Chapter 2
Natulala ako dahil sa itinawag niya sa akin. Bumalik lamang ako sa reyalidad nang magtiliian ang mga bata at tuksuhin kami. Walang imik akong ibinaba ng binatang sumalo sa akin— iyon ay kung binata pa ba siya.
"Ayiee! Si Kuya Miro gusto si Ate Ganda."
"Kayo talagang mga bata kayo mga pa-issue." Lumingon ito sa akin kaya napaayos ako ng tayo. "At ikaw naman, bakit inaakyat mo iyon?"
"Kukuha ng mangga. Wala ka bang common sense?" Pinag-cross ko ang mga braso.
Akala niya siguro nakalimutan ko na iyong nangyari dati. Sorry siya pero mala-Einstein memorya nito.
"Kuya Miro, pwede mo po ba kaming ikuha ng mangga?"
"Nagpaalam ba kayo sa may-ari."
"Opo!"
"Mabuti."
Ginulo nito ang buhok ng batang lalake bago naglakad palapit sa puno upang akyatin iyon. Pinanuod ko lang siya mula sa baba kasama ng mga bata. Naakyat niya iyon nang walang kahirap-hirap. Baka unggoy siya sa past life niya.
Inihuhulog niya ang bawat manggang napipitas niya at sinasalo naman iyon ng mga bata. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil sa dami ng mangga. Bumaba rin si Miro pagkatapos. Napaiwas ako ng tingin, malakas ang kabog ng dibdib habang naglalakad siya palapit sa akin.
"Oh." Inabot nito sa akin ang tatlong kumpol ng mangga.
"Sala... mat." Bumuga ako ng hangin nang walang imik ako nitong nilampasan.
Kahit kailan talaga ang suplado ng isang iyon.
"Ate, nobyo mo ba si Kuya Miro?"
Natataranta akong umiling-iling.
"Weh?"
"Hindi nga. Ito talagang mga batang ito oh."
"Bagay po kayo, Ate," sabi ng batang babae.
"Kayo talaga. Uuwi na ako. Kayo rin. Baka hinahanap na kayo sa inyo."
"Salamat po, Ate Ganda!"
Wala sa sarili akong napangiti habang labit ang mga mangga. Sinampal ko ang sarili nang mapagtanto iyon.
"Hindi ka dapat ngumingiti, Hope. Galit ka sa kaniya, 'di ba? Dapat naiinis ka."
"Ayos ka lang ba, hija?"
"Ah eh opo, Mamila," nahihiya kong sagot.
Bakit ba naman sa lahat ng pwede kong makasalubong si Mamila pa talaga. Nakakahiya tuloy!
"Saan po pala kayo galing?" pag-iba ko sa usapan, sabay kuha sa dala niyang bayong.
"D'yan lang sa taniman ni Kumare ko. Ito nga at binigyan niya ako ng mga talong. Pwede itong ulamin sa hapunan."
Dinaldal ko lang si Mamila hanggang sa makauwi kami para makalimutan niya iyong pagsasalita ko nang mag-isa kanina. Pag-uwi sa amin ay tinulungan ko siyang iayos ang mga dala niya. Mabuti na nga lang at hindi niya ako tinanong kung saan galing iyong mangga.
"Pakidala nito." Inabot sa akin ni Mamila ang basong may tubig.
Kalalabas ko lang sa banyo at nakabalot pa nga ng tuwalya ang buhok ko.
"S-Sa labas po?" wala sa sarili kong tanong.
BINABASA MO ANG
Navigating the Sea Waves (Conzego Series 4)
RomanceHope, a psychology graduate from Conzego College of the South decided to spend a vacation in her grandma's province during the summer. On her stay there, she needed to deal with Miro, her sacristan crush she met in a church mass when she was only si...