Chapter VII: The Government

165 10 0
                                    

Nang ipinasok ako sa loob ng sasakyan ng mga lalaking sumugod sa akin kanina, kumunot ang aking noo nang makita ang taong prenteng nakaupo sa loob nito—inaabangan ang aking pagdating.

How dare him!

Gusto ko na siyang sigawan dahil sa kaniyang ipinag-utos sa mga lalaking ito ngunit hindi ko magawa. Paano ko mabubulyawan ang lalaking nasa aking harapan kung nakatakip ang bibig ko?

"Leave," utos niya sa mga lalaking dumakip sa akin nang maidala na ako sa kaniyang harapan. Mabilis silang tumalima at iniwan kaming dalawa sa loob ng sasakyan.

Matalim ko siyang tiningnan. Nagkasalubong ang aking mga kilay nang umangat ang sulok ng kaniyang mga labi.

"Mahina," aniya. "Hindi ka pala tulad ng inaasahan ko."

Was he insulting me?

Wala akong karanasan sa pakikipaglaban. Tinuruan ako noon ni Papa ng self-defense pero hanggang doon na lamang iyon. Ayaw kong gamitin ang aking kakayahan upang makapanakit at dahil doon kaya hindi ako bihasa sa pakikipaglaban. Nabigla nga ako dahil tila hasa sa pisikal na pakikipagsagupaan ang aking mga nakaharap kanina. Ano bang itinuturo rito sa Lycanthra High?

Sinubukan ko siyang tadyakan ngunit bago pa man tumama sa kaniya ang aking sipa, nahawakan niya kaagad ang aking binti.

Malas!

Ngunit hindi ako makapapayag na hahayaan ko lamang siya sa kaniyang kapangahasan. Kailangan kong makatakas. Muli ko siyang sinipa ngunit gamit ang kabila kong paa. Sa pangalawang pagkakataon, nasalag niya ang aking ginawang pagtira.

Itinulak niya ako sa aking kinauupuan na naging dahilan ng pagkahihiga ko roon. Tila naestat'wa ako sa aking puwesto nang maramdaman ko ang kaniyang hininga sa aking leeg.

"Subukan mo pa muling gumalaw at sisiguraduhin kong hindi ka na muling makakikilos pa," bulong niya sa aking tainga.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi niya ako magagawang manipulahin sa pamamagitan ng pagbabanta lamang.

Tinadyakan ko siya. Hindi niya inaasahan iyon mula sa akin. Napaatras siya nang dahil doon.

"Tch!" naiinis niyang utas. "Ang tigas ng ulo."

I rolled my eyes at him. Wala akong pakialam. Wala siya sa lugar upang utusan ako.

"Quel, paandarin mo na ang sasakyan," naiirita niyang utos sa harapan at pabagsak na naupo sa aking tabi.

"Masusunod po, Master Alexis," tugon ng isang matandang lalaki sa harapan nitong sasakyan.

Napabaling ako kay Alexis. Wala ba siyang balak na pakawalan ako? Sumasakit na ang aking mga kamay.

What a heartless beast!

I sighed with those thoughts. Umayos ako nang upo at sumulyap sa labas ng bintana. Nanlaki ang aking mga mata nang malaman na hindi sa tarangkahan ng Lycanthra High kami lalabas. May tinahak na isang daan pababa ang sasakyan—tila isang tunnel sa ilalim ng lupa.

Ano ba ang naghihintay sa amin sa dulo nito?

Nilingon ko ang aking katabi. Tahimik lamang itong nakamasid sa labas.

What was he thinking? Bakit ba niya ako ipinadakip?

"Stop staring at me," masungit niyang turan nang hindi lumilingon sa akin.

Kumunot ang noo ko at mabilis na iniwas ang aking tingin mula sa kaniya.

I was not staring ... . I-I was j-just ... never mind! May mga mata ba siyang hindi ko nakikita? Kung inaalis niya kaya itong nakalagay sa bibig ko para mabawasan ang inis ko sa kaniya.

Lycanthra High: The ArcanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon