Chapter 3
"Bakit ang init yata ng ulo mo?" tanong ni Tita Barbie na nadatnan kong naghihiwa ng rekado sa lamesa.
Nakasimangot kong inilapag ang yelo sa lababo upang hugasan iyon bago ilagay sa pitsel.
"Nakakainis kasi ang lalakeng iyon."
"Lalake? Sino?"
"Sino pa nga ba edi iyong apo ni Kapitan. Si Miro." Umikot ang mata ko.
"Si Miro? Mabait iyon, ano ka ba?" Tumawa siya.
"Iyong lalakeng iyon mabait? Parang hindi naman."
"Alam kong may pagkasuplado siya pero mabait iyon. Sa katunayan nga ay parang apo na rin ang turing ni Inay sa kaniya. Tumutulong kasi siya rito kapag wala siyang ginagawa." Naalala ko iyong minsang pinagsibak niya ng kahoy na panggatong si Mamila. "Ano bang ginawa niya sa 'yo kanina at para yatang kumukulo ang dugo mo sa kaniya?"
"Bumili ako ng yelo, Tita. Tapos ginupit ba naman iyong tangkay ng yelo. So paano ko pa hahawakan? No choice tuloy ako kundi hawakan iyong buong yelo. Sobrang lamig kaya. Okay lang sana kung ang lapit ng bahay natin sa kanila eh hindi naman. Tapos ang pinakangkinainit talaga ng ulo ko ay iyong tingin at ngiti niyang mapang-asar. Parang natutuwa siya kapag nahihirapan ako. Naturingang anak ng simbahan tapos ganoon pala ang ugali. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya na-crush-an dati. Maybe because I was too naive pa that time. Ugh! Kadiri talaga. Mabuti na lang mas mataas na standard ko ngayon."
"Tingin ko kailangan mo lang siyang makilala. Kailangan ninyo lang na mas makilala pa ang isa't isa. Trust me you will like him too."
"Well, I probably will not. Maybe I had a crush on him, but as the years passed and I matured, I realized that we're not compatible for each other. He was just one of those guys that I had a crush on during my teenage years. You know naive era of mine. Ugh! So embarrassing."
Tinulungan ko si Ate Barbie sa paghihiwa ng gulay para sa lulutuing pakbet para sa pananghalian. Nagluto rin kami ng piniritong isda na may sarsa. I can cook naman pero hindi ko sinasabing masarap ah. We have helpers naman kasi na gumagawa niyon. Idagdag mo pa si Mommy at Kuya Travis ko na mahilig magluto.
BINABASA MO ANG
Navigating the Sea Waves (Conzego Series 4)
RomansaHope, a psychology graduate from Conzego College of the South decided to spend a vacation in her grandma's province during the summer. On her stay there, she needed to deal with Miro, her sacristan crush she met in a church mass when she was only si...