Chapter 15

51 2 0
                                    

Hello!


***


*waaaaaaaang*


*waaaaaaang*


"Ugh... t-tama na..." ano ba 'yan ang sakit naman sa tenga non. Kinapa-kapa ko ang gilid ko para sa unan at matakpan ang tenga ko. Aga-aga ang lakas ng loob mag-ingay. Sarap pa ng tulog eh hin-


"GOOD MORNING. ALL THE INITIATES PROCEED TO BLOODY WEST.ASAP!"


"GOOD MORNING. ALL THE INITIATES PROCEED TO BLOODY WEST.ASAP!"


"GOOD MORNING. ALL THE INITIATES PROCEED TO BLOODY WEST. ASAP!"


Labag man sa loob ko ay bumangon na ako at tumungo sa banyo para sa morning rituals. Pagkatapos ay patakbo akong pumunta sa Bloody West na sinabi ng announcer. Pagkatapak ko pa lang sa entrance gate ng Bloody West ay bumungad sa'kin ang mga initiates na mga nakapantulog pa at ang mga Blood Armies na may mga suot na eyeglasses? Tapos, pinapapila nila ang lahat ng initiates kaya nagtataka man ay napapila na rin ako.

Nilibot ng mata ko ang buong lugar at nahagip ng aking mata si Ken na nakatingin sa gawi ko at kinawayan ako. Kumaway din ako at napansin kong pinapalapit niya ako sa kanya. Aayaw sana ako kaso biglang may humawak sa braso ko kaya napatakbo ako agad papunta kay Ken. Ayaw ko pa naman sa lahat na may basta-bastang humahawak sa'kin. Pero, hindi accepted 'yung kay Ken at least kilala ko siya kaya okay lang hehe.


"Bakit Ken? Pipila pa ako ro-


"Hindi ko alam kung bakit pero hindi ka pipila don at dito ka lang sa tabi ko"

"Huh? Ba-

"Basta! Just Trust me..."

"S-sige..."

Napatingin ako sa mga initiates na nakapila at isa-isang tinuturukan ng silver gun sa leeg. Napalunok ako dahil sa kaba. Anong ginagawa nila?

"Come with me..." hinatak ako ni Ken papunta sa fire exit ng Bloody West at doon kami dumaan papunta sa main ng Sembrano's Palace? "Ken akala ko ba baw-

"Wag ka muna magtanong, sumama ka na lang" at tumahimik na ako.

Tumungo kami sa may elevator at pinindot ni Ken ang fifth floor. Pagkabukas ng elevator sa third floor ay may bumungad sa'ming mga anim na armadong lalaki na may dala-dalang tatlong box ng eyeglasses, mga iba't-ibang test tube na nakalagay sa garapon, isang box ng mga papel at mga injections. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan dahil sa pagkakaalam ko ay isa sila sa mga nagbabantay sa mga initiates, baka mamukaan nila ako. Naramdaman siguro ni Ken ang kaba ko dahil sa nanlalamig kong kamay kaya mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa'kin. Pinindot ng isang lalaki ang button ng groundfloor. "Good Morning Prince Ken" sabi ng isa at nagsiyukuan silang anim kay Ken ngunit hindi man lang sila tinapunan ng tingin ng lalaking 'to.


Ting!


Nasa fifth floor na kami at agad hinatak ni Ken ang kamay ko palabas ng elevator. Tumapat kami sa isang silver door at nagtipa siya ng mga code.

Break the Gangster's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon