Chapter XII: The Full Moon

100 5 0
                                    

Malamig ang simoy ng hangin. Tinatangay ang aking kurtina dahil sa nakabukas na bintana ng silid. Nakapangalumbaba ako habang nakasulyap sa labas at dinarama ang katahimikan ng gabi.

We're back in Lycanthra High. Dalawang linggo na ang nakararaan simula nang manggaling kami sa lugar na kung saan, dinadala ang mga sundalong lobong sugatan. Nailigtas namin ang mga nalasong lobo ngunit hindi namin ipinaalam na kami ang kumuha ng lunas. Isang palaisipan para sa kanila kung paano nagkaroon ng halamang gamot para sa lason. Mabuti nang wala silang alam upang hindi sila mag-alala pa. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa akin ang aming karanasan sa lugar na iyon.

Kailan kaya ako muling mapapadpad doon? Kailan ko muling masisilayan ang mga taong lobong nakilala namin sa lugar na iyon? Hindi ko sila kailanman malilimutan.

Mula sa ikalawang palapag ng Girls' Dormitory, nakarinig ako ng kaluskos mula sa labas na nagpakunot sa aking noo.

Ano ba ang ingay na iyon?

Gabi na. Wala nang dapat na gumagala sa labas sa mga ganitong oras.

"Atras!"

Natigilan ako dahil sa pamilyar na boses na aking narinig. Naguguluhan man, humakbang ako palayo sa aking bintana.

What's with—

Namilog ang aking mga mata nang may pumasok sa bintana ko. Nagtama ang aming mga panangin. I missed those pair of eyes. Nagmamadali akong humakbang palapit sa kaniya.

"What are you doing here?" bulong ko. "Boys are not allowed here, Alexis."

"I know," kas'wal niyang tugon na parang wala lang ang aking mga sinabi.

"Alam mo naman pala. Then, why are you here?" Napalingon ako sa aking likuran at sinulyapan ang natutulog kong kaibigan. Ibinalik ko ang aking pansin sa lalaking nasa harapan ko. "Mahuhuli ka ni Eury rito kung hindi ka pa aalis ngayon," sambit ko at marahan siyang itinulak.

Hindi siya natinag sa pagtulak ko. Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga at hinuli ang aking kamay. "Huwag kang mag-alala, hindi ako magtatagal," aniya at mataman akong tiningnan.

Hindi ko makayanang tugunin ang kaniyang tingin nang matagal. Iniwas ko ang aking mga mata at binawi ang kamay ko mula sa kaniya. "Ano bang pakay mo sa pagpunta rito?" nakahalukipkip kong tanong.

"You."

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Hindi makapaniwala sa aking narinig.

A-Ako?

Humakbang siya palapit sa akin at hindi ko alam kung bakit hinayaan kong makalapit siya sa akin nang basta lang.

What's happening to me?

"I'll just give these to you."

Napadako ang aking mga mata sa inilahad niya sa aking harapan. Umawang ang aking mga labi nang sulyapan ko ang kaniyang hawak: isang bulaklak na hindi sa akin pamilyar. Maliliit ito ngunit tila mga diyamente sa pagtama ng liwanag mula sa buwan.

Parang may sariling pag-iisip ang aking mga kamay at inabot iyon. Napatingin ako sa mga bulaklak na nasa aking mga kamay.

"Para saan ang mga 'to?" nakakunot-noo kong tanong nang ibinalik ko ang aking tingin sa kaniya.

"Isn't it obvious? A present, of course," he said sarcastically as if I asked a nonsense question.

P-Present?

Inilagay niya ang mga kamay sa loob ng kaniyang bulsa at tinalikuran ako. Akala ko'y tuluyan na niyang lilisanin ang silid ngunit tumigil siya sa paghakbang.

Lycanthra High: The ArcanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon