Episode Nine

5.7K 106 4
                                    

"KUMUSTA naman si Cray bilang fake boyfriend?" iyon agad ang itinanong ni Graziella kay Danica habang nasa isang mesa sila ng Jasko's Bar at pinapanood ang performance ng Emerald Frost. Acoustic music kasi ang forte ng banda kaya hindi gaanong maingay sa naturang bar ngayon.

Sumimsim muna siya sa in-order na iced tea bago sumagot. "I-I didn't know you were aware of our agreement," gulat na sabi niya rito.

Hindi niya ipinapahalatang masyado na siyang naaalibadbaran kay Graziella. Palagi na lang itong isinasama ni Cray sa mga lakad nila. Akala ba niya ay one hundred days ang usapan nila ni Cray? Bakit kailangang sumingit pa si Graziella kung kailan naka ninety days na sila? At alam din pala nito ang tungkol sa kasunduan nila ni Cray. Ano pa kaya ang alam nito?

"Well, Cray tells me everything kaya alam ko. At ngayong nailipat na sa pangalan niya ang ari-arian ng lolo niya, it's only a matter of time before he would put an end to your charade. Sabi niya sa akin kahapon na baka nga hindi na niya hihintaying umabot pa kayo sa one hundred days, eh," sagot ni Graziella with that triumphant look on her face.

It doesn't have to surprise her. Hindi ba't sa simula pa man ay sinabi na ni Cray na kaya lang ito pumayag sa charade nila ay upang mailipat sa pangalan nito ang ari-arian ng lolo nito. Ang hindi lang niya inaasahan ay ang posibilidad na tapusin na agad ni Cray ang pagpapanggap nila habang siya naman ay nasasanay nang palagi itong kasama.

"M-magkasama kayo kahapon?" tanong niya.

"Yeah. Namasyal kami sa mall," masiglang sagot nito. Tila piniga ang puso niya dahil sa narinig. Kaya pala hindi ito nakarating sa graduation niya sa MSRT ay dahil nakipag-date pala ito kay Graziella. Naalala niya ang sabi ni Cray noong nasa Highland Jive sila. Na baka liligawan daw nito si Graziella. Kaya ba ito madalas na sinasama ni Cray ay dahil nililigawan na ito ng huli?

"At sabi pa ni Cray, ililipat lamang ng lolo niya sa pangalan niya ang mga ari-arian nito kung magiging girlfriend ka niya. Ako talaga ang mahal niya kaya nga madalas siyang nasa resort ko. I regret the day na binasted ko siya noon but things turned out well. Sa huli ay kami pa rin pala ang para sa isa't isa," may pagmamalaki pa sa boses nito. Napahigpit ang hawak niya sa baso ng iced tea.

Ako talaga ang mahal niya...paulit-ulit ang mga salitang iyon sa kanyang tainga na tila ba sirang plaka.

"B-bakit pa niya ako isinama sa resort mo noon? Pwede naman siyang pumunta roon without me so you guys could spend time together," aniya habang pilit na nilalabanan ang kirot ng dibdib.

"Because he wanted to prove to me that what you guys have is nothing but a business agreement," may pagmamalaking sagot nito.

Ouch uli. Ibig sabihin niyon, lahat ng sweet gestures nito sa kanya ay hindi totoo at palabas lang tulad ng madalas na binubulong ng kanyang isip. Tanga lang siya dahil hindi siya nakinig sa warning signals ng utak niya. Sa halip ay pinaboran niya ang sigaw ng kanyang puso and fell hopelessly in love with him for the second time. At tulad nang unang beses niya itong minahal, muli na namang nadurog ang kanyang puso dahil sa katotohanang wala nga itong nararamdaman sa kanya, except maybe pity.

Hindi siya naaawa sa'yo. Ginamit ka lang niya for his own interest. Pinalabas lang niya na gusto ka niyang tulungan so he agreed to be your fake boyfriend. He never even bothered telling you na sila na ni Graziella, singit ng utak niya.

Oo nga, lihim niyang sang-ayon.

"W-well, good for you then. Hayaan mo, kapag tapos na ang kasunduan namin, siguradong ikaw na ang palagi niyang kasama. Excuse me, wash room lang ako," pilit ang ngiting paalam niya rito. Mabilis siyang tumalikod bago pa man malaglag ang luhang pinipigilan.

My Perfect Fake Boyfriend [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon