(A/N: Just imagine them speaking in Korean Language)
Third Person's POV
(TW: Language, Violence)
"Si Kim ay isang sikat na sikat na ngayong bagong idol sa Korea. Sa katunayan nga'y malapit na niyang malampasan ang tinaguriang bagong singer-songwriter na si Hoon, na isang artista."
"Mauungusan ka na, Hoon! Kailan ka ulit gagawa ng music na unique para sa mga tao? Ano!? Tinatamad ka na ba? Nakakapagod na ba? Akala ko ba gusto mong sumikat ulit? F*ck! Mas mahirap yung ginagawa ko bilang manager mo, Hoon!"
Dinig na dinig sa buong dorm ang sigaw ng isang lalaki sa kausap nito. Sa kabilang banda nama'y hindi naman mapakali ang kausap dahil nahihiya siyang sumagot sa kaniyang manager sa kadahilanang siya lamang ang sumuporta't umalalay sa kaniya sa buong training niya.
"Ang b*bo mo, Hoon! Gusto mo na bang bumalik sa pag-arte? Kung hindi ko lang kaibigan yung Mama, hindi ka makakapag-produce ng mga kanta mo ngayon..."
Pressure. Stress. Takot. Galit...
Ilan lang 'yan sa mga nakapagpapagulo sa isipan ngayon ng lalaking nagngangalang Hoon.
"F*ck, Hoon! Ano na!? Ganyan ka na lang ba?" Napaangat ang tingin nito sa Manager niya habang patuloy na nagtutunggali ang mga boses sa kaniyang utak.
Wala siyang magawa kundi ang tanggapin ang bawat palo't hampas ng lalaki sa kaniyang katawan gamit ang golf stick na nakuha niya sa gilid ng hagdan ng dorm.
"Ayusin mo 'yang sarili mo, Hoon. Kung hindi, dito na magtatapos ang karera mo," wika ng lalaki bago tuluyang iwanan ang sugatang kausap.
Kinabukasan, matapos ang pangyayaring iyon ay ginulantang ang isang Music Show ng isang hindi inaasahang balita---ang pagkamatay ng papasikat pa lang na Korean idol na si Kim.
Ayon sa autopsy report nito, nalason daw ito sa kinaing pagkain kagabi. Base naman sa salaysay ng kasama nito na sa staff sa dorm, may nagpadala lang daw ng pagkain kay Kim kinagabihan, na nagmula raw sa fan nito. Sakto namang gising pa ang binata kaya habang nagpapahinga siya pagkatapos ng practice ay kinain niya 'yon. Kinaumagahan ay natagpuan na lamang siyang walang buhay sa sariling kwarto nito.
"Pasalamat ka, Hoon. Nawala yung katunggali mo sa award kaya nanalo ka. Peste! Wala ka pa ding binatbat sa baguhan na 'yon. Ayusin mo nga!" Gigil na wika ng kaniyang manager sa kaniya.
Tiningnan lamang siya nito na gamit ang walang emosyong mga mata. Hindi ito napansin ng manager niya na kasalukuyang abala sa pakikipag-usap sa kanilang P.A.
"Kapapasok pa lamang po na balita, ang Manager po ng sikat na singer-songwriter na si Hwang Gi Hoon, ay natagpuang patay sa dorm nila pasado alas-diyes ng gabi dahil sa overdose..."
Nagkatinginan, at nagulantang ang ilang mga taong nakikinig at nanonood ng balita. Marami ang nagtataka sa biglaan din nitong pagkamatay, matapos lamang ang ilang araw kung saan namatay din ang sikat na idol.
Sa kabilang banda naman, kasalukuyan ding nanonood ang isang lalaking nakasuot ng simpleng itim na oversized T-shirt, itim na jogger pants, itim na bucket hat at rubber shoes, na kasa-kasama ng namatay na manager.
Tinitigan niya lamang ang screen ng telebisyon sa loob ng presintong nagsagawa ng imbestigasyon pagkatapos niyang mainterview.
"Sir, pwede na po kayong umuwi. Pakihintay na lamang po ang resulta ng investigation namin." Pagtango na lamang ang tanging itinugon ni Jihoon bago tuluyang lumabas ng building.
Isang ngisi ang kaniyang pinakawalan, bago tuluyang makasakay sa kanilang service van.
•°•
• Votes and comments are highly appreciated. •
BINABASA MO ANG
The OBSESSION
Fanfiction[Seventeen Special Imagines] Contains R18+ scenes. Disturbing stories of different people. Each holds different traumas. Some can be a friend, but others may be the villain. They may seem good people, but they are hiding hideous demons underneath th...