Chapter 1: The Encounter

1.6K 33 18
                                    



Chapter 1





"Nakahanda na ba lahat ng dadalhin mo?" tanong nito pagpasok sa aking kuwarto.




"Nandito na po lahat, Mommy," sagot ko habang inaayos sa maleta ang mga damit na dadalhin ko.




"Mabuti naman kung ganoon. Sandali lang at may kukunin ako." Tumayo siya at naglakad na palabas.




Summer na kaya roon muna ako kila Mamila sa probinsya. Masyado akong naging abala sa college at hindi man lang ako nakaranas ng totoong bakasyon. Kaya naman ngayong tapos na ako ay sasamantalahin ko ang makapagbakasyon. Pagbalik ni Mommy ay may dala na itong puting crocheted cardigan.




"Ginawa ko ito noong nakaraan dala ng pagka-bored. Dalhin mo dahil baka magamit mo." Inabot nito iyon sa akin.




"Aw, thank you, Mommy." Niyakap ko siya nang mahigpit. "But... where did you learn this?"




"Sa Kuya KD mo. Ginawan niya kasi ng socks iyong anak nila noong nagbubuntis pa lang ang ate mo. Noong valentines naman, nag-crochet siya ng tulips. Kaya iyon, nagpaturo ako. Sana all, 'di ba, talented?"




"Ang ganda, Mommy. Gagamitin ko ito kapag nandoon na ako."




Tinulungan niya akong igayak ang iba pang dadalhin ko. Matapos iayos lahat ay naligo na ako. Si Kuya Travis ang maghahatid sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan tapos nagpaalam na kami kila Mommy.




"Hindi ba talaga ako pwedeng mag-drive, Kuya? I have my own car na naman and a driver license too," sabi ko dahil baka makalusot.




"Mas makakampanti si Mommy kung ihahatid kita. Baka rin daw kasi kung saan ka magpupunta kapag may dala kang sasakyan."




"Kayo talaga. College graduate na ako pero bini-baby n'yo pa rin ako."




"You will always be our-- my baby. Kahit magkaasawa't anak ka na, baby pa rin kita."




"Ayiee! Love mo talaga ako, Kuya." Niyakap ko siya.




"Pero huwag muna. Bata ka pa," istrikto nitong sabi habang nagmamaneho.




Malayo ang byahe kaya sinuot ko na ang neck pillow at nag-play ng "Nyebe" sa aking headphone upang makatulog. Masyado nga yatang napahimbing ang tulog ko dahil sa heavenly voice ni Stell, dahil nang magising ako ay wala na ang mataas na mga gusali sa paligid.




Bagong lugar. Bagong makikilala. Bagong simula.




Kumain lang ako habang kakuwentuhan si Kuya Travis tapos natulog ulit ako. Nang magising ako ay malawak na taniman na ng mga pinya ang natatanaw ko. Ibinaba ko ang bintana sa gilid upang makapasok ang malamig at sariwang hangin.




Inilabas ko ang lense ng camera ko sa bintana at kinunan ng video ang nadadaanan namin. Itiningala ko ang camera ko upang maipakita ang asul na himpapawid, bago ko iyon iniharap sa akin.




"Hi, guys! We're going now to our grandma's house." Nilingon ko ang kapatid ko na nagmamaneho. "Kuya, mag-hi ka sa vlog ko."




Ngumiti lang siya nang tipid at kumaway sa camera.




"Okay, guys, update ko na lang kayo later ah kapag nandoon na kami."




Ni-review ko ang video bago binalik iyon sa bag ko. Pagdating namin sa Sitio Pag-asa ay nagbigay lang ako ng maiksing update to inform my viewers na nandito na kami. But of course, I will only upload this when I got home in our house in Manila. I refrain from posting my location for security purposes. Gonna save these clips for memories. Iyon din naman ang dahilan kung bakit ako nagva-vlog.




Navigating the Sea Waves (Conzego Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon