Episode Seven

5.7K 100 18
                                    


"CAREFUL," maagap na sambit ni Cray kay Danica kinabukasan habang sinusundan nila ang trail tungo sa waterfalls na isa sa mga attraction ng resort. Pababa kasi ang trail at muntik nang bumigay ang batong inapakan niya. Maputik ang daan dahil madalas na umuulan sa lugar na iyon.

Natural ang landscape ng lugar kaya naman maituturing nang isang adventure ang pagpunta sa waterfalls. Ayon kay Cray, mga isa at kalahating kilometro daw ang layo niyon mula sa resort. Madalas itong pumaroon dahil nature lover daw ito kaya alam na nito ang daan at hindi na nila kailangan pang kumuha ng guide.

Mula nang umalis sila sa cottage hanggang ngayong nasa kalagitnaan sila ng gubat ay hawak nito ang isang kamay niya. Nasa kabilang kamay naman nito ang violin case nito. Mas gusto daw kasi nitong tumugtog ng violin sa waterfalls. Mas peaceful daw ang pakiramdam. She had never heard him play the violin before kaya maging siya ay na-excite na ring pakinggan ito.

"Parang tumangkad yata ako ng ilang inches. Halos lahat ng putik ay dumikit na yata sa boots ko," komento niya at mahigpit na kumapit rito. Tumatawid kasi sila sa tulay na yari lamang sa pinagdikit na mga kawayan.

"Konti na lang, nandoon na tayo. I assure you, makakalimutan mo lahat ng hirap at pagod mo kapag nakita mo na ang waterfalls," sambit nito.

"Talaga lang ha? Naiinitan na kasi ang paa ko sa boots na ito. Gusto ko na ngang hubarin eh," reklamo niya.

"Iyan ang huwag na huwag mong gagawin. Nakikita mo ba ang mga iyon?" tanong nito sabay turo sa paanan niya. Malalaking langgam ang nandoon.

"Hantik ang local term ng mga iyan. A family of giant ants na kapag kumagat sa'yo ay tila mamamatay ka na sa sakit," paliwanag nito.

Dahil sa narinig ay mabilis siyang lumundag palayo sa mga langgam.

"Walanghiya ka. Bakit ngayon mo lang sinabi? Naku, baka may gumagapang na sa pantalon ko at kagatin ako bigla," aniya at mabilis na sinuri ang kanyang damit. Ngunit natigilan siya nang ginagap nito ang isang kamay niya. Nag-angat siya ng tingin at tumuwid ng tayo.

"O bakit?"

Sa halip na sumagot ay pinisil nito ang kanyang pisngi. Diretso sa mga mata niya ang titig nito.

"Thanks for coming here with me, Danica," bulong nito.

"W-wala iyon, Cray. Diba, kasali naman ito sa usapan natin?" aniya at mabilis na nag-iwas ng tingin.

Naaasiwa kasi siyang makipagtitigan dito. Ngunit maagap nitong hinawakan ang baba niya at muli siyang pinaharap dito.

"Wala lang talaga kahit na maputik dito at madaming insekto?" nakangiting tanong nito. Gumanti rin siya ng matamis na ngiti.

"Hindi mo naman ako pababayaan diba? Sabi ko nga, I'm two hundred percent safe with you," nakangiting sagot niya. Hindi na ito muling nagsalita. Sa halip ay kinabig siya nito sa dibdib nito at kinantalan ng masuyong halik sa kanyang noo.

"Gusto mo pasanin na kita para hindi ka na nahihirapan sa paglalakad at safe ka pa sa mga langgam?" tanong nito.

Nag-angat siya ng tingin at tumingala rito. "H-ha? E-eh, nakakahiya naman sa'yo. Mabigat ako eh."

"Kaya naman kitang buhatin eh. Baka nakakalimutan mong si Superman ang kaharap mo ngayon?" pagbibiro nito.

His eyes were gleaming with excitement and happiness. Noon lang niya ito nakita na ganoon kasaya. And for a moment, she wanted to deceive herself that what they have is a real relationship and not just a fake one.

My Perfect Fake Boyfriend [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon