Third Person's POV
"Gihoon is suffering from a Dissociative Identity Disorder, particularly Multiple Personality Disorder. People who have this kind of disorder have two or more separate personalities. It happens when Gihoon's specific emotion has triggered, his other persona will probably take control."
Hindi inaasahang bisita ang nagtungo sa dressing room ni Kleia noong mga oras na iyon. Walang ibang mga tao sa paligid kaya mas lalong nabigyan ng pagkakataon ang kaharap nito na makausap siya ng tuluyan.
Tuluyang nawala sa isipan niya ang mga bilin ni Sony habang sinusundan niya ang lalaki patungo sa sasakyan nito sa kadahilanang nais niya ring malaman ang katotohanan sa likod ng kakaibang asta ng kasintahan.
Hanggang sa hindi na natandaan pa ni Kleia ang mga sumunod na nangyari.
Sa kabilang banda, abala si Sony sa pag-aasikaso ng ilang paper works na may kinalaman sa naiwan niyang trabaho sa Pilipinas.
Isang tawag ang nagpatigil sa kaniyang ginagawa at dali-dali naman niya iyong sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ito.
(It seems that you are not with her this time, Sony...)
Agad na kumunot ang noo nito dahil sa sinabi nang tumawag.
At doon niya tuluyang napagtanto na nasa panganib si Kleia sa mga oras na iyon.
"Sh**al! What do you want? Don't you ever dare to lay a finger on her!"
(Nah~ I just want to play games with you. Remember? She witnessed those crimes I did decades ago? Also, she might ruin Woozi's career if she becomes a big star soon...)
Bago pa sumagot si Sony sa sinabi nito ay agad na naputol ang linya nito.
Kahit na hindi mag-iwan ng mensahe ang lalaking kausap kung saan matatagpuan ang kinaroroonan ni Kleia, ay alam nitong matatagpuan sila ni Sony.
"Who are you?"
Halos umalingawngaw sa buong kwarto ang katanungang binitawan ni Kleia sa lalaki.
Sigurado siya na ang lalaking iyon ay ang kaharap niya kanina lang sa dressing room. Ngunit tila naninibago siya dahil sa inaasta nito.
Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang lumang kutson na nakalatag sa malamig at maduming semento, sa isang malawak na kwarto. Nakatali pa maging ang mga kamay at mga paa.
Natawa ng bahagya ang lalaki at saka inilapit ang mukha niya sa mukha ni Kleia.
"You really don't remember me, huh? If that's the case, Kleia, or Byeol Tae-shi, it's pleasure to meet you. My name is Gihoon, your childhood bestfriend."
Mas lalong naguluhan si Kleia dahil sa pagpapakilala nito.
"If you still can't remember me, do you mind if I tell you a story?"
Mabilis na pinaharurot ni Sony ang motorsiklong nakaparada sa kanilang bakuran. Bago pa man siya tuluyang makaalis ay humingi na agad siya ng tulong sa isang kakilalang nakadestino ngayon sa Korea.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ngayon ni Sony dahil hindi siya sigurado sa kung anong maaaring gawin ni Gihoon sa kasintahan.
"Please stay alive, Byeol..."
Tinahak niya ang daang tinuturo ng tracker na nakalagay sa suot na singsing ni Kleia. Sa nakalipas na mga panahon, sinisiguro niya palagi ang kaligtasan ni Kleia. Kahit na hindi siya kasama nito ay naantambayanan niya pa rin siya gamit ang tracker na iyon.
Sigurado si Sony na ang lugar na iyon ay lugar kung saan nangyari ang pinakamasalimuot na alaala ni Kleia.
"How was it?"
"Wo-Woo..."
Ang dating mga alaalang nabaon na sa limot ay bigla na lamang nagbalik.
Ang masalimuot na alaala ni Kleia...
Ang masaksihan kung paano pinatay ng isang kaibigan ang mga batang katulad lamang nila...
"Gihoon..."
Hindi kalaunan ay biglang namatay ang ilaw sa loob ng silid.
Katahimikan ang bumalot sa buong paligid habang sinusubukan ni Kleia na pakiramdaman ang kaniyang palagid.
Ilang sandali lamang ay namalayan niya na lamang na nakahiga na siya sa kutsong kanina lamang ay kaniyang inuupuan.
Makalipas ang ilang sandali ay agad ding bumukas ang ilaw. Ngunit wala kahit anino ni Gihoon ang nasa silid.
*tic**toc**tic**toc*
"GIHOON! NAGMAMAKAAWA AKO!! MA-MANANAHIMIK AKO!" Sigaw nito habang nagpupumilit na makaalis sa mga tali, at nakatitig sa nakataling bomba sa paanan ng upuang nasa harapan na niya mismo.
"WOOZI! NAGMAMAKAAWA AKO! Gagawin ko lahat ng gusto mo huwag mo lang ako patayin..." Mula sa sigaw ay unti-unting naging pabulong ang sinasabi ng dalaga.
Unti-unti naman siyang nakarinig ng mga yabag ng paa na papalapit mula sa kaniyang likuran.
Magsasalita pa lamang ulit siya nang makaramdam ito ng malamig at matalas na bagay na dumadampi sa kaniyang leeg.
Ang pagtama ng liwanag mula sa ilaw sa bagay na hawak ni Gihoon...
Nakakasiguro si Kleia na ang hawak nito ay isang matalim na kutsilyo.
"Isang sigaw mo pa, tuluyan ka nang maglalaho sa mundo ng industriya maging sa buhay ng mga pinakamamahal mo. Lalo na sa kaniya..."
•°•
• Votes and comments are highly appreciated. •
BINABASA MO ANG
The OBSESSION
Fiksi Penggemar[Seventeen Special Imagines] Contains R18+ scenes. Disturbing stories of different people. Each holds different traumas. Some can be a friend, but others may be the villain. They may seem good people, but they are hiding hideous demons underneath th...