Episode Three

9.5K 127 31
                                    

"WALA pa ring nagbago sa school natin 'no? Ganoon pa rin ang kulay ng bubong, mas pinatingkad nga lang. Naroon pa rin ang garden na madalas naming tambayan ng mga friends ko noon," puna niya habang ipinapapasok ni Cray ang sasakyan nito sa garahe ng Don Marcellino.

"May kaibigan ka pa pala noon?" tanong nito.

"Meron din naman. Kapag kailangan nila ng pagkain, nagiging mabait sila sa akin. Pero pagkatapos nun, magkaaway na uli kami," nakangiting sagot niya. "Nakakatuwa nga eh. Simpleng bagay lang ang dahilan ng mga away namin noon. Pero parang napakalaki na," dugtong pa niya.

"Ganun daw talaga kapag bata," sagot naman nito. Ipinarada nito ang sasakyan nito sa parking area.

"I agree," aniya. Pumihit siya at nilingon ang mga magulang nila na abala sa pagbubulungan. "Saan po banda ang reunion, mommy? Sa Elizabeth Hall pa rin po ba?" tanong niya sa mga ito. Agad namang naghiwalay ang mga ito at umayos ng upo.

"Ah, oo. Doon pa rin, anak. Ay, nandito na pala tayo. Masyado kaming nalibang ni mare sa kwentuhan namin," sagot ng Mommy niya.

Bumaba si Cray at inalalayan nito ang mga magulang nila sa pagbaba ng sasakyan. Siya naman ay nagkusa nang bumaba. Pakuwan ay umabrisete siya sa mommy niya tungo sa Elizabeth Hall kung saan dinadaos ang reunion ng mga ito kada limang taon.

"Ay, Danica, dito ka na sumabay kay Cray. May pag-uusapan pa kami ng mommy mo eh," ang ninang Remy niya iyon. Kahit alanganin siya ay wala siyang magawa kundi panoorin ang dalawang matanda na masaya sa kwentuhan habang naglalakad ang mga ito.

"Shall we?" bumaling siya sa nagtanong. Nakalahad ang isang braso ni Cray, waiting for her to take. Nakangiting tinanggap niya iyon at sabay silang naglakad tungo sa Elizabeth Hall.

He had the advantage of height at habang nasa bisig siya nito, pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa at ito naman ang kanyang prinsipe. May mga dalagang kumaway dito at magalang naman itong tumango sa mga ito.

"Ang bait mo naman pala," pabulong niyang sambit.

"Matagal na. Ikaw lang naman ang salbahe sa ating dalawa," sagot din nito malapit sa kanyang tainga. Siniko niya ito at isang malutong na halakhak ang isinagot nito.

"Kung hindi ko lang nahahalata na may hidden agenda ka, hindi ako papayag na maging escort mo," mamaya ay sambit nito.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at napahigpit ang kapit niya sa braso nito. Gosh! Is she that obvious? "A-agenda? What are you talking about?"

"Later. I'll interrogate you later. For now, pagbibigyan ko muna ang kalokohan mo. Cheer up. There are paparazzis around," pabulong na sagot nito. Ngumiti naman siya kahit halatang pilit na ang ngiti niya.

Ganoon ba siya ka-transparent at nalaman agad nito na may binabalak siyang something? At ganoon din ba kasama ang impression nito sa kanya kung kaya kahit hindi pa nito alam ang ultimate plan niya ay pinag-iisipan na agad siya nito ng masama? Tama bang si Cray ang gagawin niyang fake boyfriend?

Tama! Sambit ng isang bahagi ng kanyang isip. Binalikan niya sa alaala ang listahan nila ni Althea ag mga qualities ng lalaking gagawin niyang fake boyfriend.

Number one: He has to be handsome. Nilingon niya si Cray sa kanyang tabi. Check.

Number two: He has to be friendly. Check din.

Number three: They have something in common. Check na check. Friends ang mommies nila and they went to the same school since kindergarten until high school.

Number four: He is not intimidated by her. Check pa rin. Hindi ba't siya pa nga ang na-intimidate dito kanina?

And number five: He is someone who will not fall in love with her. Super check. Paano naman ito mai-inlove sa kanya eh madalas niya itong inaasar noon? At hindi rin siya ang babaeng magugustuhan nito.

My Perfect Fake Boyfriend [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon