Episode Two

9.7K 141 7
                                    

January 2011

 

"ALTHEA! I need your help. I need a boyfriend. A fake boyfriend," natatarantang bungad agad ni Danica kay Althea nang abutan niya ito sa locker room ng Matina Search and Rescue Team o MSRT.

            Kapwa sila trainee ng nasabing non-profit organization at last week lang nagsimula ang kanilang training. Dati niya itong kaklase sa kolehiyo noong nasa Davao pa siya nag-aaral at ito ang naghikayat sa kanya na sumali doon. Nasa ibang bansa na kasi ang ilan sa mga founding members kaya nang mabakante ang ilang slot ng volunteers ay nag-apply agad sila. Sinuwerte naman silang makapasok pagkatapos ng ilang pagsubok.

Naisipan niyang pumasok doon para naman may pakinabang siya sa kanilang community. Lumipat kasi sila sa Colorado right after her second year in college at doon na nagpatuloy sa pag-aaral. Noong umuwi silang mag-anak sa Pilipinas last month ay pumayag siyang makipagsosyo kay Zachary Thor Fuente at itinayo nila ang Frozen Dreams Resto Bar sa Damosa Gateway. Nakilala niya ito sa Colorado at dahil pareho silang mahilig sa mga inumin kaya naisipan nilang magsosyo na lang nang muli silang nagkita. Silent partner nga lang siya dahil si Zach naman talaga ang hands on sa negosyong iyon. But at least, may pakinabang din ang kurso niyang Business Administration kahit pa nilalait ng daddy niya ang Frozen Dreams. Nais kasi nito na mamasukan siya sa opisina nito. Nagdesisyon na kasi ang kanyang mga magulang na sa Pilipinas na manirahan at magtayo ng sariling consultancy firm. Ngunit tulad ng dati, tumanggi siya for the very reason that her dad's office lacked the excitement she was looking for. Si Althea naman ay isang teller sa bangko kaya tuwing weekends ang time slot na pinili nila sa training.

"Bakit sa akin ka hihingi ng tulong? Nakalimutan mo na bang bigo ako sa pag-ibig?" tanong din nito sa kanya.

"Eh, kasi kahit bigo ka sa pag-ibig, marami pa ring boys ang lumalapit sa'yo. Samantalang sa akin, mas marami ang nai-intimidate. I mean, I'm not that bossy, right?" pangungulit pa niya rito.

"Nope. But you're still intimidating," pag-aamin pa nito.

"Ang sama mo," maktol niya bago pumasok sa powder room upang magpalit ng trainee's uniform na isusuot nila sa gabing iyon. Sumunod ito sa kanya.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Pero teka, bakit mo kailangan ng fake boyfriend aber?" Magkatabi ang cubicle na pinasukan nila kaya naririnig pa rin nila ang isa't isa.

"Remember Armie Alejandro? 'Yung close friend ko noong college?" tanong niya rito.

"Alin? Yung taga-Accounting department? Ano'ng kinalaman niya sa dilemma mo ngayon?"

"Ikakasal na siya at ako ang maid of honor," sagot niya.

"Wow! Congrats! Kahit wala kang boyfriend, you will still standout on any occassion."

"Hindi pa rin. Kasi sa lahat ba naman ng lalaki sa mundo, si Ryan Paulo Medicello pa ang kinuhang bestman ng groom niya," naiinis niyang sagot. Lumabas siya ng cubicle at inayos ang kwelyo ng suot na polo shirt. Kulay puti iyon. Nakaburda sa kaliwang dibdib ang initials ng MSRT. Sa kanang sleeve ay ang pangalan niya at sa likuran naman ay ang katagang "Community Responder Trainee" in bold letters.

Lumabas rin si Althea matapos itong magpalit ng damit. "Ang tinutukoy mo bang Ryan Paulo ay iyong ex mo noong college?"

"Yep. The one and only."

"Iyong sumama sa ibang babae at iniwan ka?"

Tiningnan niya ito ng masama. "Kailangan mo pa ba talagang ipaglandakan iyon? Oo na. Siya na iyon. Ang walang kwentang lalaking nagpaiyak sa akin. Na sa kasamaang palad ay magiging bestman nina Armie at Aidan. That's why I need your help. Kailangan ko ng lalaking papayag na maging boyfriend ko for that event. Balita ko kasi, isasama ni Paulo ang fiancee niya sa okasyong iyon."

My Perfect Fake Boyfriend [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon