Junior Years
(Sarangheyo03: yay, nagbabalik po ako. Sensiya sa nakakaiyak na kwento ko last chapter, so tayo namang bigyan ng kakulitan ang mga kaganapan ng aking Junior years in my school ERDA.)
Ahm, bali po ipagpapatuloy ko na yung kwento from second year po hanggang sa third year namin. So ayun po sa second year namin kumukuha kami ng exam for specialization courses. Hanggang 3 choices kasi ang pwede piliin ng student, ang mga napili ko : Foodtech, Computer, at Drafting.
Sa first choice ko na Foodtech: may knowledge test through paper exam at meron ding practical exam.
At YES nakapasa ako kaya naman naging FOODTech student ako simula THIRD year hanggang sa FIFTH year namin.
At naging classmate ko sa Foodtech subject namin ang first year crush ko na si Rafael. Simula noon, lagi na kaming magka-usap.
Nag-excel ako sa Foodtech at lagi akong nasasama sa top student sa specialization namin.
Marami rin akong naging kakilala na higher years dahil na rin sa Foodtech course ko. Yung kapatid ko na sunod sakin nasa first year high school na rin at same school kami. Marami tuloy tumatawag sakin gamit ang name ng kapatid ko lalagyan lang ng word na 'Ate'.
Nakakaloka nga kasi nakilala ako ng ibang year lalo na sa first year dahil nga sa kapatid ko. Medyo naging close ko tuloy yung mga first year dahil dun.
One more thing, pareho kami ng kapatid ko about sa social group. Pareho kaming kasama sa choir na may name na 'ETChorale'. Everytime na mayroong visitor sa school isa kami sa nagpeperform.
Kaya lagi ko ring kasama ang kapatid kong babae everytime na may practice kami sa choir, we belong to Sopranos; particularly Soprano 2. Di ko alam noon na may number pala yung mga yun.
Sa intrams naman, sumali ako sa basketball girls, cheering at scrabble.
Yung group namin sa basketball ay nakakuha ng 3rd place, wait a minute. Alam niyo ba na ang hatian ay buong year level per group, yup. It only means na may first year, second year, kaming third year, fourth year at fifth year sa bawat group.
Kaya naman lahat dapat maki-participate. Hindi to about year by year levels dahil halo-halo pagdating sa groupings. Pagdating naman sa cheering ayun sad to say wala kaming place, ahaha. Okay lang atleast nag-enjoy ang mga lower years. Di kami magka-group ng kapatid ko, bali kalaban naman sila.
Sa scrabble naman kami ang champion. 2 representatives bawat group at kasama ako dun. Yung kapartner ko magaling din kaya naman kami ang naging champion.
Di ko rin akalaing ang gastos pala ng specialization course namin, grabe everyday kasi or 3 times a week kami kung magluto sa school. 3 hours from monday to friday ang schedule namin unlike from my other minor subjects na english, math, science, araling panlipunan, basic christian living, values education, physical education at music.
Dami naming subjects noh, 9 lahat ng subjects namin for a week. At ang pasok namin ay from 7:15 am to 4:30 pm .
Kaya naman after ng 4:30 pm dun na ginaganap ang practice sa mga social groups namin. Lahat ng mga pangyayari about sa junior years ko ay naging masaya lalo na ng dumating ang Socialization Day. Ito ang tawsg sa prom namin at nagaganap ito kapag after ng periodical exam namin.
Hindi ko akalaing isasayaw ako ni Rafael, yung classmate ko sa Foodtech na naging crush ko noong first year ako.
Ang saya lang di ba, pati rin of course ang mga friends ko. Masaya ang naging days ko with my family, classmates, and friends.
guys gumawa pala ako ng isang poem, tagalog. ito po iyon.
:)
Kung Nalaman Ko Lang
Hindi ko inisip noon na ganito ang mangyayari
Ikaw ay aking mamahalin kahit alam kong di dapat
Ang sarap alalahanin noong tayo'y di pa lubos na magkaibigan
Paraang aso't pusa kung magbanghayan
Sayo ko nakita ang totoong pagmamahal
Bakit ba ngayon ko lang natanto?
Kung kelan wala na ang masuyong tinginan
Kung kailan ikaw pa rin ang nasa isip ko
Bakit nga ba sinaktan ka?
Bakit ba di nalaman na totoo ang iyong pagmamahal?
At hindi ang kanya na sa madaling panahon
Ay iniwan akong umiiyak
Sana nga, kaya kong ibalik ang nakaraan
Upang sa gayon maibalik ang pagmamahal sayo
Aking ipaglalaban ang pag-ibig ko
Ngunit may iba ka ng mahal
Paano ba ako ngayong nag-iisa
Walang kasama sa buhay
Sana'y maging masaya ka sa piling niya
Kahit ako sayo'y naiwang umaasa.
Hope nagustuhan niyo po.
BINABASA MO ANG
Unmasked ( HOLD)my diary
Teen FictionNo one else could see your true worth than yourself.. Revealing oneself strengths and weaknesses is self-sacrificing.. Knowing what you can do and learning what you can't is being a model of bravery.. This is a true story of myself,revealing my past...