Chapter 14

51 1 0
                                    

Hello! Kaway-kaway mga Bloodians! Woooh! Magcomment naman kayo or vote.

-Bambiewp

Bakasyon na. Tara samahan niyo ako magbakasyon sa Sembrano's Palace haha. Kung meron, haha.


***


Ken's POV


Ilang minuto na akong nakatayo rito sa harapan ni Boss Arthur at Prince Ken at mukhang wala silang balak na paupuin ako. Uupo na sana ako ng makita kong masama ang tingin sa'kin ni Boss Arthur kaya napatayo ako ng tuwid at tiniis ang pangangawit. Nakadekwatro siya habang nilalaro ng isang kamay niya ang ballpen na hawak niya. Si Prince Nathan naman ay nagbabasa lang at alam kong nakikiramdam lang din. Nandito pala kami sa library, dito kasi madalas tumatambay ang dalawa.

"So, Dark Alliance huh?" si Prince Nathan. Sabi na nakikiramdam lang 'to.


"Yes, Prince Nathan"


"Give me any details of that group"


"Yes, Boss"


Napatingin ako sa bandang kanan ng makita ko doon si Knoox. Binigay ko sa kanya ang flashdrive at sinaksak niya ito sa laptop ni Boss Arthur. Bumungad sa'min ang simbolo ng Dark Alliance. Simbolo lang talaga ang nahanap ko dahil masyadong tago ang LAHAT ng tungkol sa kanila. Swerte ko na lang dahil nakita ko ang simbolo nila, kahit simbolo ay may malaking maitutulong.


Isang butil ng Dugo... sa Blood Organization


Sa Dark Alliance naman ay may simbolong Bungo ng Tao ...


Napatingin ako sa tatlo na matamang nakatingin sa laptop---sa simbolo, at tila may malalim na iniisip. Ako rin ay napaisip dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong simbolo sa mafia. Hindi ko masasabing baguhan ang grupong 'to sa mafia dahil may nakalagay na 1967 kaya ibig sabihin ay mas nauna pa 'to sa Blood Organization. Ang ipinagtataka ko lang, kung matagal na ang grupong 'to, bakit parang hindi namin sila kilala? Sino ang Big BOSS ng Dark Alliance? At... bakit nila pinupuntirya ang Blood Organization?

"I don't know that group"


"Me too, Brent ngayon ko lang nakita 'yang simbolo na 'yan- how about you Knoxx?"


"Y-yeah, ngayon ko lang 'yan narinig, so... sila ang posibleng kumalaban sa Blood organization?"


"I'm not sure. Kailangan ko pang mag-imbestiga ng maraming infos about sa kanila at ano ang kailangan nila sa grupo?"


"Paano kung sila? Hindi ba't parang tumatagal ang aksyon natin kapag hindi pa natin sila tinapos?- I mean, paano kung sumugod sila? Baka may mga mapahamak na inosente dito sa Sembrano's Territory"


"Hindi sa ganon, Knoxx. Kailangan lang natin masiguro baka kasi mali ang hinihinala natin tapos hindi pala sila kalaban"

Break the Gangster's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon