Chapter II: The Alone

354 20 3
                                    

Wala ako sa aking sarili habang naglalakad patungo sa aming bahay—nakatulala sa kawalan. Tinakasan ko ang nangyari kanina sa Alfonso High. Hindi dahil ayaw kong harapin ang sermon at parusa ng paaralan kundi pagod na ako. I was tired of everything. I was tired of being myself.

Napapagod na ako sa lahat ng nangyayari sa akin dahil sa kung ano ako. Kahit na gustuhin ko mang humingi ng tawad sa aking nagawa, wala ring mangyayari. Mas mabuti nang kamuhian na nila ako tulad ng gusto nila dahil aalis din naman kami. Lilisanin ko rin ang paaralang iyon pati na rin ang bayang ito sa lalong madaling panahon. We couldn't stay here for a long time. May mga humahabol sa amin kaya hindi ligtas na mamalagi kami nang matagal sa isang lugar. I shouldn't invest too much feelings to anyone I met. Nanaisin ko lamang manatili sa iisang lugar at hindi iyon maaari. Hindi ko maaaring itaya ang kaligtasan ng pamilya ko para sa aking sariling kaligayahan.

Iwinaksi ko ang aking mga alalahanin. Hindi dapat makita ng mga magulang ko ang lungkot sa aking mga mata. Sa katunayan niyan, nagpalipas pa ako ng ilang oras sa parke malapit sa burol para hindi nila malaman ang nangyari kanina dahil ayaw kong mag-alala sila. Ayaw kong isipin nilang nahihirapan ako sa aming sitwas'yon.

Sa aking pagtapat sa aming gate, natigilan ako nang mahawakan ko iyon. Kumunot ang aking noo nang namalayan kong hindi iyon nakakandado. Mabilis ko iyong binuksan. Natigilan ako dahil sa bumungad sa akin sa pagpasok ko sa aming bakuran.

May mga basag na dekoras'yong panlabas, magulo ang mga upuang nakapuwesto sa aming munting teresa at ang pinakamalala sa lahat na nagpaawang sa aking mga labi—may bahid ng dugo sa kahit saan man ... .

Umahon ang kaba sa aking dibdib at nagmamadaling pumanhik sa aming bahay. "'P-Pa! 'Ma!"

Madilim sa loob. Wala akong maaninag. Nagmamadali kong kinapa ang switch ng ilaw upang magkaroon ng liwanag sa kabahayan ngunit naging dahilan din iyon upang mapahagulgol ako sa aking nasilayan.

"'Pa! 'Ma!" Tumakbo ako palapit sa dalawang katawang nakahandusay sa sahig habang nababalot ng mga sariwang dugo.

Nilapitan ko ang aking ina. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi. "'M-Ma, h-huwag kang magbiro nang ganiyan. 'Ma, gising po. Nandito na ako. Umalis na po tayo rito," lumuluha kong sabi habang patuloy na inaalog ang malamig na katawang nasa aking kandungan.

Nahagip ng aking mga mata ang katawan ng ama ko. Kahit na nanlalabo ang aking paningin, pinilit kong abutin ang matigas nitong braso. Nanginginig ang kamay kong hinaplos iyon. "'P-Pa ..." mahina kong bulong.

Niyakap ko ang aking mga magulang at wala akong pakialam kung mamantsahan man ang aking damit ng kanilang mga dugo. Ang nais ko lamang sa mga sandaling ito'y maramdaman sila.

"'Ma! 'Pa! Gumising naman na po kayo." Marahan akong umiling sa gitna ng mga hikbi. "Huwag ninyo po akong iwan. Hindi ko po kaya."

Please, tell me that I was just dreaming.

Wala akong gusto sa mga sandaling ito kundi ang magising upang matakasan ang bangungot na 'to.

"Mahal na mahal ko po kayo," tanging bulong ko.

Sabi nila, lagi kaming magkakasama pero bakit nangyari ang ganito? Sino bang walang pusong magtatangkang kitilin ang kanilang mga buhay?

I felt so helpless. Ang makitang wala nang buhay ang mga tanging lakas ko, ang nagpahihina sa aking kalooban. I couldn't imagine to live in this world without them. Ano bang dapat kong gawin?

Bigla akong natigilan dahil sa mga yabag na aking narinig mula sa labas. Alam kong malayo pa sila ngunit sigurado akong dito sila patutungo.

Who were they?

Lycanthra High: The ArcanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon