Chapter 19

133 2 2
                                    


Hello sa lahat ng nagbabasa!

-Bambiewp


***


"A-aray..." napahawak ako sa ulo ko dahil kumikirot ito. Teka... ano bang nangyari? Bakit ang sakit ng buo kong katawan? May nangyari bang nagpahamak na naman sa'kin? Babangon pa lang sana ako ng may napagtanto ako. Inilibot ko ang paningin ko sa kinalalagyan kong silid at tama nga ako.

Hindi ito ang kwarto ko!

Ang klase ng pabango ng buong silid ay kakaiba. Hindi pangkaraniwang ang mga disenyo ng dingding dahil halatang pinasadya pati na rin ang kulay nito. Ang lawak ng silid ay triple pa sa normal na kwarto ng isang tao. Malinis at halatang maingat ang nagmamay-ari ng kwartong 'to. May mga nakita rin ako sa kaliwang dingding na may mga nakasabit na letters at mga stolen pictures na pagmamay-ari ng isang babae. Pamilyar ang pigura ng nasa larawan ngunit hindi ko iyon makita ng lubusan dahil halos ang nasa loob ng larawan ay nakatalikod, nakagilid at kalahati na halatang tagong kinuha upang picture-ran.

Bumangon na ako ng tuluyan. Nakigamit na rin ako ng banyo at doon inayos ang sarili. Pagkatapos ay tumungo ako sa walk-in-closet at pumili ng maisusuot na damit. Pagkabukas ko nito ay bumungad sa'kin ang sandamakmak na itim na damit! Halos lahat ay kulay itim at masasabi kong kulto ang nagmamay-ari ng silid na 'to. Sa T-shirt, long sleeve, mga polo shirt, mga boxers? At mga brief? So ibig sabihin ay lalaki ang nagmamay-ari ng lahat ng 'to? ng kwartong 'to?


*door opens*


Pagkarinig kong nagbukas ang pinto ay agad kong sinarado ang walk-in-closet at baka mapagkamalan pa akong nagnanakaw. Hindi na lang ako magpapalit ng damit. Mahirap na wala ako sa puder namin kundi nasa Blood Organization ako!

Naupo ako sa paanan ng kama at hinintay ang taong paparating. Naririnig ko na ang mga yabag niya at kaya mas kinabahan ako. Sino kaya ang nagdala sa'kin rito?

"Gising ka na pala" siya? Papaano?

"Hindi baka konsensya ko lang 'to" humalakhak siya at kumuha ng upuan at umupo katapat ko. "Anong nangyari sa'kin? Bakit ako narito? At... ikaw ang nagdala sa'kin rito?" tuloy-tuloy kong sabi at siya naman ay nagtaas ng kamay bilang pagsuko. "Chill! Isa-isa lang hahaha" sabi nito at napangisi. Napadekwatro naman siya at seryosong tumitig sa'kin. Ewan ko pero bigla akong kinabahan sa pagbabago ng mood niya kaya natahimik muna ako saglit bago magsalita.

"Anong nangyari sa'kin?"


"Hindi ko alam"


"Bakit ako narito?"


"Kasi dinala ka rito?"


"Ikaw ang nagdala sa'kin rito?"


"Ano sa tingin mo?"


Sinamaan ko siya ng tingin dahil wala akong matinong nakuhang sagot sa kanya. At ang loko ay natawa na lang at tila hindi niya napansin ang baliw na pag-uugali niya, pabago-bago ng mood. "Seryoso kasi ako! Ano nga kasi ang nangyari?!" pigilin niyo ko kahit na prinsipe 'to ng Blood Organization mapapatay ko 'to! "Sorry Miss Judy pfft kahit gusto kong sabihin sa'yo ang nangyari ay wala ako sa lugar para ako ang magsabi sa'yo ng mga nangyari" tinaasan ko siya ng kilay na nagsasabing –hindi-ako-bobo-look- at ang lalaking 'to tumawa na naman!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Break the Gangster's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon