Chapter 5
"May nakakatawa?" iritable kong tanong sa lalakeng katabi ko. Natatakot na nga ako pero nagagawa pa niyang tumawa. "Aren't you scared?"
"God is with me." Biglang naging seryoso ang mukha niya kaya pati ako ay ilang segundong natahimik.
"Paano kapag kinuha ka niya?"
"Edi kinuha." Tumawa siya.
"Hindi ka ba natatakot mamatay?"
"Hindi. Hindi naman Niya ako pababayaan. Kung buo ang pananalig mo, wala kang ibang katatakutan maliban sa Kaniya."
"Paano kung mamatay ka tapos mapunta ka sa... alam mo na? 'Di ba?"
Natawa siya sa sinabi ko.
"Pinaglilikuran at kinikilala ko Siya kaya hindi ako nag-aalala."
"Pero okay lang sana kung ikaw lang ang kukunin Niya kaso pati nga ako damay."
"At least dalawa tayo." Tumawa siya nang mahina.
"Ikaw na lang, 'no. Marami pa akong pangarap sa buhay. Ni hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend tapos mamamatay agad. Ni first kiss nga wala pa ako ta---" Natigilan ako bigla nang ma-realize ang mga pinagsasabi ko. Nang lingunin ko siya ay doon ko lang napansin na nakatitig pala siya sa akin. Mabilis naman akong napaiwas dahil sa sobrang hiya.
Bakit kasi ang daldal mo, Hope?
"So hindi ka pa pala nagkakanobyo?"
"Oo?" kunot noong tanong ko sa lalakeng nakatingin sa malayo.
Kumurba ang isang ngiti sa labi niya. Siguro natutuwa siya na single ako kasi iniisip niya na may pag-asa pa siya-- kaming dalawa. Ayiee! Kikiligin na ba ako, Lord?
"Kawawa ka naman."
"Tss." Napairap ako.
Nakalimutan ko na ang takot dahil sa usapan namin. Ni hindi na nga namin napansin na umikot na pala ulit ang ferris wheel. Nakahinga ako nang maluwag nang makatapak akong muli sa lupa.
"Akala ko mamamatay na ako."
Tumawa siya nang mahina at hinawi pataas ang buhok niya. Lumapit siya sa kapatid upang kumustahin ito. Sobrang daming tao, syempre mga naki-chismis. Lumayo kami sa crowd at humanap ng mauupuan. Sa isang maliit na kubo-kubo namin naisipang tumambay.
"Akala ko hindi na tayo makakababa," anang kapatid ni Miro na umiinom ng palamig.
"Buti na lang naayos pa rin kahit natagalan," pagsang-ayon naman ng kaibigan niya.
"Basta ako hindi na ako sasakay ulit sa ganoon." Hinding-hindi na talaga!
"Hindi mo ba ita-try iyon ibang rides?"
"Hindi na muna siguro. Medyo nahilo rin ako roon sa kanina eh."
"Alam ko na, kain na lang tayo!"
Balik sa dati ang paligid paglabas namin. Rinig na rinig ang sigawan ng mga taong nakasakay sa caterpillar. Mukhang masaya roon pero saka na. Nahihilo pa ako dahil sa ferris wheel na iyon.
BINABASA MO ANG
Navigating the Sea Waves (Conzego Series 4)
RomantikHope, a psychology graduate from Conzego College of the South decided to spend a vacation in her grandma's province during the summer. On her stay there, she needed to deal with Miro, her sacristan crush she met in a church mass when she was only si...