Episode Six

5.9K 103 24
                                    

"RELAX ka lang. Masyado ka namang tensed, eh," bulong ni Cray kay Danica malapit sa kanyang tainga.

Ang araw na iyon ang official start date ng kasunduan nila. Tulad ng usapan nila noong nakaraang linggo, nasa labas sila ngayon ng simbahan kung saan idadaos ang kasal nina Armie at Aidan. Ang iba pang kasali sa entourage ay nagkanya-kanya na ng pwesto habang hinihintay nila ang pagdating ng bridal car na siyang maghuhudyat sa pagsisimula ng seremonya. Sa isang sulok naman ay nakita niya si Paulo at pasimpleng tumitingin sa kanila ni Cray kahit nasa mga bisig nito ang fiancee daw nito.

She felt triumphant. Ibig sabihin lang niyon, nagtagumpay ang kanyang plano na ipamukha kay Paulo na hindi lang ito ang nag-iisang lalaki sa mundo. Ngunit may isang bagay na bumabagabag sa kanya ngayon kaya siya tensionado. Bagay na may kinalaman sa lalaking pinili niyang gawing fake boyfriend para lamang sa okasyong iyon. Si Cray. Muli siyang bumaling dito.

"Eh, kasi—"

"Halika nga dito," sambit nito sabay yakap sa kanya. Hindi sinasadyang napadikit ang mukha niya sa dibdib nito and inhaled his familiar masculine scent. "Once you walk down the aisle, look straight ahead and smile, okay? Isipin mo na lang, nasa dulo ako at naghihintay sa'yo," dugtong pa nito.

Namilog ang mga mata niya sa narinig at biglang nanunyo ang kanyang lalamunan. Tila lalo lamang siyang nati-tense dahil sa sinabi nito. Bahagya siyang dumistansiya dito at tumingala rito. Nakayuko naman ito sa kanya.

"A-ano'ng ibig m-mong s-sabihin na iisipin kong maghihintay ka s-sa dulo ng aisle?" nauutal niyang tanong.

Mababatukan talaga niya nang wala sa oras ang lalaking ito. Kung ang intensiyon nito ay gulatin siya, nagtagumpay nga ito. Pakiramdam niya ngayon ay aatakehin siya sa puso. Dahil kung siya ang tatanungin, parang nais nitong isipin niya na ito ang groom na naghihintay sa dulo ng aisle at siya naman ang bride nito. Nakakaloka.

"Well for one thing, para may bubulong sa'yo na, 'Mukha kang tao ngayon, panget. Gumanda ka bigla'," pabirong sagot nito.

Mabilis niya itong kinurot sa tagiliran. Napa-"aw" naman ito agad. "Walanghiya kang, 'alien' ka. Ang sama mo. Dati na kaya akong maganda," nakasimangot na maktol niya.

Tumawa ito nang mahina at pinisil siya sa ilong. "Joke lang. Ikaw naman, masyado kang high blood. O, ayan na pala ang bridal car. Mukhang magsisimula na ang processional. Good luck," sabi nito bago humalik sa kanyang pisngi at tumalikod. Lihim siyang napangiti habang sinusundan ito ng tingin tungo sa isa sa mga pews sa loob ng simbahan.

Perfect nga itong gawing fake boyfriend. Natural ito kung kumilos na tila ba matagal na silang magnobyo. Medyo relaxed din ang atmosphere sa kanilang dalawa ngayon, pwera na lang kung may gagawin itong something sweet na magpapawindang sa sistema niya. Otherwise, all is well. Mukhang tumalab nga ang kanilang truce. With matching hug ang kiss pa ito sa kanya. Isang bagay na lalo niyang nagustuhan.

Too bad it's just make believe. Pero at least para sa mga tao sa paligid nila, they really looked authentic. Hindi kaila ang inggit sa mata ng ilang kababaihan kapag tumitingin ang mga ito sa kanila ni Cray. Lalo na ang ibang brides' maids.

"Boyfriend mo ba ang isang iyon?" naulinagan niyang boses sa bandang likuran. Pumihit siya sa direksiyon ng tinig. Si Paulo ang nandoon.

"Oo," may himig pagmamalaki niyang sagot at sinalubong ang titig nito. Sa loob ng nagdaang taon mula nang maghiwalay sila ay ngayon lang uli sila nagkausap. Naasiwa siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Mabuti na lang at tinawag na ito ng wedding coordinator to march down the aisle as the best man. Siya naman ay nilapitan ang bride at inalalayan sa pagbaba nito sa bridal car.

My Perfect Fake Boyfriend [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon