Episode Four

5.5K 104 7
                                    


"CHECK for breathing and pulse at the same time. Position your left forefinger and middle finger on the left carotid artery of the victim," utos kay Danica ng trainer nilang si Miss Marga.

Nasa headquarters sila ng MSRT para sa kanilang training. Noong nakaraang session ay itinuro na nito sa kanila ang CPR. Ngayon ay practical test ng mga trainees kung natatandaan pa ba nila ang itinuro nito.

"Check for obstruction on the airways first. Nag-CPR ka na agad eh malay mo bang nabulunan lang ang victim kaya hinimatay dahil may bumara sa airway niya?" paalala ni Miss Marga sa kanya. Nakagat niya ang ibabang labi at sinuri ang airway ng dummy victim.

"No obstruction—"

"Is that the proper way to open the victim's mouth? Ano ba ang itinuro ko sa inyo?" naiinis na tanong nito.

Pilit niyang kinalma ang sarili kahit pa malayo doon ang kanyang nararamdaman. Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng araw, ngayon pa pinili ng trainer na magbigay ng practical test. Kung kailan wala siya sa mood because of what happened last night.

Hindi naman talaga pumalpak ang plano niya kagabi. Napaniwala naman niya si Cray na lasing nga siya kahit konti lang ang nainom niya and she only poured some of the beer's content sa kanyang damit para mangamoy alak siya. Umarte lang siyang lasing sa hahap nito at mukhang tumalab din naman ang acting niya kagabi. Ang problema lang ay hindi pa rin ito pumayag sa gusto niyang mangyari.

Akala niya ay maawa ito sa kanya dahil nagmukha na siyang pathetic sa harap nito just to find a fake boyfriend. Inaasahan niyang magprisinta itong maging boyfriend niya for the sake of bailing her out of trouble tulad ng madalas nitong ginagawa bago siya umalis noon tungong Colorado. But she was wrong. Kaya ngayon ay wala siya sa mood.

"Okay. I give you the rest of the evening para mag-review pa. Huwag kayong kakabahan, for pity's sake. It's just a dummy. Paano na lang kung totoong biktima na ang tinutulungan ninyo?" si Miss Marga ulit.

Silence filled the room. This particular trainer really look like a tigress now. Mukhang tulad niya ay wala rin ito sa mood. Minabuti na lang niyang bumalik sa kanyang silya. Walang salitang lumabas si Miss Marga at tumuloy sa staff lounge. Sila naman ay nakahinga ng maluwag.

"Pwede na bang umuwi?" tanong niya kay Althea na noon ay lumapit sa kinauupuan niya.

"Pwede na siguro. May lakad ka?"

"Dadalawin ko lang si Zach sa bar. Mukhang matagal na akong walang balita sa kanya at baka kailangan nila ng extra staff ngayon. Alam mo na," sagot niya at sumabay na rito tungo sa dressing room upang magpalit ng malinis na damit.

"Himala. Nagkainteres ka sa negosyo mo. Akala ko ba, silent partner ka lang ng Zachary Thor na iyon?"

"Well, that bar is all I have. Baka nandoon talaga ang calling ko at isa pa ay naaawa na rin ako kay Zach. Masyado na siyang stressed out. It's time I keep my end of the bargain," sagot niya. "Gusto mong sumama so you can meet my business partner?" alok niya rito.

"Sige, why not? Sounds like fun. Nakaka-stress din kasi ang practical test kanina. Nakakawindang."

"Sinabi mo pa. Sana makatulong ang ilang drinks para marelax tayo."

"Ay, gusto ko 'yan. At malay mo, nandoon lang pala ang fake boyfriend mo—wait," sandali itong nag-isip ng malalim habang matamang nakatitig sa kanya.

"W-what?" naguguluhan niyang tanong.

"Why don't you ask Zach instead?" suhestiyon ni Althea. Tila may isang bombilya ang agad na umilaw sa kanyang utak.

My Perfect Fake Boyfriend [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon