STORY #1: MONSTER ON BED

1.2K 5 0
                                    

A/N: This story is a product of fiction. Any names, places, and situations are part of the writer's playful imagination. This story is not true, but still, PLAGIARISM IS A CRIME.

If you see some grammatical or typo errors, please do not mind them. I wrote this story years ago. Also, this story contains mature scenes, violence, offensive words, and many more that is not applicable for ages 17 - below. So, if bata ka, chupi!

I hope you enjoy these stories! 👋≧◉ᴥ◉≦


××××××××××××××××××××××××××××××××


Monsters are usually seen under our beds. They are said to be the scariest creature to be met upon.

But, how can you still recognize a monster when it's features differ from what we already knew?

Can it be still identify as a 'Monster' when it's not under your bed, yet his over it?


××××××××××××××××××××××××××××××××


Prologue


NEWS: "Pinapayuhan ang lahat na manatili na lamang sa kani-kanilang tahanan pagsapit ng gabi."


Mas mabilis pa sa naghahabulang mga dahon ang paglalakad ni Samantha sapagkat halos wala nang mga taong nagkalat sa kalsada. Sabayan pa nang malamig na simoy ng hangin sa gabing tanging ang buwan lamang ang nagpapaliwanag, na nagdaragdag pa sa kaniyang kaba.


Hindi makabasag-pinggan ang katahimikang bumabalot sa kaniyang kapaligiran.


Animo'y ang kaniyang paghinga, at ang tibok nang kaniyang naghuhuramentadong puso ang siyang madidinig sa mga oras na iyon. Kahit mga kuliglig na nagliligalig sa dilim ay kinatatakutan nito.


Halos magkandarapa na siya sa pagmamadali't nalimutan na niya ang tila ba minamartilyo niyang ulong dulot ng kalasingan.


"Bakit pa kashi *hik* ako uminom ehh. Wala naman *hik* palang maghahatid sha'kin," inis niyang wika sa sarili sa kabila ng pagiging lasing, habang pilit na tinatakpan ang katawang balot lamang ng itim na bralette at high-waisted na jeans.


*BEEP!* *BEEP!*


Halos mapatalon naman siya sa gulat sa businang narinig, na nagresulta pa para mapaupo ito sa malamig na lupang puno ng alikabok at mga maliliit na bato. Sino ba namang hindi magugulat sa malakas na tunog nito't haluan pa ng kaba't takot?


"Sorry, Miss," pagpapaumanhin ng isang lalaking lulan ng kotseng bumisina kanina.


Mabilis namaan siyang tumayo't pinagpagan ang sarili. Habang ginagawa ni Samantha iyon ay hindi nito napansin na tinitingnan na siya nito na may halong pagnanasa. Agad naman niyang tiningnan ang lalaki, na agad ding umiwas ng tingin at saka tumikhim.

The OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon