3 Kid in First grade

244 13 11
                                    

After kong grumaduate sa kinder dito sa Manila umuwi kami sa Bicol province specifically sa Tabaco City.Dito kasi nakatira sila mama after niyang magka-family. Yun  nga lang September na which means delay ako sa pag-aaral para sa Grade 1. Alam niyo ba ginawa ko dahil sa nangyari, ayun tumulong ako kila mama sa pagtitinda ng mga kakanin at syempre di mawawala ang parang tutorial class with my mom.

                     8 years old na ako nang mag-grade 1 ako sa Tabaco South Central Elementary School na dating school nila mama at kanyang mga kapatid. Dati raw yung pilot school kasi nga mga Americano ang nagpapalakad nun.  When we are now at the school ayun interview with my parents para daw mai-assess ako. Napadpad ako sa last section which is 12. Madami ba masyado ang sections samin? Well unfortunately my answer is yes...malaki kasi ang school eh. At kung bakit ako napadpad sa last section dahil yun sa di ko nabasa yung word na kailangan kong basahin sa tapat ng teacher..eh medyo terror yung teacher kaya ayun napipe ako..at bigla bang sabihin sa mama ko na"ay naku misis, di marunong magbasa yang anak mo punta na lang kayo sa last section". Now you know what it feels like kung ganun ang mangyari sayo..KAHIHIYAN di ba...

okay tama na yun masyadong ko ng ipinahiya sarili ko nuh...At kahit grade1 na ako mahilig pa rin ako mag-breastfeed  kay mama..kaya  ayun laging umiiyak si Flors kasi inaagawan  ko..haha bad ko noh..

Dumaan pa ang mga araw at ayun malapit na ang Christmas party sa school.  At sa kamalas-malasan nga naman saktong Christmas party namin may "Chicken pox" ako . Di ba kung sinuswerte ka nga naman. Kaya ayun lahat kami sa bahay nagkaroon ,, sinong pasimuno? wag  ng tanungin, sino pa nga ba , kundi ako? huhuhuhu ako na naman?"... hay naku sayang talaga first time sana umatend sa mga gatherings but my sickness failed me.

At last natapos na rin ang school year, guess what kasama pa ako sa honor. Hmm sa tingin niyo pang-ilan ako?

haha nakahula na ba kayo? ano nga,pang-ilan?

 sige na nag sabihin ko na.. pang second ako....yung first honor namin nadaan sa pag-donate ng electric fan at pagsali sa mga girls scout at organizations within our school. Eh ako, wala ni isa. Mahirap lang kami di tulad ni Mary Rose Camato na may kaya sa buhay. Well tama na yun at least kasama sa honor di ba. At bago pala kami maging honor student dapat  89 ang general average mo..kahit nasa last section ka pa lahat kayo aakyat ng stage at masasabitan ng lace. Bongga pa sa school namin.. well ganun na nga kaya nga pag Recognition Day kadalasan nagsisimula ng 3 ng hapon at matatapos ng 7-8 ng gabi dahil sa dami ng students.

Oh ano masaya bang mag-aral sa school namin , ohm sort of.. basta mag-start ang class ng 7 am hanggang 4 pm with recess and lunch break.

Wanna know more? next chapter....

Unmasked ( HOLD)my diaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon