Chapter 4

119 1 0
                                    

enjoy READING!





***

"Tulala ka na naman, may problema ba, anak"

"Nothing, Manang, I'm just thinking"

"Oo nga pala, sino 'yung magandang babae na dinala mo dito?"

"Tss"

"Matagal-tagal ka na din walang dinadalang babae dito, Ken, anak"

"Manang, she's nothing, okay?"

"Siya pa din ba? Matagal na siyang pa-

"I know! Yes! PATAY na siya! Pwede ba Manang 'wag mo na ipagsiksikan sa'kin 'yan! Alam ko naman e! 'wag na paulit-ulit!"

"Anak, 'wag mo naman ako pagtaasan ng boses, kilala kita Ken, simula pagkabata hanggang ngayon, saksi din ako sa lahat ng mga nangyayari sa'yo anak... para na kitang kadugo Ken, alam ko din lahat ng mga paghihirap mo, mga sinakripisyo mo para kay Arciana" naikuyom ng binata ang kanyang kamao. Tila pinipigalan niya ang sakit na nagmumula sa kanyang kalooban, ang galit at pighati na paulit-ulit niyang nararamdaman. Ang patuloy na pag-alala at marinig ang malaanghel na pangalan ng yumaong kasintahan, si Feline Arciana Ty- Ezra.

Pagkatapos ng pangyayari sa kanila ni Judy Lyn ay tumungo agad si Ken sa mini Bar ng kanyang bahay at doon, kanina pa nilulunod ang sarili sa iba't-ibang matatapang na alak, pero kahit anong pag-inom niya, tila 'di pa din siya tinatablan ng kalasingan. Mas nangunguna kasi ang namumuong sama ng kanyang loob sa dibdib, ang pangungulila at lungkot na pinaghahalo-halo sa kanyang kalooban.

Bawat araw na lumilipas ay tila isang bangungot mula sa nakaraan ang kanyang napapanaginipan. Ang mawalan ng pinakamahalagang tao sa buong parte ng buhay niya, ang maging tulay para sa mga pangarap niya at ang mawalan ng taong naging daan para kilalanin ang sarili niya bilang totoong siya.

Break the Gangster's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon