C h a p t e r - T w o
"Ram! Rana! Please wag niyo namang bigyan ng wrinkles si ate okey? Behave lang. hawak lang kayo sa kamay ni ate para di kayo mawala 'key?" sabi ko sa kanila.
Andito kasi kaming tatlo sa mall. It's Sunday today. Kagagaling lang naming magsimba then diretso dito. kakain daw sila then shopping. Sina Mommy and Daddy pala ay parehong nasa Canada. Nurse si Mommy at Doctor si daddy. Matagal na nila kaming gustong kunin kaya lang ayoko. Syempre tatapusin ko muna pag aaral ko. incoming fourth year college na ako. At yung dalawang kapatid ko ay ayaw kong ibigay kina Mom and Dad. Syempre para naman may kasama ako sa bahay at hindi masyadong ma home sick.
"Ate ate! Jollibee!" Rana
"No Mcdo!" Ram
"KFC!" singit ko naman
"NOOO! I want chicken joy!" Rana
"I want mcdo fries!" Rama
Jusko! Ganito ba talaga kahirap magkaroon ng anak? Yung tipong magkaiba sila ng gusto? At halos hindi magkasundo?
"Osige gusto niyo sa food court na lang tayo?" tanong ko.
"NOOO/NO!" they said in chorus
"Yun naman pala. Saan niyo gusto? Yung iisa lang ha?" sabi ko.
Nagkatinginan ang kambal tapos ngumiti.
"KFC!" yun naman pala eh! Kanina sinuggest ko. ayaw! Mga bata talaga!.
So ayun dun kami sa kfc. Inorder ko yung bundle. Jusko! Makakain ba naming tatlo to? Sabi kong mag da'diet ako eh!
'Ate bat dimo ginagalaw pagkain mo? Ang payat mo na e!" sabi ni Ram.
Pinunasan ko yung gravy sa gilid ng nguso nito.
"Ang pangit pangit mo pag payat ka! Dapat kumain ka! Wala na kaming malambot na unan na tumutunog pag dika kumain!" natawa ako sa sinabi ni Rana.
Ginagawa kasi nilang unan minsan ang tiyan ko. tapos pinapakinggan yung pagkulo nito minsan. "Sige na kakain na si Ate!" masayang sabi ko tsaka kumain.
After naming kumain ay nagdiretso na kaming department store. Ipagsho'shopping ko sila ng damit at toys daw.
"eto oh Rana! Diba ang cute?" tanong ko kay Rana sabay wagayway nung bathing suit sa kanya na kulay lavender.
BINABASA MO ANG
Playing Games With My Ex [BTS-Suga FF]
Fanfiction[BTS-Suga FF] He sees me as his toy. He wants to play games. Instead of being his toy, I will be his opponent. And in this game, I'm going to win. And he's going to lose. Everything! Except my heart. Because in the game of love he win and I lost...