko ang lalaking 'yon lagot 'who you' siya sa'kin mwahahaha.


Ting! Ting! Ting!


Pagkatunog pa lang ng bell na 'yon ay agad na akong nag-ayos at mabilis na tumungo sa Bloody South para makahabol sa mga trainings na hindi ko nagawa noong nakaraan. Nagtataka nga ako dahil hindi ko na nakikita ang mga grupo ng kababaihan na nakalaban ko noon. Gusto ko mang magtanong sa mga taong narito ay hindi ko rin magawa dahil lalapit pa lang ako ay iiwas na sila. Ano kayang mga problema nun? Weird.

Nakatapak ako ngayon sa isang platform at may logo ng isang butyl na dugo. Nasa gilid ko naman ang Iba't-ibang armas na nakalagay sa ibabaw ng glass table at sa harapan ko naman ay isang flatscreen tv. Napatingin muna ako likudan na kung saan naroon ang limang Bloody Armies na nagbabantay sa'kin at lahat sila ay nakatutok lamang sa flatscreen tv na nasa harapn ko. Nakakabilib talaga. Parang mga estatwa sila o robot na hindi gagalaw kapag hindi kailangan o kahit man lang magsalita.

Napaharap muli ako sa telebisyon at hinihintay kung ano man ang lalabas roon. Bigla itong nagkaroon ng white background at doon ko nakita ko ang isang royalty na si Prince Justine. Napansin ko naman na nagsiyukuan ang limang armado na nasa likod ko kaya napagaya ako sa kanila. "This activity is what I called 'Do it, Take it. Say it and Shoot it ' napapansin mo ba ang iba't-ibang armas na nasa gilid mo? Napatingin ako sa gilid ko at tumango. Great! Yan ang next na gagawin mo. After kong magsalita rito ay mawawala na ako sa screen na 'to at lalabas ang isang larawan ng armas na kakalasin mo. Una ang baril. Pagkakalasin mo ang baril na nasa larawan at i-aasemble mo rin sila kaagad. Pagkatapos, pindutin mo ang bawat button na lalabas sa harapan ng telebisyon, pindutin mo lamang ang button kapag ang ang pangalan ng armas ay maisasagot mo ng tama. Sa mga bomba naman ay kakalasin mo ang wire para hindi ito sumabog ganun din ang gagawin mo sa una at sa katana naman may maghahagis sa'yo ng katana na hindi mo alam at kailangan mo itong masalo at sabihin mo kung ano bang uri iyon ng katana gamit ulit sa pagpindot ng button at last but not the least... may mag-aapear na mga dummy sa bandang kaliwa mo at kailangan mong atakihin ang bawat dummy na lalabas gamit ang iba't-ibang uri ng armas. Nandiyan ang limang Bloody Armies sa likudan mo na mag-ga-guide sa mga monitor at mag-ooras sa bilis mo" napahinga muna ako ng malalim atsaka napatingin ng mariin sa aking harapan. "And then the activity begin in 3... 2... 1... toot" pagkawala pa lang ni Prince Justine sa Tv ay agad nag-aapear ang isang larawan ng baril at nasundan pa ng iba na ako naman ay mabilis na nagkalas, nag-assemble at nagpindot ng button.

Break the Gangster's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon