Episode Eight

5.4K 109 16
                                    

"GALINGAN mo ha?" sambit ni Danica kay Cray habang nasa backstage ito at ang mga kasama nito sa banda.

Ika- dalawampu't limang araw na iyon ng kasunduan nila. So far, Cray had played the role of the perfect fake boyfriend. Kahit may schedule sila ng training sa MSRT ay matiyaga itong naghihintay sa kanya at sabay silang kakain sa labas. Palagi itong caring at sweet sa kanya. Halos araw-araw din silang magkasama at napatunayan niyang mas masarap nga itong maging boyfriend kaysa maging kaaway niya. Too bad she never realized it before. Kung alam lang niya, sana naging mabait siya rito noon. Sana hindi siya naging spoiled brat sa paningin nito. But everything happens for a reason ika nga. Nagpapasalamat na lang siya dahil sa kabila ng pagiging salbahe niya rito noong kabataan nila ay mabuti pa rin ang pakikitungo nito sa kanya ngayon.

"Para sa'yo, magpapasikat ako. Ngayon mo lang ako mapapanood live on stage with my guitar diba? I'm sure you'll be amazed," pabiro pang sagot nito. Ngumiti lang siya at inayos ang kwelyo ng suot nitong polo shirt.

"Ah, siya pala si Danica. Akala ko siya si Lanie," singit ng isang kasamahan ni Cray. Si Nathan na siyang official drummer ng banda na ilang linggo ding nawala dahil may personal emergency daw. Kanina ay ipinakilala siya ni Cray bilang girlfriend nito sa mga kasamahan nito sa banda.

"Lanie? Eh, hindi ba Gina ang pangalan ng girl na kasama ni Cray dati?" sagot din naman ng bass guitarist na si Damon.

"What about Ella?" si Nathan uli.

"Ay naku, Danica. Huwag kang magpapaloko diyan kay Cray. Ikaw lang yata ang naniniwalang matino iyan eh. Pero ang totoo, loko-loko iyan," ang bokalistang si Blair naman ang nagsalita. Ang nobya nitong si Jhoy na bokalista rin ng banda ay nakangiti lang sa isang sulok. Halatang ayaw nitong makisawsaw sa trip ng mga kalalakihan.

Isang makahulugang ngiti lang ang ibinigay niya kay Cray.

"Huwag kang maniniwala sa mga iyan, sweet. Oplan pang-aasar lang ang ginagawa nila. Naiinggit lang ang iba sa kanila dahil walang mga girlfriend," sagot naman ni Cray. "Besides, I'm not hiding anything from you. Mula kindergarten hanggang ngayon, kilalang-kilala mo na ako. Alam mong sadyang mabait ako. Kasi noong nagsabog ng kabaitan at kaguwapuhan si Lord, nasalo ko iyon lahat," pagbibiro pa nito.

"Me ganon?!" Hindi niya mapigilang matawa dahil sa sinabi nito. Pati ang ibang kasamahan nito ay nakitawa na rin.

"Puro kayo kalokohan. Tara na nga at tayo na ang susunod," yaya ni Jhoy. Agad namang tumalima ang mga kasamahan nito maliban kay Cray na noon ay nakatayo pa rin sa harap niya.

"Sige, doon muna ako sa audience area," paalam niya kay Cray. Akmang tatalikod na sana siya nang pigilan siya nito.

"Wait. Payakap lang sandali, panget," may himig paglalambing pang sabi nito sabay yakap ng mahigpit sa kanya. Pagkuwan ay bahagya itong dumistansiya at niyuko siya. "Nababasa mo ba iyon?" tanong nito sabay turo sa karatulang nasa isang sulok. Sinundan niya ng tingin ang tinutukoy nito.

"'Please take care of your valuables'," basa niya sa nakasulat. "B-bakit, may valuable ka ba na gusto mong ingatan?" tanong niya rito.

"Meron," sagot nito at muli pa ay yumakap sa kanya. "Ikaw. Kaya huwag kang mawawala," dugtong nito.

Namilog ang mga mata niya sa narinig kasabay ng pag-uunahan ng tibok ng kanyang puso. Shet! Hindi magtatagal at aatakehin na siya sa puso dahil sa lalaking ito. Pero in fairness, ang sarap pakinggan ng sinabi nito. Sana lang talaga totoo.

"Paano, tutugtog muna kami ha? Clap for me okay?" anito bago nito inangkin ang nakaawang niyang labi. Pagkuwan ay lumabas na ito sa stage at tumapat sa drums.

My Perfect Fake Boyfriend [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon