Chapter 2

151 3 0
                                    


sino magpapadedicate? PM niyo ko :) muah



***

"Judy Lyn... Let's end thisnapabitaw ang dalaga mula sa yakap niya sa binata. Naguguluhan, naninikip ang dibdib at tila nabibingi siya sa mga binitawang salita ng kanyang minamahal. Pero, kahit alam niyang ganto naman ang paglulugaran ng kanilang relasyon, nagpatuloy pa din siya. Iisipin na lamang niya na wala siyang narinig, wala siyang naramdamang kahit anong sakit sa dibdib at wala na siyang pakialam sa kung ano ang dahilan ng lalaki. Basta, mahal niya 'to, wala ng ikakabahala sa pag-ibig niya. Wagas kung umibig, lahat-lahat ibibigay para sa lalaking nagpabago ng buhay niya.

Tinitigan niya ang lalaki. Isang matang puno ng pagmamahal. Isang matang kailanman 'di mo matatanggihan sa angking kaakit-akit nito. Umiwas naman ang binata at napabuga ng hangin sa kawalan. Nahihirapan siya. Mahirap magbitaw ng salita lalo na sa katulad ng babaeng kaharap niya, babaeng gumulo sa buhay niya, pero, nagpalabas ng totoong siya. Nahihirapan siyang isakripisyo ang pagmamahalan nila ng babae, mas may mabigat siyang rason kung bakit kailangan niyang gawin ang mga ito. Kahit ayaw niya gawin ang iwan ang babae, wala na siyang magagawa.  "Judy, our relationship is not good at all, I do—

 

 

 

"Haha, Y-you're kidding right? Love, this is one of your surprise right? Now, w-where's the lights? Concerts? Buffets? And the fireworks in the sky? Haha I'm really excited to see all of those from you, Love"   tila  iniiba ng dalaga ang usapan. Ayaw niya na kasi marinig ang mga masasakit na bibitiwang salita ng lalaking mahal niya. Lalo na, patungkol sa paghihiwalayan nila at 'di siya papatinag doon. Hindimangyayari 'yun, kahit kailan, isip panito.

 

 

Kasalukuyang nasa hardin ang dalawa. Sa isang hardin ng kanilang eskwelahan ang Sembrano University  na walang katao-tao ngayon dito. Tapos na kasi ang klase sa oras na 'to, tanging sila na lang dalawa ang nasa hardin. Siguro 'yung iba naman ay nasa mga kanya-kanyang club society at may mga meeting pa, 'yung iba naman ay may mga praktis sa iba't-ibang sports. Sumibol ang malakas na hangin, at katahimikan ang nanaig sa lugar. Nagsilbing kaba naman ito sa dalaga, parang umaayon sa sitwasyon nila, ang mariing katahimikan. Ang malamig na pagpapaalam sa kanya ng kanyang mahal.

"Judy, you don't unders—

 

 

"Yes! Love, alam ko na! punta tayo sa paborito natin na kainan hehe, may bago daw silang recipe, alam mo na, gusto ko ng bagong mga putahe nila ats—

 

 

 

"Judy, I cant take th—

 

 

 

"Oo nga pala, Love, gusto ko samahan mo 'ko sa is—

 

 

 

Biglang napatigil si Judy sa pagsasalita ng mariin siyang hinawakan sa magkabilang balikat ng binata. Mahigpit, masakit at tila kumirot ang puso niya, kahit pa na  nararamdaman niya ang diin ng hawak sa kanya ng binata. Pero, mas masakit 'yung nakikita at nararamdaman niya. Ang makitang malamig ang mata ng lalaki sa kanya, wala ng bakas ng pag-aalala, pagmamahal o kahit ano pang masasaya patungkol sa kanilang dalawa. Napaigting-bagang ang lalaki at titig na titig sa dalaga. Alam niyang nasasaktan ito, pero mas masasaktan lamang ito kapag napagpatuloy ang kanilang relasyon. Mas nahihirapan pa nga siya, lalo na at mahal niya din naman ang babaeng sinasaktan niya ngayon. " Listen, and I don't care your feelings... I had a lot of reasons to give up on you... you and I were probably never  meant to be, first of all, I hate you, why? Because you're a gangster! A killer! And I can't love that kind of girl! Marami pa 'kong dahilan para hiwalayan ka, ayoko lang masaktan ka pa lalo, and... it's over between us"

Break the Gangster's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon