C h a p t e r - F o u r

132 9 12
                                    

C h a p t e r – F o u r                              

Tulala ako habang nakaupo ako sa harap ng sasakyan. Pagkatapos naming mag usap ni Yoongi kanina ay nawalan na ako ng gana. Inutos ko na lang si Yaya at Kat na sila na muna ang mag asikaso sa pagpapa enroll sa kambal at tatambay muna ako sa loob ng sasakyan. I wanted to cool down my emotion. Pero hanggang ngayon ganun pa rin tahimik.  Sana lang di makaramdam yung kambal.

"yaya bakit tahimik si ate?" narinig kong tanong ni Ram.

"Masama kasi pakiramdam ni ate Ri." Sagot ni Kat.

Pinigilan kong mga buntong hininga.

Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko. mabuti na lang at di ako kinulit ng kambal.

Narinig kong nagbuka yung pinto ng kwarto ko pero diko sinulyap kong sino yung pumasok. Nanatili akong nakadapa sa kama. At nag iisip.

"Nagkita na naman kayo no?" narinig kong nagbuntong hininga si Kat.

Hindi ako sumagot. Nanatili akong tahimik. Ayoko ng makakausap ngayon. Gusto ko muna ng tahimik. Ewan ko. pero feel ko lang.

"Diba sabi ko sa'yo iwasan mo na siya? Move on—-

 

 

"Iwasan? Paano ko siya iiwasan kong pilit naman kaming pinagtatagpo ng tadhana, Kat? Hindi ko ginustong makabangga siya at makipagsagutan sa kanya. Wala sa plano kong kausapin siya pero siya itong nakipag usap. Wala sa plano kong makita siya. Wala sa plano ko ang ilabas ang lahat ng nararamdaman ko pero diko kinaya. Sa tingin mo ba makakaya ko siyang kausapin sa lahat ng kagaguhang ginawa niya sa akin?" buong buo yung boses ko nung mga sinabi ko ang mga yun.

Hindi ako pumiyok. Napahawak ako sa mukha at nagulat ng wala man lang luhang lumandas. Hindi ako umiyak ngayon. Himala? Naubusan ng luha?

Hindi siya umimik. Tinignan lang niya ako sa mata at agad din siyang nag iwas ng tingin.

"I'm sorry. Hindi ko kasi kayang nakikita kang ganyan, Rian. Mag iisang buwan na simula nung mahiwalay kayo pero ganyan ka pa rin. Miserable ka pa rin. Na every time magkakaharap kayo, umiiyak ka." Nagbuntong hininga ulit siya.

"Hindi ko maiwasang hindi manghina sa harapan niya, Kat. I loved him. He was my everything. He used to be my hero. Mahirap siyang kalimutan. Kahit sobrang gago niya. At sa tuwing nakikita ko siya. Halo halong emotion yung nararamdaman ko. Galit. Pagkamuhi. Pagmamahal. Lungkot. Pangungulila. Anong gagawin ko kung ganun yung mga mararamdaman ko ng sabay sabay pag nakikita ko siya? I want to punch him, to hug him, to kiss him, to bury him alive. Pero hindi ko magawa dahil sa titig pa lang niya, nangangatog na ang tuhod ko. Nangingibabaw na yung galit at pagmamahal ko sa kanya." Sabi ko ng mahinahon.

Playing Games With My Ex [BTS-Suga FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon