2 Childhood

332 14 45
                                    

Umuwi kami dito sa manila dahil buntis si mama sa bunso namin na isang baby boy si Aaron. 7years ang pagitan namin. Buti na lang ng uuwi kami dito ay naenrol pa rin ako sa isang kindergarten school malapit kila Grannie kahit december na.. Alam niyo ba ang mga pinagagagawa ko dito sa manila.

Isa ito: umakyat sa gilingan ng bigas at ayun masugatan. huhuhu sakit kaya. Syempre alam niyo ba na tinahi ako nung araw na yun sa PGH sa may binti sa left side.  Ako na ata ang may pinakamalakas na boses bakit po, kasi pinagtitinginan ako ng mga tao kala mo naman ngayon lang sila nakikita ng tinatahi na sugat. Akala ko nga makikita ko kaso tinatakpan ni papa yung mata ko. Hala baka ba mandiri ako. Sabagay may point dun si papa. 2 anaesthesia lang naman ang tinurok sakin para daw di ko ma-feel yung sakit. Ayun nga nung matapos yun binigyan ako ng pera at kumain kami sa Jolibee.

Pangalawa: Pangit daw ipin ko kaya ayun dinala naman ako sa dentista. Di ko pa pala nasasabi sa inyo na takot ako sa injection lalo na sa loob ng mouth masakit kaya,try niyo minsan. Sa UP PGH of Dentistry naman kami napunta. Mabait ang naging dentist ko na si Ate Michelle. Binibigyan niya ako ng pabango,notebook at pinapakain sa restaurant. First time ko na binunutan ng ipin alam niyo ba nangyari. Hehe tinali lang naman ako ng mga kasamahan ni Ate Michelle from head to toe sa higaan ng patient na kailangan bunutan. Bait ko ba? Di pa nga yun pinakapasaway ko eh. Eto pa, habang nakatali na ako at naturukan na ng anaesthesia ayun sisimula na sana akong bunutan kaso dahil sa mabait ako nagpapadyak ako. Kaya lahat ng dentist ayun punta sa akin at hinawakan ako . 2 sa ulo ,4 sa balikat at 2 sa paa. Lupit  ba?  kaya naman after kung mabunutan ayun sobrang kahihiyan ag sinapit ko..ako daw ang pinakamabait nilang patient. Umiyak ako nun hanggang sa makalabas ako ng gate. Di ko nga lang alam kung saan ako pupunta kaya naman balik ako dun  kay manong guard. Nakita ko dun si Ate Michelle na naghihintay sa akin. Buti na lang sobrang bait niya ayun punta pa kami ng Jolibee at kain ng Ice cream para daw sa sugat ng ipin ko.

hay buhay nga naman nuh...

Unmasked ( HOLD)my diaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon