Chapter VIII: The Friend and the Foe

167 10 0
                                    

Kagagaling ko lamang sa silid-aklatan ng Lycanthra High at masasabi kong mas'yado akong nawili sa pagbabasa. Pagkatapos ng klase, nagpaalam ako kay Eury upang dumiretso na kaagad roon. Sineseryoso ko na talaga ang pag-aaral tungkol sa aming lahi—ang mga lobo. Kung magiging pinuno nila ako, marapat lamang na pag-aralan ko ang aking pamumunuan. Mabuti na lamang at maaaring hiramin ang ilang aklat. Makapagbabasa pa ako sa dormitoryo pagkauwi ko.

Binuklat ko ang isang librong aking tangan. "Mukhang interesante ang isang ito—" Napatigil ako nang may maramdamang bumunggo sa aking balikat. Hindi ko inaasahan iyon kaya nahulog ang aking mga hawak na libro. Nanlaki ang aking mga mata nang magkalat ang mga 'yon. Nagmamadali akong yumuko upang pulutin ang aking mga nahulog.

"I am sorry, Miss."

"A-Ayos lang. Kasalanan ko. Pasens'ya na kasi hindi ako tumitingin sa aking dinaraanan," wika ko nang hindi sinusulyapan ang lalaking aking nakabanggaan.

Hindi talaga dapat ako nagbabasa habang naglalakad dahil nawawalan ako ng pakialam sa aking paligid. Nakakahiya ...

Napatigil ako nang ang huling librong aking pupulutin ay hinawakan ng isang kamay na hindi pamilyar sa akin. Napaangat ako ng tingin sa nagmamay-ari niyon. Napaawang ang aking mga labi nang magtama ang aming mga mata.

"Here," aniya at nakangiting inilahad ang aking libro.

"T-Thank you." Nahihiya kong inabot iyon at tipid na ngumiti. "Pasensiya na sa abala."

Marahan siyang umiling. "No. Hindi ka naman nakaabala." Inilahad niya sa aking harapan ang kaniyang kamay. "Marco Torralba ... and you are?"

Napatingin ako sa kamay niyang nasa ere at ibinalik ang aking tingin sa kaniya. "Carmen Sa—" Natigilan ako saglit bago tinanggap ang nakalahad niyang kamay, "I'm Carmen Cruz," nakangiti kong pakilala.

"Nice name," nakangiti niyang sambit. "Ikaw iyong bagong transferee, 'di ba?"

"O-Oo," tipid kong tugon. "Paano mo nalaman?"

Was everyone aware of my existence here in this school? Lahat ba ng mga nagiging bagong mag-aaral dito ay kilala ng lahat?

"How?" He chuckled. "Sino bang hindi makakikilala sa bagong transferee na kumalaban sa isang Aragon? Mainit na balitang paniguradong kakalat sa buong paaralan."

Kumunot ang aking noo. "What? Then, why are you here and talking to me? Pinahahamak mo lamang ang iyong sarili."

Simula nang nakipagsagutan ako kay Alexis, naging mailap na ang lahat sa akin. Daig ko pa ang may nakahahawang sakit kung ituring nila pagkatapos ng insidenteng iyon. Hindi na nakagugulat na walang gustong makipagkaibigan sa akin. Sanay na ako. Hindi na ako umaasa pa.

"Hindi ako katulad nila," aniya habang matamang nakatingin sa akin.

Natigilan ako dahil sa kaniyang sinabi. Malungkot akong napangiti. "Sana lahat sila katulad mo pero hindi natin maipagkakailang magkakaiba ang bawat indibid'wal."

He chuckled. "Alam kong nilalayuan ka ng mga mag-aaral dito dahil doon. Huwag kang mag-alala, Carmen. Mamamatay din ang isyu na iyon," nakangiti niyang saad.

Napabuntong-hininga ako. "I hope so."

"Sigurado iyon," aniya at humakbang palapit sa akin, "basta iiwasan mo ang isang tulad niya," bulong niya sa aking tainga.

Bigla akong natigilan dahil doon. Bakit ba kailangan ko pang iwasan ang isang tao upang hindi ako layuan ng iba? Eury said it too that I needed to stay away from him for my own good but I was tired. Pagod na akong umiwas. Pagod na akong patunayan ang sarili ko sa lahat. Oras na siguro upang hayaan ko na lamang sila sa gusto nilang isipin tungkol sa akin. Panahon na upang hindi ko ipilit ang aking sarili sa kanila. Gusto ko nang maging ako—iyong hindi na kailangang i-please ang kahit na sino. I would be myself without thinking of others' judgments.

Lycanthra High: The ArcanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon