C h a p t e r - O n e

248 9 0
                                    

—PikaSuga sa multimedia. Ang bading ihh! kekeke. :D [photo credits to the owner]



C h a p t e r - O n e




"Rian ano ba! Kanina ka pa jan! tigilan mo na nga yan!" biglang nilayo ni Kat yung isang box ng pizza at bote ng soft drinks.



"Ano broken hearted lang magpapakababoy na? Pwede ipasok mo sa kukute mo na pag broken hearted ang isang babae ay nagpapaganda hindi nagpapakapangit! Aigoo!" ginulo niya yung buhok niya



"*buurrrppp* Eh sa gutom ako eh! At alam mo namang pagkain ang kasangga ko pag depress ako! Kat naman ehhh!" aagawin ko sana ulit yung pizza kaso nilayo niya sa akin



"Ram!!! Lika nga dito!" tawag niya sa kapatid ko



Lumapit naman yung kapatid kong 4 years old.



"Bakit po ate Katkat?" inosenteng tanong nito.



Inabot niya yung box sa kapatid ko "Dalhin mo ito sa taas meryenda niyo ni Rana." Sabi nito. Kinuha naman niya yung pizza at patakbong nagtungo sa taas.



Si Rana ay kakambal niya. kambal ang kapatid ko. girl and boy. Ang cute no? pag ako nagkaanak kambal din! Boy and girl din. Hihi



"Oh? Nababaliw ka na ngayon? Ewan ko na sayo Riri ha!" iiling iling na sabi niya habang nililigpit yung mga kalat ko.



Si Kat ay bestfriend ko. Childhood bestfriend. Simula nun anjan na siya lagi sa tabi ko. never niya akong iniwanan. Dapat nga nasa states na ito eh. Kaya lang mas pinili niyang mamalagi dito dahil sa ayaw niya akong iwan. Dahil sabi niya mamawalan na daw ako ng kakampi at taga pagtanggol. Knowing na super hina ko.



"Kat... Salamat ha? You're the best talaga!" sabi ko sa kanya sabay yakap.



She patted my back and then tears began to fall again. "Umiiyak ka na naman! Kelan ka ba mauubusan ng luha ha?" marahas kong pinunasan yung luha ko at pilit ngumingiti pero diko kaya. Mahirap.



Nasaktan ako. at patuloy na nasasaktan. Taka kayo bat ako ganito? Mahabang kwento but I'll cut it short.



Once upon a time I fell inlove with a man. Isang playboy. Gwapo. Hot. Habulin. Perfect guy. And then he broke me. He broke my little heart. My poor little heart. Matapos niya akong saktan at wasakin ang puso ko after niyang sabihin ang mga katagang "Break na tayo. Hindi na kita mahal." Ay bigla ko na lang malalamang niloloko na niya pala ako noon pa.



Masakit! Masakit malaman na tinotwo time niya ako! okay lang sana kong sa iba eh kaso-



"Tulala ka na naman jan?" winagayway ni Kat yung kamay niya sa harap ng mukha ko. nilayo ko yun at tsaka tumayo.



"Shower lang ako." paalam ko.



"So nakapag isip ka na?" sabi nito sa akin.



Tumango ako sa kanya bilang sagot. Ang babae pag nasaktan gumaganda. Ito ang dapat kong gawin kesa magmukmok. Aayusin ko ang nasirang buhay ko. Aayusin ko ang sarili ko. ipapakita ko sa kanya kung ano ang sinayang niya.



Gago ka Yoongi! Pagsisisihan mo ang ginawa mo!



-

Playing Games With My Ex [BTS-Suga FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon