A/N: This chapter is labeled as R-18+. Scenes are not suitable for children ages 17 - below.
Samantha's POV
"Do you want me to enter yours?" nakakaakit na tanong nito sa akin habang halos hindi na ako makakilos sa sariling hinihigaan. Para akong naparalisa at hinipnotismo kaya hindi ko magawang lumaban o makagalaw man lang.
Naramdaman ko na lamang ang mainit niyang kamay na dumadampi sa maselan kong bahagi. Tanging impit na pag-iyak lamang ang kaya kong gawin dahil na rin sa tape na nakadikit na madiin sa aking bibig. Tiyak na kung huhugutin ay mag-iiwan ng sugat iyon sa aking mga labi.
Maya-maya'y nakaramdam na ako ng malamig at matalas na bagay sa tiyan ko, kasabay ng pagdiin niya't pag-agos ng mainit na likido.
"How about, chopping you into tiny pieces, and mix your meat into my delicacies? Hmm. I think its more exciting. Am I right, Samantha, my dear?" naeexcite na wika nito habang may halong pananakot sa mga mata.
Wala akong magawa dahil hindi ko talaga maigalaw ang katawan ko. Takot ang bumabalot sa aking katawan. Subukin ko mang magsalita, tanging ungol lang ang lumalabas sa aking bibig.
Malakas na napahalakhak si Wallace dahil sa nakikita niya--hubad na katawang nababalutan nang kulay pulang likido.
"Where's your saviour now, Samantha?" tanong niya habang paulit-ulit na ibinabaon ang kutsilyo sa aking tiyan.
"Samantha?"
"Samantha, gising."
" Samantha, gumising ka. Binabangungot ka," rinig kong saad ng isang pamilyar na boses.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad ang nag-aalalang mukha ni Jonas.
Nang mapagtanto kong panaginip lamang ang nangyari kanina, ay agad ko naman siyang niyakap habang nag-uunahang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Malakas ang kabog ng aking dibdib dahil na rin sa takot.
Lagi na lang akong binanbangungot at sa bangungot na 'yon, si Wallace ang nandoon. Paulit-ulit niya akong pinapatay at mas malala pa'y ginagahasa.
"Shhh. Okay na. Tahan na. Nandito lang ako. Shhh..."
"Uminom ka muna ng tubig," saad nito habang iniaabot sa akin ang isang basong tubig. Inabot ko naman iyon at agad habang siya'y maupo naman sa aking tabi't pinanood ang bawat galaw ko
Matapos ang pangyayaring 'yon ay mas minabuti nilang proteksyunan ako't pangalagaan. Isa ako sa mga biktima ni Wallace ngunit isa lamang akong nakaligtas sa mga kamay niya. Kaya, sinisigurado nilang wala na ulit mangyayaring masama sa akin kaya ipinagkatiwala ako ng mga pulis kay Detective Jonas
Dahil din doon, nalaman kong dati ko pala siyang kaklase. Hindi ko gaanong tanda ang mga kaklase kong lalaki dahil tutok ako noon sa pag-aaral. Ngunit, mas gumaan naman ang pakiramdam ko nang malaman kong kilala ko pala ang taong pinagkakatiwalaan nila.
"Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Tumango naman ako ng dahan-dahan bilang tugon
"Gusto mo ba dito muna ako matulog sa tabi mo?" tanong niya. Tiningnan ko naman siya saglit at mabilis na umiwas ng tingin. Bahay niya nga pala ito. Hindi ako pwede sa bahay ko dahil pwede akong mawala sa sarili at gumawa ng hindi magandang desisyon. Mabuti nang may kasama ako kaysa wala.
Dalawa lamang ang kwarto sa bahay ni Jonas dahil maliit lamang ang bahay at sinadya para sa isa o tatlong tao lamang. Dating kwarto ng bunso niyang kapatid ang isang kwarto ngunit dahil pumanaw na ito, ay ginawa na lamang iyon na bodega ni Jun at ibinenta na rin ang ibang gamit na pwede pang magamit. Tanging naiwan na lamang ay ang mga damit nito, mga pictures, at iba pang personal na gamit.
Dahil isa na lamang ang kwarto at ang kama ay iisa na lang rin, napagdesisyunan niya na ako na ang matutulog sa kama habang siya ay sa sahig na lamang.
Nahihiya man ako ay pumayag na lang din ako sa alok niya. Kasya naman kami sa kama kaya ayos lang.
Tinabihan naman niya agad ako, kaya naging awkward na rin ang atmospera sa pagitan naming dalawa. Nahiga na rin ako at tinalikuran siya, tutal naman nakatalikod din siya sa akin.
Ngunit dahil natatakot ako na maulit ang panaginip ko ay naisipan kong humarap sa kaniya. Sa aking pagharap ay siya ring pagharap niya sa akin, na mas lalong nagpakabog sa dibdib ko.
Napapikit naman ako bigla at napailing dahil sa kung anu-ano na namang pumapasok sa isip ko tungkol sa kaniya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito kaya napamulat ako at nakitang nakangiti siya.
"Magpahinga ka na. 'Wag kang mag-alala, nandito lang ako," paninigurado nito at pasimpleng hinaplos ang pisngi ko.
•°•
• Votes and comments are highly appreciated. •
BINABASA MO ANG
The OBSESSION
Fanfiction[Seventeen Special Imagines] Contains R18+ scenes. Disturbing stories of different people. Each holds different traumas. Some can be a friend, but others may be the villain. They may seem good people, but they are hiding hideous demons underneath th...