MOB 05

204 3 0
                                    

Jonas' POV

After 2 years...

Matapos ang pangyayari, dalawang taon na ang nakararaan, naging tahimik na rin sa wakas ang paligid lalo na ngayong gabi.


Tanging madidinig ko na lamang ay ang tugtog mula sa radyo ng sinasakyan kong police mobile, binabagtas ang daan paikot ng siyudad na aming nasasakupan. Matapos ang kaguluhang nangyari, naging mapayapa na rin sa gulo ang aming lugar. Wala nang mga kababaihan ang nare-report na nawawala sa aming estasyon.


Naisipan ko namang tawagan sa telepono si Samantha kahit alam kong dis-oras na ng hatinggabi. Tama nga ako. Kilala ko ang babaeng nakita ko lamang sa picture.


Kaklase ko siya noong elementary pa lang kami at siya rin ang first love ko. Hindi niya ako kilala dahil nag-iba na yung itsura ko---mula sa pagiging nerd at biktima ng bully, ngayon isa nang malakas at makisig na pulis.


Ilang ring pa ang naganap bago niya tuluyang nasagot ang tawag ko.


[H-hello?] Halata sa boses niya na kakagising niya lamang. Mukhang naistorbo ko pa ata siya.


"Ahh sorry, Sam. Mukhang nakaistorbo ako sa pagtulog mo," paghingi ko ng paumanhin.


[Ah, D-Detective Jonas, ikaw po pala. Ayos lang po. Di rin ako makatulog ehh. Nagpapaantok lang din naman po ko,] magalang na tugon nito sa kabilang linya. Napangiti naman ako dahil sa pagtawag niya sa'kin sa pormal na paraan.


'Ang pormal naman.'


"Gusto mo bang kumain sandali?" Iniwaksi ko na lamang sa isipan ang kung anu-anong naiisip na i-wika sa kaniya.



[Baka makaabala pa po ko sa inyo,] nahihiyang saad nito. Muli naman akong napangiti dahil sa pag-aalala niyang ipinapakita.


"Hindi naman. Sa totoo lang, papunta na ako diyan," pagpapaalam ko saka inikot ang sasakyan patungo sa bahay.



Samantha's POV

Bigla akong naalimpungatan dahil sa naramdaman kong may kung anong mainit na bagay ang dumadampi sa aking binti. Hindi iyon tumitigil dahil pataas ng pataas ang paghaplos nito dahilan para mawala nang tuluyan ang antok ko.


Halos magimbal ang buong sistema ko ng makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon. Buong pag-aakala ko ang taong sanhi ng madilim kong karanasan ay patay na ngunit nandito siya sa aking harapan.

The OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon