Chapter V: The First Day

242 8 0
                                    

Isang mala-paraisong tanawin ang bumungad sa aming mga mata. Sari-saring mga kulay na tila nahulog mula sa bahaghari ang sumasakop sa buong hardin. May iba't ibang munting nilalang ng kalikasan na nakikipaglaro sa mga nakabibighaning bulaklak. Sinasaliwan naman nang lagaslas ng tubig na galing sa maliit na talon ang payapang ihip ng hangin.

Nakarating kami sa Mist Garden nang walang aberya. Walang nakakita sa amin at mukhang umaayon ang pagkakataon dahil walang kahit na isang anino kaming naratnan. Malaya kaming makagagala at makapipitas nang hindi inaalala kung may mga mata bang nakatutok sa amin.

Mahilig ako sa mga bulaklak kaya ganoon na lamang ang paghanga ko sa lugar na aming kinaroroonan. Hindi lamang ako nagkaroon ng pagkakataon noon na mag-alaga ng mga namumulaklak na halaman dahil palipat-lipat kami ng lugar ngunit kapag may munting hardin ang paaralang aking pinapasukan, lagi akong naroon—tahimik na nakasulyap sa mga magagandang bulaklak.

Napakaganda ng Mist Garden. Lahat yata ng specie ng bulaklak ay naririto. Hindi ko alam kung saan ako titingin—lahat ay nagtataglay ng natatanging kariktan.

Lumapit ako sa isang Rosas na aking natanaw. Yumuko ako upang samyuhin ito.

"Ang bango ... " nakapikit kong sambit habang dinarama ang nakakaadik nitong aroma.

"Do you love flowers, Princess Carmen?"

Tumuwid ako ng tayo at binalingan ang nagsalita sa aking tabi. "I guess so. Naiinggit ako sa kanila," nakangiti kong tugon at sumulyap sa mga bulaklak.

Alam kong mataman siyang nakatingin sa akin. Sa aking palagay, may nasabi akong nagpatahimik sa kaniya.

I sighed. "Naiinggit ako dahil maraming humahanga sa kanila. Kahit wala pa silang gawin, napapansin sila kaagad. Gusto ko maging katulad nila, iyong magbibigay ng ngiti at hindi ng inis sa mga nakakakita," nakangiti kong saad.

"I think you're one of them, Princess Carmen," aniya.

Marahan akong umiling at binalewala ang kaniyang sinabi. "I'm not because I'm an eyesore for everyone."

"Princess Carmen, huwag mong sabihin iyan. Hindi 'yan totoo."

"Walang sino man ang gusto ako. Kahit saan, ganoon ang trato sa katulad ko. I am a freak and weird. Sanay na ako." Malungkot akong napangiti dahil sa aking sinabi.

I remembered how the people treated me. For them, I shouldn't exist. I felt so different. I was always out of place. Kulang na lang, palayasin nila ako sa kanilang harapan upang hindi na muling makita pa.

Naramdaman kong may dumantay na ulo sa aking balikat. "You're right because you're special. You're more special than those flowers, Princess Carmen."

Natigilan ako dahil sa kaniyang sinabi. Bahagya akong lumayo. Inabala ko ang sarili sa pagsulyap sa ibang bulaklak. "What are you saying, Eury? Hindi naman ako prinsesa para bolahin mo nang ganiyan," natatawa kong turan.

I knew that she only said that for me to feel better ...

"I'm just stating the truth, Princess Carmen. And one more thing, you're really a princess. You're the grandchild of King Arturo and daughter of Prince Danilo, remember?" seryoso niyang saad.

Napabaling ako sa kaniya. "Are they really royal bloods? Kasi alam mo, hindi naman ganoon ang pagkakakilala ko kay Papa. Hindi ko rin naman nakita si Lolo kaya—"

"What are you talking about, Princess Carmen? Can you please accept it? You're the Princess of Lycanthra," wika niya.

Napabuntong-hininga ako. "Hindi iyon ganoon kadali. Namulat ako sa ordinaryong pamumuhay. Nangangapa ako sa totoo kong pagkatao. Hindi ako handa para harapin ang lahat ng ito. Hindi ako sanay."

Lycanthra High: The ArcanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon