14 -Senior Years

34 7 4
                                    

Senior Years

(Sarangheyo03: wow second to the last year ko na sa high school. Nakakalungkot din pala. Ahaha, basta ako I will kwento na. Ahaha)

Ayan fourth year na ako. Napunta ako sa section ng IV- Kagitingan. 3 lang sections sa batch namin yung dalawa ay Kalayaan at Katarungan. Kakaiba ba? Well ganun talaga. Haha. Ang mahirap sakin this fourth year ay yung mahiwalay ka sa circle of friends mo. Anim kasi kami sa group namin na TS( tropang singles). Members nito: syempre ako, Liezelle Bandril, Mary Jane Nario, Jolina Margallo, Ana Margarita Sayo, at Charlette Brank. Although nabuo lang kami nung second year, okay lang at least tumibay yung samahan namin bilang magkakaibigan.

So ayun nga ako napadpad sa kagitingan: sina Liezelle, Ana at Jolina naman sa section ng katarungan, sina Charlette at Mary Jane naman ang sa Kalayaan. Nakakaloka talaga solo flight ang peg ko. Haha.

So ayun nga nagsimula na ang fourth year namin, namuhay akong mag-isa, joke este nagsimula na akong maging solo flight. Alam mo yung feeling na loner, ayun ako yun. @_@

Nagkaroon na kami ng seating arrangement sa classroom. Kaya naman ayun, wala akong masyadong ka-close sa room. I mean yung close na mapapakwento ka agad once na maglita kayo. Kasi nga naman puro classmates lang ang tingin ko sa kanila. Hindi ko pa sila makategorize as friends. So ayun, tawag ng surnames, then upo mode na kami. Napadpad ako sa second to the last row bandang kanan malapit sa may window. Yung room namin is nasa dulo kaya naman maraming windows.

Naging katabi ko si girl sa right at guy sa left. Si Camille Versoza ang naging seat mate, actually ma's maganda yun sakin, inamin haha. Ma's maliit nga lang sya sakin, mas maputi, pero ma's cute daw ako. Okay haha. Siya ang lagi kong kakwentuhan at naging close kami. Maybe because pareho kaming boyish gumalaw. Nagkakasundo kami sa mga bagay-bagay. Sa madaling salita, siya ang naging friend ko pagdating sa classroom.

Ang math wizard namin na si Ronald James Mendoza, at classmate ko pa rin hanggang ngayong fourth year, sayang di ko classmate si 'daddy James', James Paul Lacap. Isa rin yun sa math wizard eh at syempre close ko yun noh.

Yung katabi ko naman sa left side na guy ay si Mark Anthony Ravalo. Tahimik na makulit si Anthony, may time kakulitan ko siya eh, at madalas magpaturo sakin sa math at physics subject namin. Pansin ko lang this year kasi marami akong naging close na lalaki at di lang basta guys kasi naman mga heartrob kumbaga sa school namin. Andyan si Ragel Santos na pinakagwapo, yung tipong artistahin. Maraming girls na nagkakagusto sa kanya, at sa kahit anong year level meron talaga. Since second year naging classmate ko na siya. Mabait si 'gel', yan kasi tawag ko sa kanya. Mahilig magpaturo sakin yun sa Mathematics at English, yung tipong makikipagpalit pa yun ng upuan para lang magpaturo at naging issue yun sa classroom. Haha.

Next is si Rejie Balisi, black handsome ang turing sa kanya kasi naman di talaga siya maputi, singkit at pogi nga lang. Since second year classmate ko na rin siya at nakapartner ko pa sa sayaw namin noong music class. Yung sayaw kasi is about sa lovers. Kaya may mga kapartner kami nung time na yun, di ko naman aakalaing aayain niya along maging partner sa sayaw. Naging close kami nun since second year dahil sa isang nakakatawang pangyayari. Naalala niyo naman siguro ang isa sa mga friends ko sa TS na si Ana Margarita Sayo di ba, so ayun may crush kasi yun kay Rejie at dahil sa close kami, nanghingi ako ng picture niya at binigay kay Ana. Noong una nagdalawang-isip pa nga si 'Jie' pero nagbigay naman siya agad. Haha. Kaso napagkamalan pala ni Rejie na may crush ako sa kanya where in fact wala naman talaga. Grabe talaga yung. tawa ko nung nalaman ko yun. Well di ko naman siya masisi. Haha pero buti na lang ang sinabi niya agad sakin. Kaya ayun walang ilangan ang naganap.

Next is si Kevin Bryan Dela Cruz, may girlfriend na to, si Ginalene Mae Gesmundo. Although magkaklase kami I mean iisang room lang kami, naging close kami ni 'Kev' tawag ko sa kanya. Yun ay dahil sa nagpapaturo siya sakin sa physics, math at English. And one more thing dahil nagkakasundo kami sa kanta. Madalas kaming magjamming ni Kev, kahit walang guitar, kanta mode lang kumbaga. Na-issue pa nga kami eh. Eh may gf pa man din siya. Haha. Buti na lang talaga at di masyadong selosa si Ginalene kundi naku, ako pa naging dahilan ng break-up nung dalawa. Yay.

Unmasked ( HOLD)my diaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon