12 -Sophomore years

50 6 2
                                    

 Sophomore Years

 

(Sarangheyo03: waah grabe tagal ko pala di nakapag-update ng buhay ko, yeah this diary ay simpleng notes ko sa mga pangyayari ng inyong author. Kaya lahat po ng nakasulat dito ay totoo, may pinapalitan lang ako like names or the places but other than that ang mga pangyayari dito ay lahat totoo. So sa mga nagtatanong YES, this really happened years ago kaya naman po kinukwento ko na lang sa inyo ang nangyari sakin. Yun lamang so gora na po tayo.)

 

The last time na kinuwento ko sa inyo ay yung pagiging freshman student ko sa isang private school na pinatatakbo ng jesuit priest na si Fr. Pierre Tritz, dahil sa mabuting loob niya nakapasok ako sa school na mayroong 5-Year Curriculum Program for Secondary School. Yes po totoo ang nababasa niyo. Siguro di ko pa masyado nakwento sa inyo ang lahat about sa school ko.

So ayun my school name is ERDA Technical and Vocational Secondary School. Di kami nagbabayad ng tuition fee na kung susumahin nasa 34K lang naman ang babayaran per year. Dahil sa mabait ang founder na Fr. Tritz na naging Flilpino citizen na, lagi siyang humihingi ng sponsor sa iba't ibang bansa na may kakilala siya.

Kaya naman ang binabayaran namin ay parang monthly contribution na nagdedepende sa status ng family mo. Pumupunta pa yung social worker ng school sa mga bahay namin para makita ang kalagayan ng family.

So ayun maiba tayo, let's go to the time of my Sophomore years.

Dahil pangalawang taon ko na sa school namin medyo kilala ko na ang mga teachers namin. Unti lang kasi sila unlike sa ibang school. At nasabi ko na ba na bilang lang sa kamay ang section ng bawat year samin.

Yeah you see it right, noong first year nga ako 4 lang ang section namin.

Okay tama na ang daldal, ay di pala. Kailangan ko pa pala magsakwento ano. So ayun first day ng school kaya naman ano pa ba, pagdating sa school ano ang unang makikita.

Well aside from all students na may mga bagong bag, uniform, hairstyle at kung ano-ano pa, makikita doon ang paper kung saan nakalagay ang aming section. At for your information guys, walang number ang sectioning sa amin. Kaya naman as in halo-halo ang students per year, from matalino-average hanggang sa di ganoong katalino.

My Sophomore years in ERDA ay kakaiba, pano ko ba to sisimulan. Well the first thing na kakaibang nangyari sa akin ay first time ko na maging kasama sa class officers, yup naging vice-president ako sa class namin.

Second thing is nang mamatay ang mama ko. May colorectal cancer siya, grade 5 ako noong na-diagnose siya. Alam ko mahirap tanggapin pero siguro time niya na talaga.

Naalala ko pa nagkaroon pa kami ng tampuhan before then yung last time na nakita ko siya, tumawag si papa sakin na ako muna ang magbantay sa mama ko sa PGH. Pagdating ko doon, nakita ko si mama na nakatulala na lang. Tinanong ko si papa at mga doctor about dun, sabi nila bigla na lang daw naging ganun si mama after magpabili ng lahat ng gusto niyang kainin then parang nagbibilin daw si mama sa kanya sabi ni papa. Sa pagkakasabi ni papa, natakot ako. Para bang may masamang mangyayari.

Kinagabihan pag-uwi ko sa bahay sinabi ko na kila lola at tita ang kalagayan ni mama, kaya naman pumunta agad sila doon.

Then madaling araw, November 18; nagising akong umiiyak dahil nanaginip ako na namatay na daw si mama. It was just 1:30 am, ginising ko yung kapatid kong babae yung sumunod sakin. Pero alam niyo sabi niya sakin, "ate ano ka ba, okay lang si mama, wag ka na ngang umiyak diyan."

Pero ako patuloy pa rin sa pag-iyak, ikaw ba naman managinip ng ganun, makakatulog ka pa ba?

Then after 2 hours, gising pa rin kasi ako narinig ko si lola at tita galing sila sa PGH, nagkukwentuhan sila, at doon ko nalaman na wala na nga talaga si mama.

Lalong lumakas yung iyak na iniipit ko lang. Di ako nagkamali sa panaginip na pinahiwatig sa akin. Pero alam niyo yun, nagtatanong nga ako eh. ' Bakit ako lang ang pinahiwatigan ni mama na patay na siya? Bakit yung 2 kapatid walang alam.

My sophomore year was the worst year for me dahil nawala si mama, even nagkarron ako ng award pagdating ng recognition day, parang may kulang pa rin.

Ganun talaga siguro kapag nawalan ka ng mahal sa buhay, masakit sa una pero kailangang mag-move on dahil walang permanente dito sa ibabaw ng lupa.

Hanggang dito na lang muna, naiiyak na naman kasi ako habang nagtatype nito, yes you see it right, emotional talaga ako pagdating sa family. Sige po bye po muna. Sa next time na lang ulit.

Unmasked ( HOLD)my diaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon