C h a p t e r - S i x

126 6 2
                                    

C h a p t e r – S i x


"Tulala ka atey?" napatingin ako kay Ejay na nakataas ang dalawang kilay.


"Hindi ako tulala nag iisip lang." palusot ko.


"Asus! Benta sa'min yan. Anong iniisip mo? Kung paano makaganti jay EX?" sinamaan ko ng tingin si Ejay.


"Wag mo ng pag aksayahan ng panahon yang lalaking yan Rian. Masyado na siyang abala sa buhay mo." ani Betty.


Nagbuntong hininga ako. hindi ako makapag isip ng tamang gawin. Maingay dito. kelangan kong mag concentrate dapat lahat aayon sa akin. Kelangang tagumpay ako sa sabado. Biyernes na bukas. May isang araw pa ako para magplano.


"Haay naku! Kelangan na ata natin siya idala sa mental!" pinukpok ko ng libro sa ulo si bakla! Sarap ipakain sa mga pating eh! kung ano ano ang pinagsasabi!


**


"Oh nakabusangot ka na naman? Magplano na lang kaya tayo ng gagawin sa Sabado?" pambungad ni Kat sabay upo sa tabi ko.


Humarap ako sa kanya "Anong pwedeng gawin sa sabado? Yung pagkain, bahala na si yaya dun. Games? Concept? Ano pwede?" di ako makapagdecide! Tae!


'Pool party!" aniya.


"Na naman? Last year ganyan na naman yung theme ng party ko. Pwede maiba din?" reklamo ko. humalukipkip siya tsaka umastang nag iisip.


Pinagmasdan ko lang siya habang nag iisip. Ng mapansin niyang nakatitig ako sa kanya ay nailang siya. "Oh ano na?" tanong ko.


"Simple na lang. yung kakain tapos uuwi na lang." binatukan ko siya.


"Super boring. Geh pool party na lang." ani ko.


Pumalakpak siya at tuwang tuwa. Nagtungo siyang kusina para hanapin si yaya at sabihin sa kanya yung mga lulutuin.


"Sigurado ka bang okay lang sa'yo na pumunta si Yoongi dito?" tanong nito ng makabalik siya.


"Oo naman. Kahit naman kasi papaano naging parte siya ng buhay ko. Ayokong maging bitter." Puro kasinungalingan na sabi ko.


Syempre super bitter ako sa kanya! naiinis ako to the point na gusto ko siyang sunugin ng buhay! Pero sayang din, pag namatay si Yoongi, mababawasan ng gwapo sa mundo.


"itigil mo na yang binabalak mo Rian. Alam mong masama ang maghiganti"


"Hindi ko binabalak na maghiganti, Kat. Ang binabalak ko lang makipag ayos, makipagbati, but not to that extent. I know where's my place. Hindi ko siya aagawin sa taong mahal niya." hindi na siya muling nagsalita.


Sana umayon talaga sa akin ang lahat sa Sabado. It's my birthday sana naman pagbigyan ako sa nag iisang kahilingan ko. I know masama ang revenge, pero I can't help it. I want them to suffer, to feel the pain, para naman hindi ko lang sinasarili.


--

Sorry lame guys! Nawalan ako ng focus sa story. Pasensya naa! -__-

Playing Games With My Ex [BTS-Suga FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon