MOB 10

202 3 0
                                    

EPILOGUE

Labing-walong taon na ang nakakaraan, isang sampung taong gulang na bata ang kasalukuyang nakikipaglaro sa kaniyang kakambal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Labing-walong taon na ang nakakaraan, isang sampung taong gulang na bata ang kasalukuyang nakikipaglaro sa kaniyang kakambal.


Identical twins sila kung maituturing dahil magkamukhang-magkamukha silang dalawa. Parehas ng hubog ng mukha, ng boses, maging ng pangangatawan. Sila ay sina Wallace at Spencer anak nina Mr. and Mrs. Jeon.


Mayaman ang kanilang pamilya ngunit dahil sa isang trahedya ay nawala ang kasaganaan sa pamilya Jeon.


Napag-alaman ng mga magulang nila na may isa pa silang kapatid na nawala noong ipinanganak silang tatlo. Akala nila namatay lamang iyon sa panganganak ngunit ang totoo'y kinidnap ang kapatid nila. Dahil sa pagiging desperada ng magulang nila na mahanap ito, ni singkong duling ay hindi nila pinalampas.


Isang araw, nalaman na lang ng magkapatid na Jeon na namatay na ang mga magulang nila dahil sa isang plane crash. Hindi nagawang umiyak ng dalawa o magpakita man lang ng pangungulila dahil buong buhay nila ay nasanay na silang walang magulang na nakakasama't nag-aalaga sa kanila.


Napunta sila sa pangangalaga ng kanilang Tito Albert, kapatid ng kanilang ina. Mabait naman ang kanilang Tito Albert. Halos ibigay na nga rin nito ang kanilang luho.


Noong mga panahon na umaalis ang magulang nila ay ang kanilang Tito Albert ang nagbabantay at nag-aalaga sa kanila. Hanggang sa tuluyan na ngang napasailalim niya ang kustodiya nang kambal.


Ngunit habang lumilipas ang mga araw, hindi na nakapagpigil ang kanilang Tito Albert at nagawa nitong molestyahin ang sarili nitong pamangkin.


Si Wallace ang madalas nitong biktimahin at wala naman itong magawa't manahimik na lang dahil ibinibigay din nito ang mga luho nito.


HIndi alam ni Spencer ang pangyayaring 'yon kung kaya'y wala siyang kaide-ideya sa naranasan ng kaniyang nakatatandang kapatid. Ngunit kahit na wala siyang kamalay-malay sa nangyayari ay binantaan silang dalawa ng kanilang Tito na papatayin sila.


Habang naglalaro ang dalawa, isang malakas na sigaw ang narinig sa buong kabahayan. Sigaw iyon ng kanilang kasambahay. Nagtinginan naman ang dalawa bago puntahan ang pinaroroonan ng kanilang kasambahay.


Naabutan nila itong nakaupo sa sahig sa kwarto ng kanilang Tito Albert at halatang takot na takot.


"S-Si Sir A-Albert...p-patay na!" nanginginig na saad ng kanilang kasambahay habang nakaturo sa kung saan. Sabay na tiningnan ng kambal ang nakalambitin na bangkay ng kanilang Tito Albert.


Nagsidatingan na ang mga pulis at inembestigahan na ang pangyayari.


Walang mahanap na suspek ang mga pulis. Kahit ang mga posibleng ebidensiya ay napakalinis ding nagamit dahil kahit maliit na fingerprints ay walang mahagilap rito. Maging ang mga CCTV ay walang nakuhang footage ng suspek dahil napag-alamang matagal na pala itong hindi gumagana. Wala ring witness sa pangyayari kaya dineklarang suicide ang nangyari.


Nagkatinginan naman ang kambal bago sila tuluyang kunin ng mga pulis at dalhin pansamantala sa ampunan.



(P R E S E N T)

"Sinabi mo sa mga pulis?" marahan naman akong tumango. Nilingon ko naman ang kinaroroonan niya bago tinuloy ang pag-nguya.


"Paano? 'Diba nga kapatid mo siya?" tiningnan ko naman si Mama na nakatingin sa'kin at si Papa na patuloy pa rin sa pagkain.


"Wala akong kapatid na may sakit sa pag-iisip at nagagawang pumatay ng tao," sagot ko kay Mama habang inaalala ang mga kaganapan noon


18 years ago...

Malakas ang ulan. Kasabay nito ang dumadagundong na kulog at kidlat. Ngunit mahimbing pa ring natutulog ang aming Tito Albert sa kaniyang silid.

Hindi ako makatulog. Pakiramdam ko'y may hindi magandang mangyayari ngayong gabi.

Tiningnan ko naman ang kabilang kama kung saan natutulog si Kuya Wallace, ngunit wala siya doon. Dahan-dahan akong lumabas sa aming kwarto at sinubukang hanapin siya. Ayokong matulog mag-isa dahil takot ako sa dilim at baka bigla pang magbrown out.

Napansin kong bukas ang pintuan ni Tito Albert kaya sinilip ko ang loob nun ngunit laking gulat ko ng makita ko ang sarili kong kapatid na isinasabit ang wala nang buhay na katawan ni Tito Albert namin sa kisame.

Napansin naman niya ang presensya ko kaya inilagay niya ang index finger niya sa tapat ng kaniyang labi, na ang ibig sabihin ay manahimik ako. Pagkatapos niyang gawin iyon ay sabay kaming bumalik sa aming kwarto at tuluyan nang natulog.


"Anak, sigurado ka bang ayos ka lang?" tanong ni Mama dahilan para lingunin ko siya.


"Opo, Mama. Ayos na po ako. Nagpapasalamat po ko kay Kuya, kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako makakaalis sa bahay ampunan," tiningnan ko naman si Kuya na tapos na sa pag-aasikaso ng mga papeles paalis ng bansa, at patungo ngayon sa hapag-kainan.


"Wala 'yon. Gusto kong malimutan mo yung nakaraan mo bilang si Spencer, at mabuhay ka bilang si Benedict ngayon," saad nito saka ginulo ang buhok ko. Tahimik ko namang binasa ang pangalan niyang nakasulat sa suot niyang I.D., "Eugene Park."


"Kumain ka pa. 'Wag kang magsasayang ng pagkain," aniya bago tuluyang kumain.


fin.

The OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon