Chapter 7

95 2 0
                                    


Here we go! 

*** 


Judy's POV


"Hindi ka ba natatakot na sa'kin ka mismo nagbunyag ng nalalaman mo?" napatungo ako sa nanlilisik na mata ni Ken. Bakit ganito? Parang gusto kong magback-out sa plano namin dahil parang mabubuking na ako. Hindi talaga ako marunong umarte. Wala ako pag-asang mag artista huhuhu.


(flashback)


Pagkatapos kong i-text kay Ken ang aming meeting place ay agad akong kinabahan. Tama ba itong gagawin ko? Makakaya ko ba? Yan ang patuloy na bumabagabag sa aking isip hanggang sa makarating ako sa aming pagkikitaan.


Ilang minute pa ay nakita ko na si Ken na nagpapark ng kanyang big motorbike sa harapan ng restaurant. Agad niya naman ako nakita dahil sa may bandang bungad lang ako naupo. "What now?" bungad niya sa'kin. Hmp! Hindi man lang marunong mag 'hi' or 'hello' sabagay suplado e. "Hehehe order muna tayo" sabi ko at magrereklamo pa sana siya nang tumawag na ako ng waiter. Nakatitig lang siya sa'kin at sa tingin na 'yon ay abot-abot na ang kaba sa dibdib ko. Takte! Paano ko ba sisimulan? Ano nga ba sasabihin ko?


***


Matapos naming kumain ay binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Siya naman ay nakatitig lang sa'kin na naghihintay ng anumang sasabihin kong importante sa kanya. Napahinga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Make it fast may gagawin pa ako" napatingin ako sa kanya at matapang na nagsabi na "Ikaw pala ang isa sa mga leader ng Blood Organization? Bukod pa diyan, ang buong HD-8 ay mga leader din ng maf—


"What the hell? How did you know that?"


"I just know... and pwede ko kayo masumbong sa gobyerno" sa pagkakasabi ko nito ay tila binigyan lang ako ng malademonyong ngiti ni Ken na nagpakilabot sa'kin. Tila hindi siya natatakot sa mga sinabi ko. "Go on! Samahan pa kita" letse! Bakit ganon? Parang 'di yata eepekto itong drama ko. Alam ko naman na kahit magsumbog ako sa gobyerno ay wala rin dahil halos ang gobyerno rin kasi ay konektado sa mafia organization. Ugh! Ano pa ba wede kong sabihin para makuha ko ang loob niya na mapasali sa Blood Organization? Tama kayo nang pagkakarinig. Dapat makasali ako sa grupo nila.


Ang alam ko kasi once na may alam ka sa Blood Organization or ano pang konektado sa kanilang grupo, sa ayaw at sa gusto mo ay isasali ka nila sa Mafia. Pero, heto na nga, bakit parang 'di naman ako isasali ni Ken? Normal na lang ba sa kanya na may makaalam sa kanilang grupo? "Yan ba ang importante na sinasabi mo? Pffft that's a normal baby hahaha" wala na talagang pag-asa. Siguradong epic ang mukha ko ngayon. Bakit pa kasi niya ako tinawag na baby?! What the fudge! Bakit parang namumula ako? Ugh! Pokus! Isip ka pa Judy Lyn!


"Oo importante 'to. Dahil 'di ko akalain na ang katulad niyo ay mas may isasama pa sa inaakala ko" hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga ito sa kanya. Pero, mukhang epektibo rin pala. Ang kaninang malademonyong ngiti at pagngisi ni Ken ay napalitan ng mababagsik at matatalim na tingin sa'kin at napakadilim na awra. Isa lang masasabi ko. Nakakatakot. "Marami akong alam sa grupo niyo. Bakit ko alam? Simple lang. At, wala akong ideya na sabihin pa sa'yo kung papaano ko ito alam." Prenteng sagot ko sa kanya kahit pa na talagang kinakabahan ako. Kinuyom ni Ken ang kamao niya at alam kong nagpipigil siya ng galit. "Alam ko rin na may ex kang namatay dahil doon..." in a snap! Hawak na ni Ken ang pulsuan ko ng napakadiin. Ang sakit at tila bumabaon ang kanyang mga kuko sa aking balat. "Wrong word woman... wrong word" sabi niya at hinatak ko ang kamay kong hawak niya.

Break the Gangster's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon